Kabanata 33- A Gloomy Day

12.7K 264 4
                                    

JENELLE'S POV

Parang iiyak na ako sa sakit ng paa ko, argh...alam kong umaga na, and my feet, my God, parang namamanhid na parang ang SAKIT. Hindi ko na nga alam kung nasaan ako, kung saang mundo ako natulog, basta, parang nahimatay ako kagabi because of coldness and pain in my leg. Hay naman. Para na akong lumpo sa sakit ng paa ko.


Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto, and the place seems unfamiliar, malaki, at parang amoy ng lalaki. OH M G, huwag sabihing, Lumandi ka? Panirang isip, lalandi pa ako na ang sakit na nga ng paa ko, at never ko 'yang gagawin, hello?


Sinubukan kong pumanaog ng kama ng dahan-dahan, hay, success. Naglakad pa rin ako ng isang paa papunta sa banyo, naiihi ako for sure dahil umaga naman. Hay naman, bakit ang weird ng kwartong ito? Sino kaya ang nagmamay-ari nito? Ano kaya ang ginawa niya kagabi? Kung ano man 'yun, I am thankful, hindi niya ako pinabayaan sa daan na mamatay sa lamig at sakit.


Pinihit ko ang pinto and it was locked. Weird door, locked agad-agad, may tao kaya diyan??? Nasa doorknob pa rin ang mga kamay ko, nang bigla bumukas ang pinto, nahila ako papasok, and napayakap ako bigla sa isang nakahubad na katawan, his cold hands held my waist, nagwawala na ang takbo ng puso ko. NAKAHUBAD, EH, siguradong kakahaban ka ng hindi sa oras.


Tumikhim siya bigla, at kumalas ako sa yakap ko sa kanya, walang hiya Jenelle, yumakap ka sa hindi mo kilala. When my eyes looked at him, parang nasamid ako sa kinatatayuan ko. HIHIMATAYIN SANA AKO ULIT?


"Xa..Xan..der???," Jenelle, bakit ka ba nauutal? Keep yourself compose.


"Yes? Naligo lang ako, kung gusto mong gumamit, you can," COLD! LAMIG NA NGA NG UMAGA, LAMIG PA NG PANANALITA NIYA. Dumaan siya sa gilid, and never nag-good morning. BAHALA NGA! May problema tayo sa good morning Jenelle? Eh, ang cold ng morning niya, eh. Napahawak ako sa pinto, hindi ko inaasahan ito. Hindi ko inaasahan na makita siya, mailigtas niya. "At, bakit ka ba lumalabas sa ulan? Magpapakamatay ka ba?...And, kung gusto mong kumain, bumaba ka lang, nandoon naman si manang, papasok na ako ng trabaho. And, I hope, last na 'to. Dahil, my help is limited." He stared at my eyes na parang strangers kaming dalawa, hindi kami nagkakilala, at parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya para magalit siya talaga. Hindi nga ba? AT, BAKIT BA ANG SUNGIT NIYA?!


"Sa..salamat na lang," mahina kong sabi, at mahinang sinara ang pinto. Huwag kang umiyak, Jenelle, sinungitan ka lang, sinungitan ka lang. Nagmadali akong naglabas...at lumabas ng kwarto ng nagmamadali. At, mukhang nagbibihis na siya, kaya lalabas na lang din ako ng kwarto. Ginawa ko 'yun, at dahan-dahang pumanaog sa ibaba, sinalubong kaagad ako ni Manang.


"Ma'am, tuyo na po 'yung damit ninyo, magbibihis na po ba kayo? O may kailangan po kayo?"


"Salamat na lang po. 'Yung mga damit ko na lang po," girl, bawal matamlay sa umaga. Bad vibes 'yan. "Wait Manang..."


"Bakit po?"


"Ah...um- ano...ikaw ba ang nagbihis sa akin?" natawa si Manang satanong ko.HINDI BA SI MANANG? CHAKA NA THIS! HYPER...panik ako kaagad nang....anong gagawin ko? Si Xander ang nagbihis sa akin? Para namang walang nangyari sa inyo noon,nakita na niya yan lahat, Jenelle?! HINDI MAAARI LANG!!!

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon