Kabanata 7- The Bride's Duty, They Said

17.8K 464 4
                                    

JENELLE'S POV

Maaga akong gumising, nasa kabilang kwarto ako, katabi ng kwarto ni Xander, pinalipat kasi ako ni Lola kagabi, eh. Sanay akong gumising ng maaga dahil na rin sa nag-aasikaso ako ng mga baon ng kapatid ko everyday.


Nakaabang na sa kusina si Nanay Magda, siya naman kasi ang matalik na kaibigan ni Lola, at ang tagabantay niya. At, siya rin ang palaging nasa tabi ko palagi, tiningnan niya bawat kilos ko kahapon. Para ba siyang nagmamasid sa akin.


"Magandang umaga, Nanay," bati ko sa kanya, nagbabasa siya ng dyaryo. "Gusto niyo po ng kape, Nanay?"


"Tapos na akong uminon, iha." Ngumiti siya sa akin. "Iha, anong lulutuin mo ngayon?"


"Ako po ang magluluto, Nanay?," gulat kong tanong. Sa pagkakaalam ko kasi may tagluto sila, kahapon sa tanghalian nakapagluto ako dahil utos ni Lola, pero, wala namang sinabi si Lola sa akin kagabi na ako ang mgaluluto ng umagahan. Edi sana, nakagising ako ng mas maaga pa sa alas singko.


"Oo, iha. Sige na, simulan mo na ang pagluluto, at may gagawin tayo ngayon."


"Sige po. Dadalhin ko lang ng kape si senyorito bago po magluto," kumuha ako ng tasa at platito. Tinimpla ko 'yung kape na nakasayanan kong timplahin kay boss.


"Iha, bakit pa ganyan ang tawag mo sa kanya? Eh, magiging asawa mo na siya sa susunod na araw," hindi na ako sumagot at ngumiti na lang. Hindi pwede, ngayong, hindi siya talaga sang-ayon sa ganitong kasunduan.


"Sige po." Lumabas na ako sa kainan at umakyat ng dahan-dahan. Bago ko bubuksan, huminga muna ako ng malalim, at kumatok ng maayos.


"Sir, ito na po 'yung kape niyo po," walang sumagot, kaya, pinihit ko 'yung pinto, at bukas naman ito. Nilakihan ko 'yung uwang at sumilip muna. Nandoon siyang nakahiga ng mahimbing sa kama niya, at madilim na madilim pa ang buong kwarto. Dahan-dahan kong inilapag ang tasa sa table na nasa gilid ng kama niya. Pumunta sa may bintana, at hinawi ang mga kurtina at binuksan ang bintana.


Hay, ang ganda ng kapaligiran mula rito sa bintana niya. Sariwa ang hangin at gandang-ganda ang papasilang na umaga. Nagtitiktilaok na ang mga manok, at simula na maglinis ang mga katulong sa bahay. Dinig na dinig ang pagkanta ni Gina mula rito sa bintana.


Ngumiti lang akong lumingon aky Xander. Pinulot ko ang mga papel na nahulog mula sa table, siguro, nagtrabaho na naman siya kagabi. Mga sales report ang nandito, eh. Sinirado ko ang laptop niya, at inayos ang mga nakalatag sa lamesa. Natabig ng kamay ko ang isang litrato, kinuha ko ito mula sa pagkahulog, at tiningnan.


Napatingin ako sa kanya nang makita ko ang litrato namin noong highschool pa kaming dalawa. Niligpit pa pala niya ito? Ang copy ko ng litratong ito ay nasa bahay, tinago ko na. Alam niyo naman kung gaano ko pinag-iingatan at pinahahalagahan ang pagsasama namin noon, kaya naiyak talaga ako.


Pinahid ko ang luha ko, at inisip na walang ng nakaraan sa amin. Pareho lang kaming nasaktan noon sa hindi malaman-laman na dahilan. Ayaw ko ng e-open sa kanya na ako si Jenelle, ayaw kong malaman niya, dahil, magagalit lang siya ng husto. Ayaw ko ng may kaayaw sa mundo, at labag iyon sa pagkatao ko.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon