JENELLE'S POV
"Daisy, saan mo ba kasi iniwan silang dalawa?," gusto ko nang lumuhod sa gitna ng mall. Kanina pa pa kami paikot-ikot sa mall na ito, para na ako si Sisa na naghahanap kay Crispin at Basilio nito. Luhang-luha na ako sa pag-aalala. Kinakabahan pa ako ng higit sa kinakabahan.
"Eh, nasa gilid ko lang sila kanina, eh, nakikinig lang din naman ako sa pinagsasabi ng manager sa'yo," paliwanag niya. Tama rin naman kasi, kailangan niya ring makinig. Nasa mall kasi ako, nag-o-observe ng mga product.
"Sige na, ako sa may clothes department, at ikaw sa labas," naghiwalay kaming dalawa ng paghahanap.
Grabeh! Lord, huwag niyo naman sanang pabayaan ang mga anak ko. Hindi ko na kakayanin pati sila mawawala na rin sa buhay ko. Parang pinapatay na ako nun, at lalong-lalo na ngayon, nawawala sila, sinasaksak na ako ng kutsilyo sa pag-aalala. They were blessings to me, and they were dear, and I love them very very much.
Nilibot ko ang buong clothes department, at wala pa rin doon. Doon sa may laruan, wala rin. Saan ba kasi sila nagpunta dalawa? They were just playing ball kanina! Ano ba naman ito!?
Dahil naiiyak na ako sa escalator, pababa, hindi ko mapigilan na tawagan si Mama. Nag-aalala ako sa mga anak ko, I can't breathe well.
"Ma, 'yung mga anak ko po, nawawala, at kasalanan ko," naghihimagsik ang mga luha ko. Kasi naman, gusto nilang sumama sa akin sa mall, kaya isinama ko naman, dahil ayaw ko silang saktan at iwan. Gusto ko nasa tabi ko sila palagid para mabantayan, pero ngayon, nawawala naman sila.
"Why? BAKIT? ANONG NAWAWALA?!" alam kong nasa trabaho si Mama, at nang-iistorbo na naman ako. "Sige na, sasabihin ko sa Papa mo, at tutulungan ka naming maghanap. Ipapalibot natin ang buong mall."
Napaupo ako sa isang bench sa loob ng mall pagkatapos ng tawag. Parang wala na akong lakas tumayo. 'YUNG MGA ANAK KO! DIYOS KO PO!
"MOMMY!," may tumawag sa akin ng sabay, napatakbo kaagad ako ng makita ko silang dalawa, at mukhang ang saya-saya pa nila.
"Alexis, Alexiane, mga baby ko," hinagkan ko sila isa-isa at niyakap ng mahigpit. "Where did you go? I'm worried about you. We're worried."
"Tito Xander bought us some cupcakes there," tinuro ni Alexiane ang dessert shop na pinuntahan namin kahapon at pinuntahan nila ngayon. AT SINONG TITO XANDER?!
"Who is Xander?" maang-maangan mode.
"Xander, the one we told you yesterday, the handsome model. We met him at the road a while ago, he almost hit me by his car, but its just almost, Mommy. Alexis' ball ran through the road so I followed it, and I didn't know that there was a car ranning, he stopped naman."
"And, then, he offered us something to eat, and then, we go to the dessert shop. Oh, he is truly handsome Mom, we have the same eyes, the same nose, and the same name." Kwento ni Alexis.
"Mabuti naman. But, don't do that again, Alexiane, ha, you cross the road. Don't ever do that again," I hugged them both. Hinahaplos-haplos ko ang mga buhok nila, I will never ever let that happened again.
BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomanceR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...