XANDER'S POV
Habang naglalaro ang mga boys ng volleyball versus girls, nandito lang ako sa tabi, nakatanaw sa isang babae na naglalakad sa dalampasigan kasama ang dalawang bata. I froze ro death na totoo pala talaga ang sinabi ng mga kaibigan ko na dalawa ang anak niya, one girl and one boy. At, 'yung dalawang bata pa na nakilala ko noon, Alexiane and Alex, nagtataka talaga ako. Sabi nila, walang asawa si Jenelle, pero paano siya, paano siya nagkaanak ng nine years old girl, and a two years old little boy. Ampon? Pero, magkamukha silang tatlo...paano nangyari kaya yun?
"Wow, chicks, ganda talaga ng katawan kahit may anak na, pormahan mo na Zion, grabeh, ang babaeng pinagpala ng malaki, with most amazing beauty, kung wala lang akong mahal ngayon, ako na ang hihila sa ganyan kagandang babae," naka-kunot ang noo ko sa nagsalitang si Keiser. Natigil ang laro nila dahil lang nakit niya si Jenelle. Ganda naman talaga niya kahit kailan pa. Manang-mana sa kanya ang babae niyang anak, magkamukha sila, no joke.
"Subukan mo lang," bulong ko na pailing-iling.
"Anong sabi mo?," parang galit na tanong ni Keiser.
"Wala, sabi ko, subukan niyo nang maglaro. Ang bored naman dito kasi," bored? No, nandito si Jenelle, eh, masaya nga akong nalaman ko na nandito sila. Hindi ko inaasahan talaga. Kasi, gusto ng mga kaibigan ko na mag-celebrate ng success ng kompanya dahil hindi na naman 'yun nagagawa talaga.
"Bored daw?" nagtawanan sila. Tawang-tawa sila.
"May mga anak siya? Eh, sabi mo, wala siyang asawa? Ano 'yun, nag-ampon siya ng dalawang bata ganoon?," nagtakang tanong ni Kaitlin, 'yung girlfriend ni Michael.
"Ewan. May asawa 'yan, two years ago, nagkahiwalay lang, kasi naman, hindi marunong lumaban ang lalaki. 'Yan, nagkahiwalay tuloy. And, maybe, nakuha niya ang little boy doon sa asawa niya noon, di ba, pogi ng bata, pogi rin ng asawa, eh. Model nga, di ba?" nakinig lang ako sa walang hiyang kwento ni Keiser. Daldal talaga. At, anong sabi niya? Anak ko ang bata? Just wow, ako ang asawa niya noon, at....may nangyari sa amin..NO WAY. NO WAY. Hindi pwede. Umiling-iling ako sa mga gulong salita na pumapasok sa utak ko ngayon. No, way. Hindi.
"Eh, 'yung babae?"
Nagkibit lang sila ng balikat, at nagtakang nakatingin sa tatlong naghahabulan ngayon.
"They look good together. Kulang nga lang," opinion ng magaling kong kaibigan, Zion.
"Anong kulang?," nakakunot noong tanong ni Slater. Hay, maglaro na kaya sila. Ang tagal, nakatingin lang sa kung saan-saan. Bawal tingnan.
"Husband. Daddy ng mga bata." Nakangiti niyang sagot. Eh, loko pala 'to, eh. Sabi ngang, bawal, bawal tingan. Grabeh, makatitig naman ito, suntukin ko kaya sila isa-isa.
"Mag-apply ka."
"Hello, may girlfriend na ako. At, mahal ko 'yun, Huwag ako." eh, ganoon naman pala, eh, bakit kayo, usap nang usap ng mga ganyang bagay.
Natulala sila ulit nang may lumabas na babae mula sa hotel papalabas ng baybayin. Jessica, the sister. Naka-shorts siya at strap blouse.
BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomanceR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...