Kabanata 19- Hurtful Feelings and Confessions

14K 317 7
                                    

Warning: O___O My intimate scene. Kapag alam ninyo sa sarili ninyo na bawal...bawal basahin. Masyadong maraming romance power ang nilaan ko rito. 

JENELLE'S POV

Naglakad mag-isa sa baybayin dahil may sumundo na raw kay Kasie sabi ni Brad kanina. Kanina ko pa tinatawagan si Xander pero walang sumasagot talaga. Nag-aalala ako, baka nakainom na 'yun ng marami, kaya nagmamadali akong naglakad.


Tawag pa rina ko nang tawag kahit papalapit na ako ng hotel, sa katahimikan ng gabi, narinig ko ang isang ringtone ng cellphone sa may baybayin, na familiar ang sound, nilingon ko ito, at may lalaking nakaupo doon na umiinom ng beer mag-isa.


Tinakbo ko ang likuran niya, at parang umiiyak siya. Nasaktan ako ng makilala kong si Xander pala ito, nasasaktan ako dahil umiiyak siya. Bakit siya umiiyak? Maya-maya sumigaw siya, at sinuntok ang buhangin, tapos, binato ang bote sa may dagat. May problema ba siya?


"Xander," nanginginig ang boses ko nang tumawag sa kanya. "Xander, are you okay?"


"Leave me alone," naiyak ako sa galit na galit niyang boses. Pakiramdam ko sa akin siya nagalit? Hindi ako nakahinga ng maayos sa tono ng pananalita niya, at ang luha ko, hindi ko kayang pigilan sa paglabas.


Tumakbo ako sa harapan niya, lumuhod doon.


"Xander, ano bang problema? Bakit ka umiiyak?" hinahaplos ko ang pisngi niya na amy mga luha. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung bakit, I just hugged him. "Xander, ano bang problema? Sabihin mo naman, oh." Gustong kumawala ng puso ko sa takot o pagmamahal, nasaktan ako sa mga luha niya.


"Ella, sabihin mo na lang na ayaw mo na, okay lang naman, we can get annuled if you want," nabitawan ko ang mukha niya, at napaupo na parang nagbagsak sa harapan niya. Why was he saying that? "Sanay naman akong iniiwan, eh, ng mga babaeng mahal ko. Well, dalawa lang naman sila. Just say it, if you want that guy, then be it, I will give you freedom, sabihin mo lang kung kailan."


"Bakit mo sinasabi 'yan?" tumayo siya na parang galit na galit, at nagmura sa dagat.


"Eh, may asawa ka na, alam mo ba 'yun! Then, makikita ko lang na may kasama kang ibang lalaki doon! What the hell was that! Sabihin mo!," sinabutunan niya ang ulo niya, at sumigaw na nasasaktan. "Di ba, okay naman tayo, ha. Masaya naman tayo, Bakit ganoon, nasasaktan na naman ako?"


"Wala naman 'yung ibig sabihin, he just comforted me, wala kaming ginawang masama, na miss lang kita kaya sinabi ko sa kanya. Wala akong mapagsabihan, oo magkasama tayo sa tanghali, pero, namiss kita buong maghapon. He offered me friendship, at tinggap ko lang, walang ibig sabihin nun."


Natahimik siya bigla, nagbuntong-hininga.


"Akala ko..." niyakap ko siya ng mahigpit, tinalon ko talaga ang haba ng leeg niya para mayakap ko 'yun.


"Miss na miss kita, at parang ang lungkot ng buhay ko kapag wala ka. All I was thinking was you, and all about you. At, hindi ko kayang hiwalayan ka, Xander. Kahit naman, tradition lang ang kasal natin, di ba, pero, I feel na totoo ang mga 'yun, totoo lahat ng pagsasama natin, can you just don't say na maghihiwalay tayo," nasabi ko na rin, at last. Niyakap niya ang beywang ko, at hinalikan ang ulo ko.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon