Kabanata 11- We're Back Home

15.2K 370 4
                                    

JENELLE'S POV


"Nanays, Lola, ma-mi-miss ko kayo," yakap-yakap ko si Lola, at nangingiyak na si Nanay Magda. Mabait naman talaga ang mga tao rito. And, Gina, wala siya rito. Nandito na kami sa tapat ng gate, at pinapasok na ni Xander ang mga gamit namin sa loob ng kotse.


"Kami rin. Dadalaw kayo ulit, ha," sabi ni Lola. At, yumakap ako isa-isa kani Nanay.


"Iha, pagalitan mo 'yang asawa mo, ha. Para hindi lalaki ang ulo niyan."


"Susubukan ko po."


Bago kami aalis, kinausap ko na kagabi ang Nanay ni Gina, at pumayag siya na pag-aaralin si Gina, at ako na ang bahala sa mga gamot ng Papa niya. Hindi naman sa alam ni Xander ito, sekreto lang din. Tinawagan ko na rin si Chaniel, nang hindi sinasabi ang nangyayari sa akin, na may bagong skolar sa programa ni Papa, at tapos na niya itong inapply doon, at bukas may susundo sa kanya. Pinagpaalam na rin siya ng kanyang ina kay Lola na mag-aaral na siya ulit. Ito ang pangako ko kay Gina, at tutuparin ko ito.


Next day, nakaabot na kami sa mansion ng gobernador ng Ilocos. Hay, kinakabahan ako talaga. Sa dalawang linggo ba naming dalawa nawala, ay malalaman na lang ng mga tao rito na kasal na siya. Ano ba naman 'yun, di ba?


Mukhang antok na antok pa si Xander dahil buong gabi siya gising at walan tulog. Ako na ang kumuha ng mga bag namin dahil bagong dating pa lang namin may kausap na siya sa telepono. Pero, tinulungan ako ng dalawang maid na magbuhat. Sila ng dalawa ang nagpasok sa bahay.


Hinintay ko si Xander na lumabas ng sasakyan.


"I'm sorry, honey. Tumawag kasi ang club manager kaagad," paumanhin niya sa kanyang katagalan, pero ngumiti lang ako. Inakbayan niya ako papasok ng bahay.


"Xander," bulong ko.


"Bakit?"


"'Yung sinabi ko sa'yo, ha." Sabi ko sa kanya kasi na gusto kong hiwalay ang kwarto at hindi kami magsasama sa iisang kwarto. Sumang-ayon siya ng makailang ulit na akong nagmakaawa. Hindi talaga niya gustong may hindi siya naabot, pero, ako na ang lumuhod sa harapan niya para hindi na kami magkatabi.


"Oo naman." Nanunudyo siyang ngumisi sa akin.


"Anak! Welcome home, again," yumakap kaagad si Madame nang makita niya si Xander mula sa sala. "And to you, too, Ella." Yumakap siya sa akin naman.


"Thank you, po." Sabi ko.


"Tapos na kayong kumain? Nagpahanda ako ng pagkain, sige na, magbihis na kayo at handa na ang pagkain sa hapag."


"Sige po, Mom."


Hinila ako ni Xander na nagmamadali papuntang second floor. Binuksan niya ang kwarto niya.


"Dito ang kwarto mo, honey," hinila niya pa rin ako, at may binuksan na pintuan sa gilid ng malaking TV. Pinalaki niya ang uwang ng pinto, at pushed on the lights. Bumungad sa akin ang isang malaking kwarto. All gray and maroon, king size bed with white bed sheets, gray big size pillows, and dirty pink blanket. Hinila niya ako sa may wardrobe, at bumungad sa akin ang napakaraming damit.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon