Kabanata 5- Together Alone

17.5K 461 2
                                    

JENELLE'S POV

Hinanap ko si Douglas, ang aso ni Lola na gumagala tuwing hapon daw. Hindi kasi nakita ni Lola ngayon, kaya pinahahanap niya sa akin. Hindi naman ako familiar sa lugar na ito, napunta ako sa may kagubatan sa likod ng mansion, may kagubatan kasi rito na may layong kalahating metro mula sa mansion. Sabi kasi ni Chaniel kanina, tinawagan ko siya, kung saan ba mahahanap ang mga asong gumagala? Pero ang sagot niya ay hanapin ko raw sa kagubatan dahil siguradong nandoon. Hay naman, valid ba 'yun. Hindi kasi ako nag-aalaga ng aso, tanging pusa lang. Takot kasi ako sa aso, di ba?


"DOUGLAS!?," sigaw ko sa paligid. Naman, nasaan na kaya ako? Dios mio, baka nawala na ako?! Huwag naman sana. Pero, malaki pa ang daan, eh. Sabi ni Lola, matalino ang aso na 'yun, kaya isang tawag lang ng pangalan niya ay makikita kaagad.


"DOUGLAS?!" pang-lima ko nang tawag ito, wala pa ring napapala.


Napapagod na akong maglakad. Paikot-ikot, nakakahilo. Umupo ako sa isang putol na kahoy, na kaharap ng isang maliit na kubo. Diyos ko po! Magdidilim na at bakas na uulan ngayon, tingnan niyo, nakasimangot ang panahon, and the thunder was drumming really hard. Dahil, takot ako sa kagubatan dahil baka may engkanto at totoo sila, takot ako sa dilim, takot ako sa kulog at kidlat, takot akong mag-isa ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko, Lord, bakit walang signal dito? Oo nga pala, bundok ang mayroon, dito?


"Douglas, magpakita ka naman, eh," isa pa ang dahilan kung bakit nawala si Douglas, ay gumagala siya at sabi ni Lola, sumunod siguro kay Xander pag-alis niya. Hay naman, bakit ko ba sa kagubatan hinahanap?


Maya-maya, may dumaan na isang babae, para siyang prinsesa sa kanyang pananamit. Ay naman. Tumingin muna siya sa akin, at ngumiti lang ako.


"Magandang hapon." Bati ko sa kanya, pero, nag-bow lang siya at naglakad na.


Naglakad ako sa likod ng kubo dahil may daanan doon. Sinuong ko ang mga nakaharang na natutumbang sanga ng mga kahoy, minsan nasasabit pa ang damit ko, at nasusugatan ng maliit ang binti. Pero nang wala 'yun, napunta ako sa harap ng isang malaking lawa.


Hindi naman ako familiar sa lugar kasi, kaya namangha na naman ako sa kagandahan. All my life I lived in modern world and business matters, pero, may iba pa palang magandang buhayin sa loob ko. Naglakad ako malapitan....nang may tumahol sa akin. Tumingin ako sa kabilang bahagi, at may aso doon,


"Douglas?!," napatalon ako sa tuwa, kaya, nasamid ako na hindi sinasadya at para may natapakad akong bato dahilan na mahulog ito, at gumuho na rin ang iba, oh my God....oh My god!!! Natumba ako, at pumaligid sa mga bato na nahuhulog na....nakakapit ako sa isang ugat ng kahoy. HO! HO! Tiningnan ko ang tubig, Oh My, hindi ko na 'to kaya, hindi ako marunong lumangoy at lalong-lalo na, takot ako sa malalim. "Douglas! Tulungan mo naman ako, oh! Tumawag ka ng tulong!," naiiyak kong sambit sa aso, kanina pa kasi siya tahol- nang tahol, eh.


"TULONG! PLEASE, HELP ME!," kumapit ako ng kumapit sa ugat ng kahoy, pero, madulas ito, kaya, maya-maya ang dumagan ang hawak ko. "Tulong!"


Oh my God! Oh my God! Dumagan na naman ito, kaya hinawak ko ang isa kung kamay sa isang pang ugat. Hindi ko pa 'to katapusan, just think, this was a challenge, Jenelle. Kaya mo 'to. Ikaw lang mag-isa, at walang katao-tao, walang tutulong sa'yo. Pero, sa cheering up ko, naiyak pa rin ako sa takot.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon