Kabanata 18- Pain With Regret

14.5K 275 4
                                    

JENELLE'S POV

At exactly seven, naglakad kami ni Kasie papunta sa club na sinasabi ni Jeffrey, buti nga napayagan ako ni Xander, nagmakaawa pa ako talaga para payagan niya lang. Kasi naman, ayaw niya raw na may mga lalaking lalalapit sa akin. Super-duper hindi ko na naintindihan ang pag-aalala niya sa akin. Alam ko naman na asawa niya ako, asawa niya, at ramdam ko 'yun, ang kaso lang kasi, I need those three words, I need them very very much.


Pagpasok namin ay tuwang-tuwa si Kasie dahil nahanap niya kaagad ang Brad na crush niya raw. Malakas-lakas na rin ang music sa loob, at nagsasayawan na ang iba, ang iba nag-iinoman na sa kani-kanilang mga table. Hindi talaga ako sanay pumasok sa ganitong lugar, lalong-lalo na na hindi mo kabisado ang mga tao at nag-iinuman pa sila, ay, baka anong mangyayari talaga. May maganda ba sa gimikan o mga club-club na ito. Mukhang wala naman. Nakakarindi lang sa teynga.


"Sige, girl, batiin ko lang si Brad, ha," paalam niya, at nakisiksik sa makapal na tao sa gitna. Maya-maya, umupo na ako sa isang bakanteng upuan ng isang table, at wala namang tao rito. Diyos ko po, may naghahalikan pa sa likod ko. Ano ba naman 'to? Ganito ba ang pinapasukan ni Jessica na mga club noon? Alam niyo kasi, gimikin 'yung si Jessica simula fifteen siya, at na-stop nung nagkatutor ng lalaki. Na-inlove, nagka-lovestory, at nauwi sa not really a happy ending, kasi, naaksidente ang lalaki, 'yun hindi naka-move on si Jessica for two years, at dinala sa States, pagkatapos, umuwi last month na okay na ang lahat, mukhang masaya na siya sa modeling career niya.


"Ella," inakbayan ako ng isang lalaki, ngumiti ako ng mapait kay Jeffrey. "Si Kasie?"


"Ah, nandoon sa kaibigan mo."


"Ikaw naman mag-isa, tara, may gusto ka bang drinks?"


"Hindi ako umiinom, eh. Sorry." Tanggi ko sa kanya.


"Tara, dadalhin kita kay Kasie, may table kami doon," sa ayaw ko ay nahila pa rin niya ako, ano ba 'tong lalaking ito?


Umakyat kami sa itaas at nandoon si Kasie nakikipag-usap kay Brad na silang dalawa, nakaupo sila pareho sa iisang couch. Nakangiti ako ng mapait kay Kasie, at mukhang siya na rin ay nakakaamoy ng hindi maganda talaga.


"Hi, Ella, upo ka," yaya sa akin ni Brad, at umupo sa couch na sa tingin ko ay hindi uupuan ni Jeffrey. Despite sa kabang-kaba ako, tinabihan pa rin niya ako, at inakbayan.


"Do you need something, sweetheart?" Umusog ako papalyo sa kanya, at kinuha ang kamay niya sa balikat ko, at 'yung isa sa may hita.


"I don't need anything, thank you," kalma kong sabi kahit kinakabahan na talaga ako. Sana nakinig na lang talaga 'yan sa akin si Kasie, eh, na ngayon ay nakikipag-lamputan pa rin siya sa Brad na 'yan. Naman, ginagalit talaga ako, hindia ako sanay magalit.


"Kasie, pwede mo ba akong samahan sa CR," yaya ko sa kanya, tinitigan siya na nagsasabi na may kailangan akong sabihin.


"Oo naman. Saan ba CR ninyo, Brad?"


"Sa likod ng drinks counter," nakangiting sagot ng lalaki.


Nakahinga ako ng maluwag ng nakapasok na kami sa CR. 'Yung kaba ko kasi kanina, hindi ko mapigilan at takot na takot ako. Si Kasie naman, parang ang kalmang-kalma lang niya.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon