Chapter 2: New Friend

103 4 0
                                    

Isang boses ng babae ang naririnig ko. Hindi ko alam kung saan na naman nila ako dinala. Ilang beses na ba akong nakidnap? Ito ba ang napapala ng mga teenagers na naglalayas sa mga bahay nila sa gabi?

"Don't worry, we got them as well as the sacred treasure, Sir. Sure... We will return them immediately to their families. Thank you, sir."

Napabangon ako sa higaan at tumingin sa paligid. Nakita ko si Yumi na natutulog sa kabilang kama, at isang matangkad na babae sa harapan ko na may hawak ng telepono na siyang nakikipag-usap sa isang nakatataas na opisyal kanina. Mukhang nasa ospital kami dahil sa mga doktor at nurse na pakalat-kalat, may mga pasyente rin sa paligid namin at karamihan sa kanila ay mga bata at teenagers. Siguro ay sila ang mga dinukot at ngayon ay narescue na rin sa wakas.

"Gising ka na pala." Napalingon ako sa babae. Siya rin yung babaeng bumukas ng pinto sa may lumang building.

"Anong kailangan nyo sa'min?" Diretso kong tanong.

"My name is Yusa Tomori. We've come to save you.. ang mga kagaya nyong nasangkot sa maling--"

"Hindi kayo mga pulis." I said.

"Hmm. Then, what do you call us?" She asked raising her eyebrow.

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa sinabi nya. Mukhang hindi sila masasamang tao, pero pumapatay sila kaya hindi rin sila mapagkakatiwalaan.

Nagising si Yumi habang hawak-hawak pa ang ulo.

"A-Ang sakit ng ulo ko.." Idinilat nya ang mga mata nya. "A-Ang mga kapatid ko! Nasaan sila?!"

Tiningnan ko si Yusa Tomori. Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya.

"Gusto kong malaman, kung bakit kami dinukot ng mga lalaking yun." Napatingin sa'kin si Yusa at huminga ng malalim.

"Ang totoo nyan, yung mga dumukot sa inyo ay sangkot sa illegal na droga. Sila ang mga tumatanggap ng droga mula sa iba't ibang bansa at binebenta sa buong Pilipinas at nagnakaw ng isang bagay na mahalaga, sobrang mahalaga." She said. Hindi na sana nya itutuloy ang sasabihin nya pero binigyan ko sya ng ituloy-mo-ang-sasabihin-mo look. "But we are still investigating this case. Sa ngayon ay iuuwi na namin kayo sa mga pamilya nyo kaya wala na kayong dapat ipag-alala pa." She said and tried to walk away.

"Nasaan na ang mga kapatid ko?!" Bumangon si Yumi sa pagkakahiga at hinawakan ang dalawang braso ni Yusa. "Anong ginawa nyo sa kanila!?"

"Yumi!" Sigaw ko at pinigilan siyang gumawa ng masamang bagay dahil alam kong hindi rin magdadalawang-isip na umatake si Yusa.

"Patay na sila." Sabi ni Yusa, emphasizing every word she said, at tinalikuran kami.

"Yumi." I said. Napaluhod sya at nagsimulang umiyak.

"Ano ba!" Napatingin sya sa'kin nang bigla akong sumigaw. "Walang mangyayari kung iyak ka ng iyak!" Hinawakan ko ang dalawang braso nya para maitayo sya. "Ang hina mo! Narinig mo ba ako, ha?! Ang hina-hina mo!"

"Bakit... bakit mo sinasabi yan.. Wala kang alam! Sila nalang ang meron ako! Hindi sila pwedeng mawala sa'kin!! " Sinubukan nya akong itulak pero wala syang lakas.

Tiningnan ko sya. Basang basa ang buong mukha dahil sa mga luhang walang tigil sa pag-agos. Hindi na sya katulad ng babaeng nagtanong kung okay lang ako nung unang pagdilat ng mga mata ko sa kwartong iyon. Sa maikling panahon na nakilala ko sya, isa lang ang dapat kong gawin.

"Gusto kong... tumigil ka na sa pag-iyak! Dahil unang una, ang sakit-sakit sa tenga yang iyak mo! Pangalawa! Nakakaawa ang itsura mo ngayon, kaya mangako ka sa'king hindi ka na magmumukhang mahina. Para na rin sa mga kapatid mo, maging matatag ka." Sabi ko.

Nakatingin lang sya sa'kin ng diretso. Hanggang sa nagsimula na namang tumulo ang mga luha nya. Pero ngayon, wala akong naririnig na tunog mula sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito at hindi dapat ako basta-bastang nagtitiwala sa isang taong hindi ko lubos na kilala.

"Sorry to bother you pero ibabalik na namin kayo sa mga pamilya nyo." Sabi ng isang lalaki na kasamahan ni Yusa. Pareho sila ng suot na uniporme at may parehong baril.

"Hindi!/Wag!" Sabay naming sigaw ni Yumi.

Hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito na nakalabas na ako mula sa mansyon, ngunit alam kong balang araw ay mahahanap din nila ako. Sa pagkakataong ito ay nais ko munang maging malaya na walang nagsasabi sa'kin kung ano ang dapat kong gawin.

"Parte ng misyon namin na masigurong makauwi kayo ng ligtas sa mga pamilya niyo." Giit ng lalaki.


"Hindi na ako papabalikin pa doon ng Tita ako. Pagkatapos ng mga ginawa niya sa amin ay hindi ko masisikmurang bumalik pang muli doon." Protesta ni Yumi.


Napakamot nalang ng ulo ang lalaki. Mukhang hindi nya alam ang gagawin.

"Pero aalis pa rin kami dito." Sabi ko.

"H-Huh? San tayo pupunta Nao?"

"Hindi ko alam, pero malalaman na'tin pag-alis natin."

Sa bandang huli ay pinayagan nila kaming umalis. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matukoy kung sino ang mga taong yun. Nagliligtas ng buhay ng iba? Pinapatay ang mga masasamang tao? Mukhang miyembro sila ng isang agency o organisasyon na gumagawa ng mga importanteng misyon.

Sinamahan kami ng lalaki palabas. May mga nakaitim at armadong tao na nakabantay sa bawat sulok ng ospital. Napatigil ako at ganun din si Yumi nang may pumasok na isang matangkad na babae, may maikling buhok na kulay blonde, nakasuot ng fitted gown at napapalibutan ng mga bodyguards. Huminto sya sa harapan ko at tinanggal ang shades nya.


"Well... it's fate that brings two people together right? No wonder nagkita tayo ngayon Ms. Nao Akusawa."

Nanlaki ang mga mata ko. Pamilyar ang boses na'to. At ayokong marinig 'to, ayoko! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya tinitigilan ang pamilya namin, gagawin nya ang lahat para pabagsakin ang pamilyang Akusawa. Bakit siya nandito? Paano niya ako natagpuan?

"What are you doing here by the way? Bakit hindi mo nalang sulitin ang kayamanan ng pamilya nyo habang meron pa?" Inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko. "'Cause I promise, papabagsakin ko ang pamilya mo. O baka naman gusto mo yung maruming paraan?" She whispered in my ear. Nagsimulang dumilim ang paligid ko. Wala akong ibang naiisip kundi ang nakaraan. Ang nakaraan na kasama ko si Shichimiya at ang ginawa ng pamilya namin sa kanila.

"Hindi ko akalaing magkikita tayo sa ganitong lugar, Naomi. I thought I could see you in ... hell... but it's too soon right? Masyado pang maaga para patayin kita."

Tumatak ang bawat salita nya sa isipan ko. Hindi pa ko handang makita siya ngunit tadhana nga naman.

"Well, I guess your family will do everything just to find you when they found out that you escaped so I suggest you should leave this place. You don't belong here. There is no place in this world that you belong, Nao." Naglakad siyang muli at nilampasan ako. "I swear, when I see you again, I won't hesitate to kill you." She whispered and left. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumayo na parang estatwa.

Maya-maya lang ay nilapitan ako ni Yusa Tomori pero hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya. She overheard our conversation, pero hindi ko 'yun matatawag na conversation dahil si Shichimiya lang naman ang nagsasalita, na mas kilala bilang Sofia.

"Tama ba ang narinig ko? Akusawa?" She says. "Can I talk to you, privately?" I just nod and we followed her ng hindi nag-iisip.

The Escape Where stories live. Discover now