Kabanata 39- Engagement Crasher

13.1K 279 5
                                    

JENELLE'S POV

Ang hirap pala hanapin ng lugar na hindi mo kabisado. Hay naman, saan ko ba 'yun hahanapin, magtatanghali na, and tatlong oras na akong sa lansangan. Hay naman, ito ang disadvantage kapag hindi ko kasama si Jessica. Siya lang ang nakakaaalam sa daan ng Vigan.


Napahinto ako sa tapat ng isang resto, palinga-linga ako sa mga signs, and fortunately, nakakita ako ng karatula na may arrow, Aqua Beach Resort, this way. Pinaandar ko ulit ang sasakyan, at niliko ang daan na tinuturo ng karatulang iyon.


Please, Alexis, wait for Mommy okay. I just call your Daddy, and everything will be fine. Everything will be fine, trust me. Baby, you need to live for me. You need to.


Kahit hindi ako imbitado, pumasok pa rin ako sa resort na ni-rent ng buong Rivera para sa isang special ocassion. Sana naman, Xander, intindihin mo ako ngayon? Your son needed you and he was dying. Please, Xander...lessen you pride.


Pinark ko sa kahabaan ng parking lot na punong-puno ng sasakyan ang kotse. Grabeh, umabot na ako sa baybayin nito. Hindi muna ako lumabas, at nagmuni-muni. Daming tao, paano ba ako lalabas at pupuntahan si Xander? Finn, Finn can help me. I know he can.


I dialed his number.


"Hey, Jenelle, kamusta? Napatawag ka?"


"Si Xander ba...um- free ba siya ngayon? Ano kasi...si Alexis...eh, ang hirap. Can you just tell me where he is now?"


"Si Xander...ano...kausap ang magiging fiance niya. Alam mo bang birthday niya ngayon? Nasaan ka ba? Anong nangyari kay Alexis? Nabanggit mo siya, eh."


"He was rushed to the hospital yesterday, dahil nalunod siya. He lost a lot of blood, at kailangan ko si Xander. Please, tell me, Finn. My son is dying, can you? Please help me."


"Dying? Anong dying? Grabeh, sige na, tutulungan ka namin. Wait for us at the...um- saan ba? Ah- sa billiards station. Doon, walang tao doon. Doon mo siya hintayin, maghintay ka, ha."


"Sige, thank you, Finn. Ang dami mo na talagang nagawa sa akin. Thank you."


"Walang anuman. Sige na."


KEISER'S POV

Ten minutes na lang at magsisimula na ang afternoon party na mag-la-last ng gabi. Birthday ngayon ni Alex, at engagement party din, at hindi ko alam kung bakit problemadong-problemado si Finn sa lamesa naming anim.


"Hoy, prinsipe, anong problema?," usal ni Slater. Kanina pa kasi siya naiirita sa inaasta ni Finn, eh. Ni hindi mahagilap ang mga tao sa paligid.


"Jenelle..."


"Anong Jenelle? Bro, nalaman na natin ang sagot, ano pa ba ang..."


"Si Alexis. Tumawag si Jenelle sa akin, nandito siya. Alexis drowned yesterday, at he lost a lot of blood. They need blood because the child is dying, guys. We need Alex right now. Kailangan nating tulungan si Jenelle, Alexis rather."

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon