Pumasok kami sa loob habang hawak-hawak namin ni Yumi si Yusa. Sa itaas ng building ay may nakatatak na malalaking letra: HEAVEN'S PRISON. Sana lang maging effective ang pinaplano ni Yusa.
May nakaharang na dalawang guards sa harapan ng pinto. May hawak-hawak silang malalaking baril at nakatayo ng tuwid.
"Sandali lang." Lumapit sa'min ang isang guard at sinuri kami.
"I need to bring these two girls inside the headquarters. Open the gates now." Ma-awtoridad na sabi ni Yusa. Wala namang ibang magawa ang guard kaya pinapasok kami sa loob. She must be in a higher rank dahil napasunod nya ang mga guards.
Namangha ako sa buong lugar. Ibang-iba ito kumpara sa panlabas na anyo. Mukhang hanggang 5th floor pataas ang lugar na'to. Mula sa baba ay makikita mo ang mga hagdan at ang mga tao na nasa taas. Lahat sila ay nakasuot ng pare-parehong uniporme. Kulay itim na may blue na tela sa kaliwang braso, yung iba ay kulay pula, dilaw, berde at iba pa. I wonder what that means.
"Hindi ko na kayo kayang dalhin sa taas." Tuluyan ng nanghina si Yusa. Masyado ng maraming dugo ang nawala sa kanya, pero ayokong magtagal sa lugar na'to. Kailangan kong makausap ang boss nila sa lalong madaling panahon.
"Yusa!" May isang lalaking nakasalamin ang lumapit sa'min. Mukhang kasing edad lang ni Yusa, nasa bente siguro pataas. "What the fuck happened!? You need to get treated now!" Nakatingin lang ang lalaking to kay Yusa. Hindi man lang nya kami napansin.
"E-Ehem."
Napalingon rin sa wakas sa'min ang lalaki. His eyes widened. "Sino kayo? T-Teka! Outsiders! Tatawag ako ng gu-"
"Kelvin. Okay lang. Nandito sila para makita si Boss." Sabi ni Yusa na ngayon ay nakaakbay na sa lalaki na tinawag nyang Kelvin.
"Parte ba to ng misyon mo? Yusa, labag sa batas natin ang magdala ng mga outsiders sa headquarters." Sabi ni Kelvin.
"Hindi sila basta-bastang outsider Kelv."
Napabuntong hininga nalang si Kelvin. "Alright, follow me."
Sumunod kami kay Kelvin kung saan man nya kami dadalhin. Kulay asul ang tela na nasa kaliwang braso nya.
"Hey." Tawag ko sa kanya kaya lumingon sya sa'kin. "Anong ibig sabihin ng telang nasa braso mo?"
"Ito ba? It's an armband to determine what group we belong to. Kami ang mga Informants, taga-bigay at tagakuha ng impormasyon." He said.
Huminto kami sa harap ng puting pinto at doon ipinagpahinga si Yusa. Mukhang ginagamot na rin sya ng mga doktor dito.
"What happened to her? Based on her wounds it's obvious that she's been stabbed several times." Napaiwas ako ng tingin. Pag sinabi kong ako ang sumaksak sa kanya, it'll be more difficult for me to see their boss. Mukha ang boss lang nila ang makakatulong sa'kin sa ngayon.
"Hindi na importante yun. Okay naman sya diba?" Sabi ni Yumi. Napabuntong hininga nalang si Kelvin.
"Bakit nyo nga pala gustong makita si boss? Busy syang tao. Hindi sya makikipag-usap sa inyo. At nasa Europe sya ngayon kaya mas nakakabuti kung umuwi na-"
"Kakausapin ko sya kahit anong mangyari." Sabi ko at parang halata sa tono ko ang galit. I didn't mean it that way.
Nanlaki ang mga mata ni Kelvin. Fear?
YOU ARE READING
The Escape
Action17 year-old Naomi Akusawa faces all the challenges by herself in the outside world as she tries to escape her dark past. But as she continue her long journey she then met friends which she didn't expect to have and joined her as they protect each ot...