Kabanata 2 - The Ex

23.1K 441 7
                                    


JENELLE'S POV

Well, para simulan ko ang bagong kabanata, ipapakilala ko muna sa inyo ang pinakamamahal kong ex boyfriend, he was a nerd, intilligent and kind young man. Naalala ko pa, tahimik na tahimik siya kapag makikita ako, he was a handsome bachelor if not wearing an eyeglasses, mapagkamalan nga siyang artista, and that was the reason why he disguise himself to be one, gusto niyang walang babaeng maghahabol sa kanya, at pag-aaral lang inaatupag niya. 


Despite of my father, naging kami na patago lang, syempre, nasa kanya na ang hinahanap ng isang babae, mabait, matalino at hindi mayabang, masipag at higit sa lahat mapagmahal. Nagustuhan ko siya kaagad, kahit isang tingin lang. Naging kami for eight months, but was separated when my father brought me to Australia when I reached at the age of sixteen. Meaning, fifteen pa ako na naging kami. 


Palagi talaga akong dinadala ni papa sa Australia dahil sa murang edad nakitaan na niya ako ng potential sa pamamahala ng isang kompanya. Mahirap suwayin ang Papa ko dahil nakasalalay sa kanya ang mga pangarap ko. Kapag hindi ako susunod, mawawala lahat ng mga ito.


Pag-uwi ko, nalaman ko na lang na umuwi siya ng Ilocos at may girlfriend ng iba. Oo, kasalanan ko naman talaga, hindi ako nagpaliwanag sa kanya sa dahilan kung bakit ako aalis. Inisip niya na mas mahal ko ang Australia kaysa sa kanya. Noong time ng misunderstanding namin, no break was came up in the conversation, nagulat na lang ako ng pag-uwi ko, wala na, nawasak na ang pinagsamahan namin. Para lang itong kidlat na dumaan at nag-iwan ng pinakamasakit na sugat.


Masama bang sundin ko ang mga pangarap ko?


Hindi man lang niya ako hinintay at hinayaang magpaliwanag sa kanya.

Hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang sugat na dulot noon. Simula kasi ng nangyari, hindi na ako nagmahal at tinuon na lang ang mga oras sa matinding pag-aaral. Wala namang saysay kung maghanap pa ako sa kanya, di ba? 


Its been eight years, at hindi ko na alam ang itsura niya, dahil nga, nerd siya. Nerd, at used to be thin. Kaya, kung magkita man kami ulit, mamumukaan ko ang pagmumukha ng isang Alex Rivera, ang lalaking nagwasak sa virgin kong puso. Mga tao kasi, hindi marunong maghintay?


And, its been one month na nagtratrabaho ako sa mansion ng mga Rivera. Nakilala ko si Mr. Alexander Rivera ang governor ng probinsiyang ito. Mabait siya, pero, pagdating sa mga rules and regulations sa bahay ay ang strikto niya. 


Si Madame Sohnia naman, isa siyang babaeng disiplinado lahat ng mga bagay. Kailangan lahat ng ginagawa mo ay tugma sa paniniwala niya. At, ang nag-iisa nilang anak si Xander, hindi ko alam ang buo niyang pangalan dahil pihikan siyang umuwi sa mansion. May sarili kasing bahay katabi ng pinatatakbo niyang riding club at cow's farm. Animal lover kasi ang mga tao rito. Ako, hindi ko kayang humawak ng mga hayop tanging mga pusa lang. Natatakot kasi ako, at expose lang ako sa paper works at computer pati na pag-aaral. Napagtapos ko nga ang kursong Business Administration.


Kasalukuyan akong nag-ba-bike patungong bahay ni Sir Xander, kasi nga, ito ang trabaho ko. Sa loob ng isang buwan, hindi ko pa siya nakakausap, kasi minsan, wala siya sa bahay niya, at hindi ko na siya naabutan kapag papasok ako sa bahay niya upang kunin ang mga lalabhan, at maglilinis ako. Minsan nga, natatakot ako, ako lang mag-isa doon at naglilinis na walang kasama, baka kung may mawawala ako ang mapagalitan. Naku naman.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon