Kabanata 22- The Knowing

12.3K 250 1
                                    

JENELLE'S POV

Bumukas ang mga mata ko na nahihilo o kung ano man ang nararamdaman ko, pero, parang nasa eroplano ako. Nasa eroplano nga ako nakaupo sa isang upuan, nakatali ang mga kamay sa likod. Ang natandaan ko lang ay may kumuha sa akin kanina doon sa kalsada, Oh my, si Xander! Hinigit ko ang mga kamay ko mula sa pagkakatali, umaasa na matatanggal ito. Ano ba? Naiiyak na ako kung sino man ang nagdukot sa akin?


"Jenelle," may nagsalita sa unahan ko, and that was the voice of my father. WHAT? Siya ang nagdukot sa akin? Ano ba talagang problema?


"Papa! Anong...." tumayo siya sa tagiliran ko. He was angry like a lion, or, parang aapoy na siya sa galit na parang na-disappoint siya sa akin.


"Anong ginawa ko? Well, anak, papauwiin kita sa Manila. Kasi, hindi ka naman nagbakasyon, di ba? Nabalitaan ko kasi, ikinasal ka. Hindi man lang ako naimbita, why, do you still love Alex! You are impossible! Pumunta ka lang pala ng Ilocos para makita siya! Bakit ka nagkaganyan?!," natamaan ako sa mga sinabi ni Papa, pero, hindi niya alam ang buong istorya.


"Pa, nagpanggap ako bilang maid, kasi, gusto kong tulungan si Tita, may utang kasi sila sa mga Rivera, at kailangang magtrabaho ni Phia, pero Pa, wala kasing magbabantay kay Tita, nagmamakaawa si Phia sa akin na ako na lang muna, dahil aabot lang naman ng four months." At, sinali ko rin ang pagpapanggap ko bilang Ella.


"THEN, WHY ARE YOU MARRIED?!," sumigaw siya na parang mabibingi na ako.


"Kasi, Pa..." kinwento ko sa kanya ang mga dahilan kung bakit kami nakasal simula sa naghanap ako kay Douglas hanggang sa nakita kaming dalawa na magkatabi sa kubo. At, 'yung mangyayari kung hindi kami ikakasal, 'yung mamalasin ang bayan. Sinabi ko 'yun with matching tears, kasi naman, iniisip ko pa rin ngayon si Xander.


"Unreasonable!"


"Pa, 'yun ang totoo, hindi ako nagsisinungaling. Pa, nagmamahalan po kami, at hindi ko 'yun ipagkakait sa inyo. Pa, ibalik muna ako sa asawa ko. Or, just give me my phone."


"No! Hindi ka babalik sa kanya dahil hindi ka niya asawa. Bukas na bukas, wala ka nang makikitang Xander, dahil hindi ka na babalik sa Ilocos, and your phone, nasa bag ko. Bukas mo na kunin 'yun."


"Pero Pa..."


"Walang pero, pero, Jenelle. You will marry Yasser, and that's final, nakasama mo na si Xander, and that would be enough."


"Pero, kasal ako sa iba. Paanong ikakasal ako kay Yasser, and kaibigan ko lang naman siya."


"That simple, anak. Kakausapin ko ang asawa mo with an annulment papers at the table, mukhang pipirmahan niya naman 'yun kasi hindi ka si Ella, di ba?," wala akong nagawa kundi umiyak na lang, kasi, iniisip ko na mag-pa-pa-annul ako kay Xander, ay para na akong binawiang mabuhay. At, walang nakakapalag sa Papa ko, he can do everything without walls, at wala akong kakayahan na pigilan siya. Bakit ba? Bakit ngayon pa na nagmamahalan na kami?!


.........

Sumapit ang bukas, at para akong si Rapunzel na nakabilanggo sa ikatlong palapag ng bahay namin. Ako lang mag-isa sa guest room, alam ng mga kapatid ko na nakakulong ako, pero wala rin silang magagawa. At, hindi pa ako nakahawak sa cellphone ko, never na binigay 'yun ni Papa.


Wala rin akong ganang kumain, ang tangi kong iniisip ay si Xander, siguradong nag-aalala na 'yun sa akin.


Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Papa, with a tray of food, Inilapag niya ito sa kama ko, and reached out my phone.


"Sabihin mo sa kanya na okay ka lang. At, huwag ng mag-aalala," utos niya. Nangingnig kong kinuha ang cellphone ko, at naiiyak na nag-pu-push ng mga letters sa screen.


Xander, I'm so sorry. Huwag kang mag-aalala, okay lang ako, I'm not missing or something. Nasa Manila na ako, tatawag ako sa'yo bukas. I love you, honey.- Ella


Ibinalik ko kaagad nag cellphone ko kay Papa dahil nag-aabang lang naman siya.


"By the way, Jenelle, birthday mo bukas, nakalimutan mo? Chaniel will bring you dress tomorrow, at bukas ka pa ng gabi lalabas ng kwartong ito." Nakinig lang ako hanggang sa lumabas siya.


Nagulat ako dahil nakalimutan kong birthday ko pala bukas. Parang nawala na kasi sa akin ang mga bagay na may kinalaman kay Jenelle. All I thought was Xander, parang ang black and white ng buhay ko kapag wala siya. Si Xander lang ang nagbigay ng kakaibang kulay sa buhay ko these last weeks, and those most treasureable moments. Siguro, kahit tatakas ako sa malaking kwarto na ito, mahahabol ako, one hundred guards were standing around our house. Pinababantayan talaga ako ng maigi. Ano bang kasalanan ko? Nagmamahalan lang naman kami, di ba? Siguro lang din, ito ang tamang panahon upang mag-isip ng mabuti about sa panloloko ko, sasabihin ko naman sana kagabi, pero, naunahan ako ni Papa.


XANDER'S POV

Hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kay Ella. Nawala na lang siya na parang bula sa likuran ko. Iniisip ko pa lang na nakidnap siya o ano, wala akong alam! Nag-panic na ako, dahil hindi ko rin siya makontak kagabi pa. Tinulungan nga ako nina Daddy at Mommy na pumunta ng police kagabi para maghanap. We were sickly worried about her, kagaya nang sinabi ng nakakitang isang tindera na may kumuha sa kanyang tatlong lalaki, pero hindi sila armado, pinasakay sa van at umalis nang mabilisan.


Nagmamadali akong nagbihis para pumunta ng police, kung may balita ba sila na ngayon, pero bigla may nag-text sa akin. Kinuha ko ito kaagad, at si Ella nga.


Xander, I'm so sorry. Huwag kang mag-aalala, okay lang ako, I'm not missing or something. Nasa Manila na ako, tatawag ako sa'yo bukas. I love you, honey.- Ella


What? Nasa Maynila na siya? Paano nangyari 'yun? Kinidnap siya at dinala sa Maynila? Anong klaseng kindappers 'yun? May private plane sila? Arggh...naguguluhan talaga ako.


Mas nag-aalala ako ngayon, hay paano na ito, mahal na mahal ko ang babaeng iyon, at nawawala siya na hindi ko man lang nalalaman ang dahilan, at napunta siya sa Maynila na hindi alam kung paano siya nakatungtong doon.


Tumunog ulit ang ringtone ng cellphone ko, sinagot ko kaagad ang tumawag.


"Hello?," bungad ko sa unknown caller. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, dahil unknown siya. Mas kinabahan ako baka ang kidnappers ito.


"Mr. Rivera, kung gusto mong makita ang asawa mo, punatahan mo ang address na i-te-text ko sa'yo, bukas ng gabi, at exactly seven." Hindi ko kilala ang boses, pero, parang walang banta sa boses niya, parang ang kalma-kalma lang. At, nasa Maynila ang address na kakadating lang sa text.


KAILANGAN MONG MAKITA ANG ASAWA MO, XANDER! GAWIN MO ANG NARARAPAT!


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>


The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon