Kabanata 20- The Best Day

14.4K 323 3
                                    

JENELLE'S POV

Bago kami umuwi bukas, at bago mag-celebrate ang buong barkada sa kaarawan ni Henry, ay namasyal muna kami ni Xander sa mga souvenir stalls. Madami siyang binili na mga house decorations na gawa sa shells, sabi ko sa kanya na bilhin niya, eh, kaya binili niya.


Kumain din kami sa isang romantic restaurant sa isang resort, isang Italian cuisine ang hinanda kanina. We took pictures and selfies together.


Kumain din kami ng halo-halo while walking across the beach. #thebestday. Sarap kasama ng mahal mo. Kilig overload na ako talaga. Ganito pala kapag in love ka, parang nasapian ka sa pananalita ni Laura, Chaniel at Jessica-kilig lang na kilig ang pinag-uusapan palagi.


Nag-island hopping kami sa buong isla, na siya lang ang kasama ko, marunong naman siya magmaneho ng yate kagaya ng last time, at nakita ko talaga ang buong ganda ng isla ng Boracay. With passion and love, pwede itong romantic places sa honeymoon kapag may ikakasal.


Pagkatapos ng mga 'yun, naligo kami ng sabay ni Xander sa dagat, sa hindi mataong lugar. Minsan, paunahan kami kung sinong mauuna sa dalampasigan o mababaw na. Kapag siya ang talo, he will do push up with 50 counts. Kapag ako naman ang talo,...


"I will kiss you," napaatras ako sa sinabi..daya nito. Tinalsikan ko siya ng tubig sa mukha.


"Wala bang ibang consequence, ganoon talaga?," naisip ko na naman ang nangyari kagabi, hay naman, first time niya akong na-ano sa kama, at hindi ko akalain na magagawa namin 'yun ng ganoon, hay...Lord.


"Sa cheeks lang naman, ipagdadamot mo pa." Nag-pout siya na parang bata. At, niyakap ako na naglalambing.


"Fine, isa lang, ha," napa-yes siya na napiling-iling na lang ako.


Susubukan ko talaga na ako ang makakauna sa dalampasigan, gusto ko kasing makita kung paano siya mag-push ups, hahaha...talandi na si Jenelle. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa akin, parang nag-iba na ang pananaw ko sa buhay, parang ang boring kung palagi lang malumanay ang pananalita ko, di ba?


Nagsimula na kaming lumangoy dalawa, syempre, marunong na akong lumangoy dahil sa kanya. Kung ganito naman kagwapo ang trainor mo, sinong hindi matuto, di ba?


Sumisid ako ng sumisid hanggang...ay...ako ang talo. Siya ang nauna sa dalampasigan with that asarin smile. Kumindat siya sa akin sa hindi kalayuan, at pailing-iling akong umirap sa kanya.


"Give me your cheek, honey," natatawa niyang sabi, sige, Xander, kapag ako ang nakabawi talaga. Lumapit ako sa kanya, at inabot ko ang pisngi ko malapitan sa mukha niya. Hinalikan niya ito ng madiin na madiin na gumawa ng ingay. Nagtampo ako kunwari at hindi siya hinarap, "Hoy, tampo ka kaagad?"


"Daya mo kasi." Malungkot kung sabi. Hinapit niya na naglalambing ang beywang ko, at hinalikan ulit ako sa pisngi.


"Fine, I will do push ups," napangiti ako ng nakakaloka. Humaon kami sa tubig, at nagsimula siyang dumapa sa buhangin. "Count fast and fair, honey."

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon