Chapter 1: Prison

186 8 3
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang kabuuan ng kwarto. A dark and closed empty room. No one was here except for me, pero nang lumingon ako sa kaliwa ko ay may isang babaeng naka ponytailed hair na nakaupo sa may sulok. Maputla sya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nya. "Ako nga pala si Yumi. Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong nya sa'kin. She seems friendly yet shy, I guess.

"Where am I?" I asked, ignoring her question. Pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa mga paa ko, at doon ko lang naalala kung paano ako napunta dito, ngunit ang nakapagtataka ay wala na ang mga sugat ko. Someone kidnapped me when I lost my consciousness. Darn it.

"Okay ka lang?" Tanong ni Yumi. Tiningnan ko siya ng mabuti. Maputi, may mahabang buhok, at maamo ang mukha.

"It's nothing serious." I say. She nods. I stared at the girl beside me, she's smiling widely yet I don't know why.

"Ano nga palang pangalan mo?" She asks again.

"Nao. My name's Nao." I said and just stared at the ceiling, not knowing what to do.

"Nagagalak akong makilala ka, Nao." Ngumiti sya. She leaned on the wall and stared at the ceiling.

"Paano ka napunta dito?" Tanong ko. Nawala ang ngiti sa labi nya at napalitan ito ng kalungkutan. Bakit ko nga ba naitanong 'yun? Pasensya na ngunit wala akong alam tungkol sa tamang paghahalubilo sa mga taong kakakilala ko lang o mas kilala bilang "plastican". Sinasabi ko kung ano ang nasa isip ko at kung hindi man nila ito magustuhan, sila ang may problema. Sa ilang taon kong pananatili sa mansyon ay nakakakilala ako ng mga taong may iba't ibang ugali at tinuruan akong basahin ang mga personalidad nila.

"A-Ayoko ng maalala pa yun." Sabi nya at yumuko.  Napabuntunghininga nalang ako at tiningnan ang pinto. We can get out of here. If only there is a chance pero wala akong dalang kahit ano, they confiscated everything I have.

"G-Gusto ko ng umalis dito Nao." She says. "Isang linggo... isang linggo na akong nandito sa lugar na'to at wala akong ibang magawa kundi ang manatili sa kwartong to." Tinakpan niya ang buong mukha gamit ang dalawang palad. Ramdam ko ang takot niya. Sino ba naman ang hindi matatakot? Nakakulong ka sa isang kwartong hindi mo alam kung kelan ka makakalabas at wala kang ibang magagawa kundi ang magdasal na sana ay may lumigtas sa'yo.

"Kinulong nila ako sa lugar na'to. Walang dumating na kahit sino at ginawa ko na ang lahat para buksan ang pintong 'yan pero walang nangyayari."  Tinuro nya ang itim na pinto na gawa sa metal. "Kahit anong gawin ko, hindi ako makalabas. Wala ng pag-asa..."

"Bakit ka nila dinukot?" Tanong ko. She sighed. She paused for a moment until she was ready to tell the whole story.

"Sinubukan kong tumakas sa bahay na'min kasama ang mga kapatid ko. Pagod na pagod na'ko sa pang-aabuso at pananakit ng Tita ko sa'ming magkakapatid." Sabi nya at niyakap ang sarili. "Nang tumakas kami, bigla nalang kaming dinukot ng mga nakaitim na lalaki. Simula nun, hindi ko na nakita ang mga kapatid ko, o kung nasaan man sila ngayon dahil nagkahiwalay kami." Ramdam ko ang kalungkutan nya habang nagkukwento. Unlike me, she lost everything. She escaped for her siblings trying to protect them but I know I can't regret my decision now, kailangan kong panindigan 'to.

"Anong mangyayari sa'tin ngayon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero sana hindi nila tayo bitayin o kunan ng lamang loob o ipakain sa mga alaga nilang pating." She said, with a small grin on her face. I laughed.

"They have sharks?" Tanong ko. Umiling sya habang natatawa.

"Ewan ko. Pero sana wala." She said. And I just smiled. I looked at the door again.

"Sa mga napapanood kong pelikula ay nanghihingi ng ransom ang mga kidnappers sa mga mayayaman. Pero hindi naman mayaman ang pamilya namin at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako." Sabi nya. "Sana lang... sana lang makatakas tayo dito, Nao."

"Siguro, maghihintay nalang tayo na buksan nila ang pintong yan, tsaka tayo makakatakas." I said, dahil wala talagang kawala sa kwartong 'to. How can we break a metal door with our bare hands? 

+++

Ilang oras na kaming naghihintay pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng pagsabog. Mukhang may nangyayaring masama sa labas.

Biglang kumalabog ang pinto, parang sinusubukan ng mga tao sa labas na buksan ito. Nagising si Yumi dahil sa matinding ingay na nanggagaling sa pinto.

"Nao... may dumating na rin para iligtas tayo!"

Mali.

Nabuksan ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakaitim na damit at may hawak na malaking baril.

"I found two... Yes, sir!" May pumasok ring dalawa pang lalaki at katulad niya ay may hawak rin silang malalaking baril. "Isama nyo ang dalawang yan sa mga natagpuan." She said. Mga natagpuan. Does she mean there are other victims?

Hinila kaming dalawa ni Yumi ng mga lalaki at lumabas kami sa silid na 'yon. Nakasuot sila ng pare-parehong blue na uniform. We walked through a dark pathway palabas. May mga patay na katawan ang nakahandusay sa sahig. Kasama nun ang tunog ng mga baril.

"Sino kayo?" Tanong ko sa lalaking nakahigpit na nakahawak sa mga braso ko. But he didn't answer, instead he just focused his self on the enemies.

May isang lalaking nakaitim ang humarang sa'min. May dala rin syang baril at ramdam kong hindi sya magdadalawang isip na paputukin 'yon.

"Drop your gun! I'm warning y--"

Pinaputok agad ng lalaking kasama ko ang baril nya, tsaka kami nagsimulang maglakad palabas. Bawat taong humaharang sa'min ay pinapatay nila ng walang pag-aalinlangan. Sino ba talaga ang mga taong 'to?

Nakalabas na rin kami sa wakas sa lumang building na 'yon pero hindi pa rin natatapos ang putukan ng mga baril. Isinakay kami ni Yumi sa loob ng itim na van. Bago ko pa namalayan ang susunod nilang gagawin ay pinaamoy na nila ako ng pampatulog. Shit.

The Escape Where stories live. Discover now