Ren's PoV
My phone rang. Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. I grabbed my phone and answered the call from an unknown number.
"Hello.." Nang marinig ko ang boses ng tumawag ay nakaramdam ako ng matinding takot. Hindi ko alam kung bakit, pero parang matagal ko ng kilala ang tumawag. Boses ito ng isang babae.
"Who is this?" Medyo iniba ko ng konti ang boses ko para hindi nya ako kaagad makilala.
"Ren Ashbell.. I've been waiting to see you." Nainis ako sa sinagot nya. Ibababa ko na sana ang tawag dahil wala naman talaga akong dahilan para sagutin 'yun sa umpisa pa lang, pero may binitawan syang salita na hindi ko kayang paniwalaan. "This is Sofia... your sister." Binaba ko na kaagad ang tawag. Baka nagj-joke lang 'yun. Haissst. I shouldn't be disturbed with these things, may ibinigay ng mission ang Order sa'kin kaya yun na muna ang dapat kong asikasuhin.
Biglang nagbeep ang phone ko at binasa ko ang text mula sa isang unknown number, na number din ng tumawag sa'kin kanina.
"Meet me at Mac's anytime when you're ready. I'll wait for you lil brother."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa cellphone ko. I don't want to believe this, pero bakit parang gusto ko ngang makita ang kapatid ko? Bakit parang gusto kong paniwalaan ang sinasabi nya?
Nagbeep ulit ang cellphone ko at binasa ko ang text na ibinigay nya.
"I forgot to ask you. Did you learn the King's soup's recipe already?"
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa kong text. My sister... it's her. Sya ang nagturo sa'kin kung paano magluto, pero kahit anong gawin ko, hindi ko kayang magluto ng King's Soup na kasing tulad ng sa kanya.
(A/N: Gawa-gawa ko lamang ang King's Soup, please wag paniwalaan.)
*Flashback*
(Ren Ashbell - 8 years old)
(Sofia Ashbell - 18 years old)Sa isang munting tahanan nagkakasya ang pamilya namin. Maliit lang ang bahay namin, pero masaya naman kami at hindi namin alintana ang paghihirap. Pero hindi ko masasabi na mahirap talaga kami, isang pamilya ng mga mahuhusay na kusinero ang pamilya namin. Ang tatay ko ang pinakamahusay na cook! Si nanay naman ang assistant ni tatay. Habang kami ng ate ay tumitingin lang sa kanila at sinubukang matuto.
"Ren! Ren!" Tawag ng ate ko mula sa kusina. Pinuntahan ko sya at nakita syang nagluluto. "Tada!" Sigaw nya. Lumapit ako at naaamoy ko na ang lasa nito. "Tikman mo!" Kumuha ng maliit na bowl si ate at ipinainom sa'kin ang soup.
"Ang sarap!!!" Sabi ko. "T-Teka... Ito ba 'yung, King's Soup!?" Tinikman ko ulit ang sabaw at hindi nga ako nagkakamali, ito nga ang King's Soup! "Ang galing... gusto ko ring subukan!" Excited na sabi ko. Ngumiti lang si Ate Sofia at tumango.
"Bukas na bukas!" Nakangiting sabi nya.
Pagkalipas ng gabi ay tinawag na kami nina mama at papa para kumain. Lagi kaming magkakasama lahat, at habang kumakain ay hindi namin maiwasang magkwentuhan.
Biglang natigil ang masarap naming kainan nang may kumatok sa pinto. Tumayo si papa at binuksan ang pinto. Biglang pumasok ang mga armadong lalaki, nang makita sila ni mama ay tumayo rin sya.
YOU ARE READING
The Escape
Azione17 year-old Naomi Akusawa faces all the challenges by herself in the outside world as she tries to escape her dark past. But as she continue her long journey she then met friends which she didn't expect to have and joined her as they protect each ot...