JENELLE'S POV
Hindi nakapunta si Xander sa Ilocos dahil nagkasakit siya dahil naulanan nga. Kaya, si Lola na lang ang pumunta kasama ang dalawang Nanays. Meaning, kaming dalawa na naman ang maiiwan dito. Kasi, si Lola na lang daw ang magpapaliwanag kina Madame sa nangyari sa amin ni Xander, may nangyari ba talaga?
Nagluto na ako ng hapunan. Adobong manok at ginisa na string beans. Ngiting-ngiti si Gina na takam na takam sa pagkain sa hapag.
"Gina, pwedeng dito ka muna matulog?," kanina pa ako nagmamaakawa sa kanya. Hindi ko kasi kayang makasama si Xander ngayon, natatakot na naman ako. Baka, kung ano na naman ang makita ni Nanay Lusing, eh.
"Ate, uuwi po ako ngayon sa amin, dahil uuwi na talaga ako isang gabi kada linggo, at ngayon ko napag-isipan na umuwi dahil na rin tumawag ang Mama na kailangan kong umuwi," paumnahin niyang sabi.
"Talaga ba? Sige, okay lang."
Nang naghanda na siya ng mga plato ay may kailangan akong malaman.
"Gina, may wifi ba rito or ano, internet cafe, or kahit anong source of signal. Alam mo naman di ba, may kailangan akong e-check sa email ko," bulong ko sa kanya.
"Ah...mayroon naman po. Pero, kailangan mo pang lalakarin, kung gusto mo, sabay na tayong pumunta doon dahil madadaanan lang naman 'yun papunta sa amin, eh."
"Sige."
Lumabas muna si Gina, at nagsulat muna ako ng bilin kay Sir.
'Sir, kain lang po kayo kung gusto niyo. May lalakarin lang po kami ni Gina'- Ella,
Pinatong ko ito sa tapat ng upuan niya kapag sa kainan.
Malakas ang wifi sa labas ng cafe kaya dito na lang ako nag-connect. Wala namang e-mail na nasa inbox ko, sabi kasi ni Papa, free na free ako sa apat na buwan, kaya, hindi siguro pinayagan ang mga investors or mga staffs na gagambalain ko.
Dahil gabi na, umuwi na rin si Gina, at ako na lang ang naglalakad sa daan.
Hindi pa naman ako sanay sa mga ganito sa probinsiya. Nasa bahay lang ako at hindi lumalabas. May daanan akong nag-vi-videoke. Mga dalaga na kakalusot sa isang daan, gogora siguro ang mga 'yun. Mailaw pa ang mga bahay dahil alas otso pa lang ng gabi.
Nadaanan ko ang isang malaking bahay, moderno ang pagkagawa nito, at may sasakyan sa labas, at malaking gate ang nakaharang. Nakita ko sa veranda na isang kwarto, ang dalawang taong nag-ahmm—naghahalikan po. Napailing-iling ako naglakad na lang nang patuloy. Dahil nagulat ako sa nakita ko kanina, may nabunggo akong lalaki, matigas ang dibdib niya.
"Sorry po, kuya." Paumanhin ko sa kanya. Hawak-hawak niya ng mahigpit ang dalawang bisig ko, may kasama pa siyang dalawang malalaking lalaki. Mukhang lasing na lasing pa sila.
"Miss, ang ganda mo, ha. Bago ka rito," pumiglas ako sa mga hawak niya, at inilayo ang mukha ko sa mga singhot-signhot niya. "Bango mo, miss, ha."
BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomanceR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...