Third Person's PoV
Nanatili ang lahat sa Demons Base pero hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin si Nao sa nangyayari. Malapit nang maganap ang away sa pagitan ng Crows at Demons. Ang lahat ng miyembro ng Demons ay naghahanda samantalang hindi mapakali si Nao.
"Anong problema?" Tanong ni Aira na mukhang nag-aalala na rin sa kalagayan ni Nao.
"A-Aira..." Nagulat si Aira sa pagtawag ni Nao sa kanyang tunay na pangalan. No one dared to call her that, except for Shiro na tinatawag sya ng ganun pag kinakailangan.
"What is it?"
"I wonder how strong the Crows is."
"Are you scared?"
"I-It's not that. Pakiramdam ko lang ay pag natalo ang Demons kasalanan ko ang lahat. Kaya gusto kong manalo tayo!"
"You don't have to worry. We may not look like it but we're actually strong. There are 11 people inside this base, may apat na kulang. At pag nakompleto na tayong lahat ay pupunta na tayo sa lugar ng laban." Sabi ni Aira at naglakad na papalayo.
Makalipas ang ilang minuto ay may dumating naman na tatlong lalaki. Ang isa ay matangkad at kulay blonde ang buhok, kilala sya bilang si Miki. Ang pangalawa naman ay matangkad rin at natatakpan ng buhok nya ang kaliwang mata nya, sya si Ryu. At ang pangatlo naman ay ang pinakabata sa Demons, si Izaya.
"Nasaan ang isa?" Lumapit si Shiro sa kanilang tatlo.
"Hindi namin alam. Siguro natutulog na naman sa kung saan." Natatawang sabi ni Ryu.
"Tatlong araw palang kaming wala may nangyayaring laban na kaagad." Sabi ni Miki at sinindihan ang hawak na sigarilyo.
"No smoking here, Miki." Sabi ni King. Isang taon lamang ang agwat nina King at Izaya.
"King." Tawag ni Izaya kay King.
"Izaya! Long time no see!" Sabi ni King at inakbayan ni Izaya. Humiwalay sila sa grupo at nagkwentuhan sa sulok.
Hinila naman ni Aira si Naomi. "Guys! Our leader, the Scarlet Queen." Nagbow ng konti ang mga bagong dating.
"New leader. Sabi na nga ba, isang taon lang magtatagal ang Blue King." Natatawang sabi ni Miki.
"Nandito na si Jonas."
Napatingin ang lahat sa pintuan. May lalaking naglalakad papunta sa kanila. Nakasuot ito ng trench coat at may piercings sa gilid ng labi. Yumakap ito kay Nao na ikinagulat ng lahat.
"Tama nga ang hinala ko. May bago ng leader ang Demons." Sabi ng lalaking si Jonas at humiwalay din naman kaagad sa yakap.
"It's all settled. Let's go!" Sabi ni Shiro at nagtipon ang lahat sa gitna ng base. Pagkatapos ay sabay silang naglakad papaalis ng base. Lahat sila ay ipinakita ang kanilang tattoo sa braso, ang mga iba't ibang uri ng hayop.
Ang laban ng Demons at Crows ay magsisimula na.
(Akusawa Residence)
Tinipon ang lahat ng miyembro ng pamilyang Akusawa sa loob ng isang malaking silid. Puno ng tensyon ang buong kwarto. Lahat sila ay nakafocus lamang sa lalaking nasa harapan, ang head ng Akusawa clan, si Katsuo Akusawa.
YOU ARE READING
The Escape
Action17 year-old Naomi Akusawa faces all the challenges by herself in the outside world as she tries to escape her dark past. But as she continue her long journey she then met friends which she didn't expect to have and joined her as they protect each ot...