Kabanata 14- Jessica Meets Ella

14.3K 338 5
                                    

JENELLE'S POV

Hinintay kong pumasok si Xander sa kwarto niya pero, mag-e-eight na ay wala pa rin siya. Hindi na nga ako kumain ng hapunan dahil wala naman sila Mayora ngayon, at ako lang mag-isa ang kakain. At, isa pa, wala akong ganang kumain ngayon, knowing that Xander was with his unsaid girlfriend. Hindi niya sinasabi, pero, pakiramdam ko talaga, mahal niya si Clara. Asang-asa lang ako. At, hindi naman totoo na kasal kami, di ba? Why bother hurting, Jenelle? Hindi siya sa'yo, at hindi ka sa kanya. Why bother be jealous?


Nakahiga ako sa kama at tinitingnan ang singsing na siya mismo ang nagsout sa daliri ko. Masaya akong kasama siya, masaya akong asawa ko siya, pero, nakalimutan ko na may ibang babae palang nag-ma-may-ari sa puso niya. Hindi si Ella, at lalong-lalo na hindi si Jenelle.


Bumangon ako, at yakap-yakap ang sarili na nagtungo sa veranda ng kwarto ko. Malamig na ang gabi, at sana nag-e-enjoy na siya ngayon? Kung saan man sila inilagay ng Panginoon. My tears were falling in my cheeks, I hated myself for being so weak. Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko, ito ang hindi ko kayang gawin, ang magiging matapang, nanaig kasi sa akin ang maramramdaman ng iba kaysa sa mararamdaman ko kaya minsan, ang bait ko talaga sa mga tao kahit sobrang galit na nila.


 Unfortunately, wala talaga ako sa katapangan ni Jessica, hindi ako biniyayaan ng kasungitan ni Chaniel at hindi ako binigyan ng katatagan ni Laura. Matalino nga ako, pero pagdating lang sa business, and all about material things, pagdating na sa emotional, wala na akong magagawa, bagsak ako. Ako ang talo palagi.


Natanaw ko mula rito ang papanaog ng sasakyan, si Xander, at...Clara. Nakangiti pa silang dalawa sa isa't-isa. Wala na talaga, hindi ko na kaya. I'm hurting the way my tears were flowing. I dialed the number of Jessica, at walang sumagot. I dialed Chaniel's number, wala rinng sumagot. Kay Mama kaya, huwag na, baka, mabuking akong umiiyak. Wala nakakatalo sa instincts ng mga Mama.


Matapos pagmasdan ang gabi, humiga ako at sinubukang ipikit ang mga mata. Hanggang, nakatulog na ako.


The small clock near my bed were crying in alarm, at napayakap ako sa unan, well, matigas na unan? Akala ko ba unan ang nandito sa tabi ko, parang tiyan. Dahil sa curiosity, dumilat ako, and my husband was in my bed. Anong ginagawa niya rito? Gayunpaman, nakahiga ako sa mga braso niya, and I was hugging his stomache. Nakalagay ang isa pa niyang kamay sa beywang ko, magkadikit ngayon ang mga katawan namin patagilid. 'Yung ulo ko, ilang baba lang sa ulo niya.


"Xander..." bulong ko sa kanya. "Honey, gising ka na."


"mmm..." umungol lang siya, at pinagdikit pa ang katawan namin.


"Xander, magluluto pa ako." Alam ko namang gising na siya, bahagya kong kukunin ang kamay niya sa may beywang ko, pero, hinawakan niya lang ito ng mahigpit.


"I can't get you up. Gusto ko munang mayakap ka. Nagtampo ka ba sa akin, honey?" sabi niya ng nakapikit.


"Hindi, ha. Hindi ko magagawang magtampo sa'yo." Nagsasabi ako ng totoo, wala akong dapat ikatampo sa kanya, I'm just hurting, 'yun lang, at wala akong ikinagagalit dun. Normal lang namang masaktan.


Kinagat niya ang kanyang mga labi, at nilapit ang ulo ko sa kanya, at siniil ako ng malalim na halik. Dumilat siya, binitawan ang halik, at ngumiti sa akin ng nakakaloka.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon