Kabanata 27- You Will Not See Him Again

12.3K 246 3
                                    

JENELLE'S POV

"Ate, hindi magandang balita, you need to breathe deeply and don't panic," wala akong ganang nakinig kay Jessica, nakaupo pa rin ako sa kamang ito. Pangalawang araw na hindi kumakain, okay lang, wala naman akong rason na mabuhay pa, di ba?


"Oh, ano?," walang energy kong sabi. Kasi naman, kinulong ako sa kwartong ito, wth padlocked doors, and high windows.


"Alex met an accident last night, he's comatose," hindi maganda, lumabas kaagad ang mga luha ko, I will never let my world crumbled down with pain again.


"Nagbibiro ka ba? Hindi magandang magbiro sa umaga, Jessica?," pero sa pagkakasabi ni Jessica, parang naiiyak din siya, this was not happening! My heart was beating with nervousness! Paano 'to? Kailangan ako ni Xander! Lord, huwag niyo siyang pabayaan para sa akin, please.


"It's true, kasi nalaman niya na pinirmahan mo 'yung annulment papers. Nag-usap sila ni Papa kahapon ng umaga." Nahulog ang cellphone ko sa kama, what? Sinaktan ko na naman siya, alam ko 'yun? Pero, akala ko, hindi agad-agad, gusto kong magpaliwanag sa kanya kapag nakalabas na ako rito, pero nalaman niya pala kaagad. Arggh....sinabunutan ko ang buhok ko, at kinumot ang bedsheets ng kama, sinusuntok-suntok ang unan, at yumakap sa unan na parang namamatay na sa sakit. Xander....Xander...mahal na mahal kita.


Wala akong nagawa kundi tulala lang ng isang oras ngayon, hindi ako mapapatawad ni Xander nito. At, hindi niya ako maiintindihan kapag nalaman niya ang rason. Huminto na siguro ang tibok ng puso ko, at parang natuyo na lahat ng luha ko. Parang sakit na tinusok ng karayom na lang ang nasa puso ko at pag-aalala na higit pa sa pagmamahal ang nagahahari sa puso ko.


Walang na akong naramdamamang ginahawa ngayon? Pinagkaitan na ako siguro ng tuluyan ng oxygen ng mga puno?


Naalala ko lang ang mga moments namin, 'yung masayang-masaya na kami lang ang nakakaalam ng kasiyahang iyon. Gusto kong balikan, pero, mas lalo akong gugustuhin na ibalik siya rito.


"Jenelle," biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Jessica na may dalang damit with shoes. "Magbihis ka na, wala si Papa hanggang gabi, pumunta ng Hongkong, kaya, sige na, pupuntahan natin si Kuya."


"Paano ka nakapasok?"


"Wala ka na doon, sa akin na lang 'yun. Wala ka bang tiwala sa charm at kakayaham ko?," ngumiti pa siya, at tinulungan ako tumayo mula sa pagkakayakap ng binti ko. Alam kong hindi ako magsisi kung bakit pinakawalan ko si Alex, siguro may tamang panahon para sa aming dalawa, Jessica was so precious to me, and kailangan ko muna siyang unahin.


Nagbihis ako kaagad, at parang mahihimatay na ako sa gutom, pero kakayanin ko 'to. For my Xander, kailangan kong magiging matatag.


Paglabas namin ng kwarto, wala na ang tatong guard na nakatayo lang sa tapat ng kwarto ko. At, wala na rin ang mga guard sa labas ng bahay nang sumakay kami sa sasakyan niya.


"Paanong..."


"May pinagawa akong iba sa kanila," kumindat siya sa akin at nagmaneho.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon