Kabanata 6- The Tradition

18.1K 417 9
                                    

JENELLE'S POV

Nakakunot ang noo ko ng may init ng dumadampi sa pisngi ko. Dahil doon, napadilat ako, at tumingin sa lalaking mahimbing pa ring natutulog. Nanginginit siya? Hinawakan ko ang noo niya, and he was burning with fever. Dahil, mabigat rin ang katawan ko, tumingin muna ako sa paligid, at...nandoon si Lola, na may kasamang dalawang Manang, with one Tatay, at tsaka si Gina.


"Good morning po?," nakangiti kong bati sa kanila, at napabangon na ako. pero, hindi ko mawari ang gulat ni Lola, ang kunot-noo ng dalawang manang, ang pag-aalala ni Gina, at ang nakangiting Tatay. Iba't-iba ang expression ng mga mukha nila.


"Anong ginagawa niyong dalawa?" sigaw sa amin ni Lola, dahilan na napabangon si Xander na magagalit na dahil sa sigaw.


"Po...kasi po...di ba, pinahahanap niyo sa akin si Douglas, naabutan po kasi ako ng ulan at hangin, hindi ko po alam kung bakit nandito si Senyorito sa gubat, pareho kaming naabutan ng bagyo, kaya, nakatulog po kaming dalawa."


"Alam niyo ba kapag ang binata at dalaga ay natulog ng magkatabi sa isang buong gabi ay bawal sa tradition ng Zambales," sabi ng isang Nanay.


"Po?," naguguluhan ako.


"Ate, dapat ang binata at dalaga ay natutulog sa isang bubong sa isang buong gabi, ay bawal kapag hindi pa kasal. Kung magkataon man na mangyari ang ganoon, kailangan nilang ikasal sa loob ng dalawang araw."


"PO?," pailing-iling si Xander sa sinabi ni Gina, pero, nagtanong siya sa kanyang Lola. "Naniniwala po kayo doon?"


"Iho, nasa Zambales ka, at nakatayo sa isang traditional na lugar, nakahubad ka pa, at nagyakapan pa kayo, wala na akong masabi. Hindi ito pwede, kapag, susuway kayo sa tradition na 'yun ay mamalasin ang buong bayan."


"So, ibig niyo pong sabihin, dapat ko po siyang pakasalan?," inosente kong tinuro si Xander. Kinakabahan na rin, lalo na ako, parang tumatahip na ang dibdib ko.


"Dapat na dapat. Kasama ko pa si Magda, ang expert sa ganitong mga pamahiin, kaya wala na kayong dapat pang sasabihin, at tumayo na kayo," nag-taas ako ng kilay kay Gina, pero nagkibit lang siya ng balikat.


"Pero, Lola, moderno na po ang panahon, wala ng ganyang tradition at pamahiin, hindi na naniniwala ang mga tao diyan."


"Nasa traditional na lugar ka ng Zambales, naiintindihan mo ba, wala ka sa siyudad ng Zambales, nasa probinsiya ka, iho. Noong araw bago ang kahapon, naikasal ang dalawang binata ang dalaga doon sa kalapit barangay dahil natulog sila sa iisang bubong ng buong gabi. Naniniwala pa rin ang mga tao diyan. Hala, sige na, tumayo na kayo, at madami kayong pag-uusapan," utos ng isang pormal na pormal ng babae, siguro, kaibigan siya ni Lola, at kabisado na ang ganito.


"Pero..." nagsalita ako.


"Wala na nang aangal, di ba? Sige na, maglakad na tayo, maputik ang daan ngayon. Hinanap ko pa kayo dahil nag-aalala ako, 'yun, natutulog lang pala kayo rito," pagalit ni Lola sa amin.


"Lola, wala pong nangyari sa amin ni Ella."


The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon