Kabanata 26- His Heartbreak, Wine and Beers

12.4K 214 0
                                    

XANDER'S POV

The galaxy, the universe, the earth, the world, crashed right in front of my eyes when I finally realized Jenelle left me again. Hindi pa ba pag-iwan 'yun, pinirmahan niya, di ba? Wala akong pakialam kung maingay sa bar na ito, dahil may sumisigaw sa akin ngayon, tumingin ako sa prinsipeng walang prinsesa sa tabi ko, he was furios with anger like a nuclear bomb.


"Tama na nga," iinom na sana ako nang kinuha niya ang bote ng beer, "Tama na, Alex. Hindi solusyon ang pag-inom. Bakit ba? Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito, ah." Umupo siya sa isang stool sa tabi ko, at inusog sa harapan niya ang mga bote ng beer parang hindi ko maabot. Parang lasing na ata ako nito.


"Anong sinasabi mo diyan? Na nasasaktan ka rin dahil sa pag-ibig?," tatawa na ako nito. Siya umiibig? Hello, narinig ko ba ang tama?


"Oo, and she was marrying other guy, way back in Italy I met her, pero naging kaibigan ko lang siya, never nag-iba ang tingin niya sa akin, at kaibigan lang talaga 'yun, pero, tingnan mo, hindi ako uminom. Hindi solusyon ang pag-inom, Alex, dahil, magbibigay lang din ito ng iba pang problema. Gusto mo bang magkasakit?" Tsk, ang bait talaga ng prinsipeng ito.


"Don't worry, prince. I will never be sicked." Tinapik ko ang balikat niya at kinuha ang isang beer. May tama ito kay Georgie talaga, si George lang naman ang nakilala niya sa Italy. At, hindi ako boto kay Georgie na mapunta sa kahit sinong kaibigan ko, she was a liar.


"Talagang lang, ha? Kung isusugod talaga kita sa hospital, tatawanan lang kita."


"Kung ganoon, you're the best of friends," tinapik ko ulit ang balikat niya, at tinanguan lang siya sabay inom ng beer.


Tumunog ang cellphone niya na parang soundbox ang ringtone daig pa ang music ng bar, siguro, the King na naman 'yan. Papa niya. Sinagot niya ito pero pinanlakihan muna niya ako ng mata bago umalis. Meaning, huwag papalabis ng inom daw. Hay naman, wala akong time sa mga ganyan. Gusto kong uminom, eh, wala kayong magagawa. Iniwan na ako ni Jenelle eight years ago, at iniwan na naman niya ako. What the hell was that? Ako ang nagmamahal ng labis, ako pa, ako pa ang iiwanan? Bakit, nagmahal lang naman ako? BAKIT BA SA LAHAT PA NG IIWANAN, 'YUN PANG NAGMAMAHAL SA'YO?!


Wala nang ibig sabihin pa, if she truly loved me, hindi niya pipirmahan ang walang hiyang annulment papers na 'yun. She was the only one saying not to break our relationshiop, pero anong nangyari, siya ang bumagsak. She was the one pleading not to leave her, pero sa huli, ako ang naiwanan? Walang katarungan ito?


Uminom ulit ako ng limang bote ng beer. Siguro, pang-dalawapu't anim ko na 'to, with ten shots of wine kanina. Kaya, pakiramdam ko, wala na akong makita dahil sa hilong-hilo ako, at parang ang gulo ng mundo na umiikot."Je...ne..lle...I...love...you...why did you..leave me again?," mukhang ito na lang ang naibigkas ko sa buong kalasingan ko talaga. Kasabay ng hinanakit ko, siya ring pagbagsak ng mga luha ko, ang OA kasi, sakit-sakit-sakit-sakit-sakit kaya ng pinirmahan mo 'yun annulment papers with invalid reasons. Mahal ko naman siya, ha. Bakit ganoon? Nagmamahalan naman kami, ha, bakit siya, parang hindi ko nakita 'yun?


FINN'S POV

Walang hiyang Alex, uminom siya nang uminom ng beer. Ganito ba talaga kasakit umibig ng malalim, parang ang lalim din ng sugat? Hay naman, mabuti naka-move on na ako sa walang hiyang babaeng 'yun? Yeah, I mean, George, akala ko mahal niya si Henry, 'yun pala, niloloko niya dahil kay Alex, pero, alam naman naming lahat, sa buong katauhan ng universe na mahal na mahal na mahal ni Alex ang asawa niya. Kahit na namukaan ko na si Jenelle noon una ko siyang nakita, pero, hindi ako nakialam dahil bawal mang-judge ng tao.


Kausap ko ngayon ang assistant ko na nagsasabing may meeting ako bukas, nine o'clock, kasi naman, walang hiyang Alex na 'to, hindi ako nakapasok sa opisina, dahil nasa tabi ko lang siya. Baka mag-suicide 'to noh, na, baka ako pa ang suspek kung nagkataon talaga.


Pumasok ulit ako sa hindi ko gustong bar na ito, at wala na si Alex na kanina ay nakaupo pang nag-da-drama, naman, oh. Saan na naman 'yun? Sino na naman kaya ang da-dramahan niya? Bumalik ako sa labas ng bar, at, may nakita akong papalabas ng parking lot na sasakyan. DIYOS KO NAMAN, 'YUNG SASAKYAN KO?! WALANG HIYANG ALEX TALAGA, OH! May balak sigurong sirain ang kotse ko, hello, lasing na lasing kaya siya, at kung mapano siya sa kalsada. NAKU NAMAN OH! Ten minutes lang akong nawala, at nakasakay na siya ng sasakyan.


Arggh...sinabunutan ko ang ulo ko.


Pumara ako ng taxi. At pinasunod kay Alex na parang mag-su-suicide sa mabilis na nagpapatakbo ng sasakyan. NAMAN OH! Ginagalit talaga ako ng lalaking ito! Sinong hindi, idadamay ba naman ang kotse ko sa sakit niya sa puso!


Sa kahabaan ng daan, nakita naming lumiko siya sa isang madilim na daanan, pata na tayo! May dalawang kotse pa sa unahan namin, at tingin lang ako nang tingin sa kalsada na nagagalit na rin kay Manong. Naku, nadadamay pa talaga si Manong dito.


Biglang may tumawid na bisikleta, kaya bigla siyang napaliko, at pagewang-gewang na tumatakbo ang sasakyan ko, at bumngga ito sa napakaling puno.


"NAKU, manong, inihinto mo po!," huminto si Manong, kinabahaan ako, baka, aerghh...grabeh, talaga, naaksidente na talaga. Bumaba ako ng mabilisan, at tinakbo ang kahabaan ng daan. Huminto na rin ang ibang sasakyan dahil sa nakikita nila. Alex naman...nagpapakamatay talaga, oh!


Pagdating ko doon, wasak na wasak ang harapan ng sasakyan ko, naiiyak akong nakatingin sa kanya. Sumilip ako sa loob, at nadoon siyang walang malay, duguan na nakasandal ang ulo sa manebela.

"DIYOS KO PO, ALEX! Ano bang naisip mo para gawin mo 'to!," napamura ako ng wala sa oras. Tinawagan ko nang nanginginig ang hospital, at pangalawa ang mga kaibigan namin, pangatlo, ang mga magulang niya.


<><><><><><><><><><><><><><><>><><><><><><><><><><><><>

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon