JENELLE'S POV
Bagsak na bagsak ang nararamdaman ko ngayon, natatakot na kinakabahan. Parang nanginginig ako sa takot talaga. Kasi naman, mag-a-alas dyes na ng gabi, at wala pa ang amo ko. Antok na antok na ako, parang babagsak na ang mga kaluluwa ko sa mata talaga. Nasaan na ba kasi 'yang, Alex na 'yan? Nakakainis siya, ha.
Kumain na kaya siya? O naghapunan na naman ng halik 'yun? Tsk, hindi na ako magtataka kung ganoon? Kung siya man si Alex, hindi siya ang lalaking minahal ko noon, magkaiba sila ng pananaw sa babae, at ako lang ang minahal ni Alex, ako lang. At, si Xander, hindi siya nakalamang sa katauhan ni Alex.
Napatakbo ako sa may pintuan nang may narinig akong dumating na sasakyan. Nag-park at bumagsak ang pintuan nito. Kaya, alam kong nandiyan na ang pinakamagaling kong amo talaga. Pinagbuksan ko siya ng pintuan, at laking gulat ko na duguan ang kamao at ang gilid ng mga labi at mata niya.
"Diyos ko po, anong nangyari sa'yo?" galit ka, Jenelle?! Makasigaw, wagas na wagas. Nilagpasan niya lang ako, at umupo siyang hindi maipinta ang mukha sa couch. Hinubad ang sapatos, pagkatapos niyong upper piece ng suit niya.
"Bring me some ice and water," malamig niyang utos sa akin. Sinunod ko 'yun, pero, nagbagsak ako sa tagiliran ng lamesa. Ganoon din siya nakipag-ayaw sa mga lalaki noon sa school para maipagtanggol ako sa mga 'yun. Gusto kasi nila akong dalhin sa hindi ko alam na lugar, mabuti, dumaan siya noon sa dinadaanan ko, kaya tinulungan niya. I cried out loud that time because he nearly got killed by the boys. Ngayon naman, nakita ko lang ang mga pasa niya sa mukha ay para na akong naibalik sa nakaraan. The reason why I fell in love with him, because I considered him my savior.
Pinahid ko muna ang mga luha ko bago bumalik sa kanya. Nilagyan ko ng ice ang isang bimpo, at tumitig sa kanya.
"Sir, okay lang po kayo?" mukhang hindi lang sakit sa mukha ang nararamdaman niya, eh, pati, na, higit pa doon.
"Stop asking, and just, add some ice on the wounds." Pagalit niya, nanginginig naman akong umupo sa tabi niya. I made sure na may half ruler pa ang agwat namin, baka, naku, ako ang mapagdiskitaan ng galit niya. Dahan-dahan kong kinuha ang bimpo, at marahan itong pinahid sa gilid ng bibig. "Lumapit ka kaya, takot ka ba?" umirap siya sa akin, at sinunod ko na lang ang sinabi niya. Hinawakan ko ang mukha niya, at dahan-dahan pa ring pinahiran ng ice ang mga pasa.
Umiba ang tibok ng puso when he said...
"Why did girls always leave me alone?" may lumabas na luha sa kabilang mata niya. Napatigil ako. "Lahat ng babaeng naisama ko, lahat sila pinagpalit lang ako sa ibang lalaki. Pareha lang silang lahat, manloloko."
"Ano...po...ang ibig ninyong sabihin?" Tumingin siya sa aki nang nagtanong ako. At, bigla akong sinugod ng halik. Namilog ang mga mata ko dahil sa gulat, tinulak-tulak ko siya, pero, parang galit na galit siyang talaga at sa pamamagitan nang halik ay binuhos niya ang kanyang galit.
"Sir!," sa kabila ng mga mararahas niyang halik, naisambit ko pa yun, pero, nagtulak lang ito para halikan niya pa ako.
"Kiss me back for goodness sake!" kahit parang binawian ako ng hininga dahil sa hingal na hingal ako, sinubukan kong igalaw ang mga labi ko para halikan siya sa mga sagot. Namuo ang mga luha ko ng napahiga ako ng maayos sa malaking couch na ito, he kissed my neck gently and ardently. Napakapit ako ng mahipit sa mga braso niya, dahil sa kakaibang damdamin at init na ibinibigay niya sa akin ngayon. He kissed me again at my lips, but no harassement attached. Dinama ko ang mga malalambot niyang labi sa mga labi ko rin. Parang gusto na niyang kainin ang bibig ko sa mga halik niyang hindi ko akalain na magagawa niya ng ganun.
BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomanceR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...