Kabanata 29-We Meet Again

13.8K 298 2
                                    

<___>

JENELLE'S POV

Papunta na ako ng kompanya dahil magtratrabaho ako katulad ng sinabi ni Papa sa akin kagabi. Madami akong e-re-review na reports, at ako naman ang COO, talagang pakikinggan ko ang mga proposal ng mga board. We owned the biggest airline company in the Philippines, we have two other company namely, SalOri Hotel and Casino, napamana 'yun ni Mama sa mga magulang niya, at kapwa na silang walang magulang, kaya sila na ang namamahala, and Oriento House Corporation, ito ang nagpapatakbo ng mga mall sa bansa, at ang pinsan ni Papa ang namamahala ngayon, at, maybe, ako na rin for the next year. Kaya, kailangan ko ng pumunta at magmadali.

Hinatid na ako ni Manong sa OHC na may limang minuto pang natitira. Ngayon pa ako makakabalik sa kompanya, this will be a hard day, dahil summer, busy ang mga malls.

Pumasok ako ng kompanya na ngayon lang ulit nakita, lahat ng mga empleyado sa lobby ay tingin ng tingin sa akin, pumasok ako ng elevator na ako pa ang unang bumati sa empleyado ko. Kasi naman, simula nong nag-graduate ako, hindi na ako nakapasok sa kompanyang ito.

"Ma'am? Ma'am Jenelle?," hay salamat, namukaan talaga ko ni Juris, siya ang kaibigan kong bakla noong college at nakapagtrabaho kaagad sa kompanya namin pagkatapos niyang maka-graduate.

Lumingon naman ang mga empleyado sa akin.

"Nice to meet you again, Juris," ngumiti ako sa kanya, at...nagyakapan kami sa loob pa ng elevator.

"Grabeh, hindi kita nakilala sa ayos mo, teh! Para kang modelo ng Opaque Magazine, ang curves, pinag-iingatan," ganoon? May dalawang anak na ako, at mahirap ibalik ang katawan ko, kailangan ko pang mag-exercise at mag-work out araw-araw doon sa Australia para maibalik ang 23 kong curves.

"Di naman," tinapik ko ang balikat niya. "Kamusta? Ngayon lang kita nakita ulit."

"Okay naman. Nag-e-enjoy naman kahit papaano."

Dumating kami sa 6th floor, at lumabas ng sabay.

"Good morning, Ms. Jenelle," ngumiti ako sa bumati.

"Good morning po," ngumiti ulit ako.

"Hay naman, sasama kaya ako sa'yo araw-araw para matingnan naman ng mga tao rito. Bakit ba kasi ang ganda mo girl, nakakainis ka, ha! May lovelife?," aba, naitanong pa niya 'yan. Umiling ako ng nakangiti.

"Dios mio, hanggang ngayon? I bet your twenty-five, bakit? Ayaw mong mag-asawa?"

Hindi ko nasagot ang tanong ni Juris ng may sumalubong sa akin na babae, she wore the office attire, baka secretary ko.

"Good morning, Ma'am," bati niya. "Daisy po. Ako po 'yung sekretarya ninyo."

"Nice to meet you, Daisy," pormal kong tinanggap ang kamay niya, at ngumiti sa akin, pero umirap kay Juris. Nag-irapan silang dalawa sa harapan ko.

"So, maiwan na kita, ateng, mauna na ako," tinitigan niya si Daisy mula ulo hanggang paa, at sinugod niya ng halik sa labi. WHAT THE HELL?! "Nakabawi ako, di ba?" Inirapan niya ang babae na ngayon ay parang nalunod sa dagat na napa-O ang mukha.

"Bwisit kang bakla ka. Hindi talaga kita sasagutin!," sigaw niya kay Juris na ngayon ay naglalakad papalayo na parang nanalo sa lotto. He gave Daisy a flying kiss when she shouted that phrases.

"Nanliligaw siya sa'yo?," nauutal na natatawa kong tanong. Naman kasi, bakla, well, hindi gaanong bakla si Juris, parang may konting babae lang kung gumalaw at kung magsalita para talagang bakla, oo inamin niyang bakla siya, pero hindi ko alam, babae pala ang gusto.

"Opo." Nahihiyang sabi ng sekretarya ko.

"Eh, bakla..."

"Yun nga po ang sabi ko, pero, iginigiit niya talagang mahal niya ako. Limang buwan na po siyang nanliligaw sa akin, pero, hindi pa rin ako sigurado, dahil, minsan, tumanaw siya sa mga lalaki."

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon