Kabanata 31- 2 Alex Meets Xander

14K 282 0
                                    

Xander's POV

Hindi ako makapaniwala! Hindi ako makapaniwala na nakita ko si Jenelle kanina, para na akong sasabog sa kaba, sa hindi maipaliwanag na saya. And, when I was stating my proposal, parang hindi pa siya nakikinig. Malaki ang pinagbago niya, she was stronger in her features. Pero, tingin ko ganoon pa rin 'yan kabait. Kahit na iniwan niya ako, again, noong naaksidente ako, I never saw her, kaya siguro, parang nasanay na ang puso kong masaktan ng paulit-ulti dahil sa kanya. I tried love other lady, I only enjoy her company, but I never felt a love I was searching for. Mukhang kay Jenelle lang talaga ko 'yun mararamdaman ang pag-ibig na 'yun. Specialty siguro niya. Pero, ngayon, I will never melt down again, kailangan kong maging matapang at huwag ng magpapadaig sa isang walang hiyang pag-ibig. Maybe, in the right time, mahahanap ko rin ang pagmamahal na hinahanap ko. Hindi muna sa ngayon.


Pero, kanina sa meeting, she excused herself to go out at nagtataka talaga ang lahat, parang wala talaga siya sa sarili, and she thought deep na parang hindi na malalangoy ng mga mata mo.


She went out, but then, I froze, we froze, when a little boy hugged her legs, and called her Mommy! Para na akong binagsakan ng mundong hindi ko pasan. May anak siya nang ganoon ganoon na lang. Hindi niya ako pinuntahan sa ospital dahil na coma ako for three months, iniwan niya akong nag-iisa sa hindi ko kayang hapdi ng katawan, umalis siya nang hindi nagpapaalam, pinirmahan niya ang walang kwentang annulment papers na 'yun, para lang,...para lang...marinig ko ang masayang tinig ng isang batang lalaki na tinawag siyang 'Mommy' Ano 'yun naglolokohan kami rito? She left, pumunta ng Australia, at nakakita ng iba, nagkaanak kaagad. JUST WOW! HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO, DAHIL HANGGANG NGAYON, NASASAKTAN PA RIN AKO SA MGA GINAWA NIYA SA AKIN!


Tinuon ko ang utak, isip, kaluluwa, at puso sa trabaho para makapag-move on ng tuluyan. I even joined my friends to build a company, be a model, to erase her precious memories in my mind, pero, sa isang kita ko lang sa kanya with that little boy, ANG SAKIT! 300% SURE AKONG MASAKIT SIYA!


I was sitting at the drinks counter in a bar, dalawang bote pa ang nainom kung beer. Nag-iisip pa kasi ako sa mga nangyayari. Sa nakaraan, sarap kasi balikan kahit masakit. Siya lang kasi ang nagdala sa akin sa mga mundong hindi ko kayang pasukin. She made me smile, she made my heart beat with reasons and purpose, she was my most treasurable wife and she was my one and only love, but then, parang hindi niya napatunayan ang mga 'yun. Tama nga sila, mabuti pa sa simula, pero kapag, dumating na ang time na magsasawa na, iiwanan ka na agad.


Lahat ng pinaghirapan ko sa trabaho ngayon, parang wala na itong saysay sa akin, its just for the sake of working, kasi naman, wala kong inspiration sa life, wala ng nagluluto ng umagahan para sa akin, wala ng humahalik sa akin upang matanggal ang pagod ko, wala na akong makakausap sa tuwing ako'y nag-iisa. Oo, may girlfriend ako, si Charmaine, nasa Singapore pa siya ngayon, kaya hindi ko pa siya makakapiling. PERO, EH, Hind niya talagang kayang gawin ang mga ginagawa ni Jenelle sa akin. Arggh...Jenelle, Jenelle, Jenelle, bakit ba nagkahiwalay pa tayo?!


Habang iniisip ko ang lahat ng pinagsamahan namin doon sa Zambales, sa Ilocos, at sa Boracay, hindi ko namalayan na nakainom na ako ng walong bote ng beer. Nahihilo na naman ako. Ginawa ko na naman for the second time ang uminom ng ganito karami.


"Shit! ALEX, nandito ka na naman!," may sumigaw sa harapan ko, at kinuha ang bote na hawak ko. Tumingala ako sa lalaki, si Finn na naman with Henry.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon