Kabanata 17- Sense of Duty

14.2K 308 3
                                    

JENELLE'S POV

Dahil matagal na hindi nagkasama ang tropa ng asawa ko na binuo ng pitong miyembro, una si Henry ang nagma-may-ari ng beach hotel, si Keiser ang makulit sa grupo nila, at nakatira talaga sa America, si Micheal, ang may-ari ng beach restaurant na sikat sa buong isla, si Slater, ang swimmer, slash car racer at model sa kanilang pito, pang-lima ay si Finn, ang half-Italian na isang prinsipe sa Italia, naman, pero, Pilipinong-pilipino ang pamumuhay niya. Zion, ang kakambal ni Keiser sa kakulitan, at panghuli, syempre, the best of man, Xander.


Habang nagku-kwentuhan pa silang pito, kaming tatlong babae, Kasie, Georgie and I ay naglalakad ngayon sa babayin. Taking pictures and selfies, at okay na okay na okay na si Kasie ngayon dahil nasigaw na niya ang galit niya sa Henry na hindi ko alam ang dahilan, malapit na nga niya akong batuhin ng ilang unan sa kwarto, dahil sa galit na walang nakakasukat. She was smiling na, hindi gaya kanina na parang puputok na siya sa inis. At, mukhang mabait naman si Georgie, para siyang pure Filipina kung magsalita, malumanay at malambing.


Sa kabila nang pagngingitian naming tatlo, tumunog ang phone ni George, kaya nagpaalam muna siya para sagutin ang tawag.


"Kasie, meg-kwento ka naman? Anong nakita mo sa fiance ni George kanina, si Henry ba 'yun? Oo 'yun, nga," patuloy kaming naglalakad, pero, napailing-iling lang siya na hindi sasabihin sa akin.


"Kumain tayo ng ice cream, sige na," tumitig ako sa kanya, oo naman, naglilihi siguro ito. Pumayag ako, at pumasok kami sa isang ICE Cream Shop na nakatayo sa baybayin lang.


"Strawberry flavor, Kuya," magiliw niyang sabi sa nakabantay na kuya sa counter. Madaming-dami ring tao rito, karamihan mga foreigner children. Gawa sa kawayan ang mga table at chairs, at nipa ang roof, maganda ang hangin na pumapasok sa loob, so refreshing.


"Akin po, um-mocha," hay, hindi ka ba nauumay sa kakain ng mocha ice cream, Jenelle?


Nang inabot na ng Kuya ang mga ice cream namin sa isang malaking cone, at binayaran ito ni Kasie, siye na ang nag-volunteer siya na siya na lang ang mag-bayad. Umupo kami sa bakanteng slot, sa isang table, sakto ang apat na tao.


"Hay, ang sarap kumain ngayon, tama lang talagang sinama mo ako, Ella, ma-bo-boring lang ako sa mansion," saad niya na takam na takam na kumakain ng ice cream.


"Syempre, alam ko naman na madaming kaibigan si Xander, ma-a-out of place lang ako, puro boys matters lang naman ang pag-uusapan nila, nakakabored din."


"Tama ka. At, syempre, syempre, syempre, tutulungan kitang manggulpi ng mga babae na tingin nang tingin sa asawa mo. Hindi mo 'yun kaya mag-isa, kaya, tutulungan na lang kita," pailing-iling ako sa sinasabi niya, pero, tama naman siya, madami talagang babae na tumitingin kay Xander kanina, hindi naman sa nagseselos ako, ang akin lang, may kaakbay na asawa, tingin-tingin pa din sila.


"Mang-gulpi ka diyan."


"Oo, dahil kapag ako ang nagka-boyfriend ng ganoong kagandang lalaki, na, huwag lang silang titig nang titig sa kanya, at baka, naku, makikita nila ang hinahanap nila."


"Katulad ni Henry?" Pa-out of world kung tanong sa kanya.


The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon