Chapter 11: Attack at Night

46 2 0
                                    

Itinali nila ako sa isang upuan at tinakpan ang bibig ko ng tela. Nasa isang madilim na silid na naman ako. I'm so sick of this repeated experiences. Siguro ito na nga ang sinasabi ni Yusa na mga taong gusto akong ibalik sa pamilya ko, or is that really their intention?

Dahan-dahang nagpakita ang isang lalaki habang pinaglalaruan ang hawak na kutsilyo.

"Naomi Akusawa. Who could've thought? Nasa Heaven's Agency ka lang pala. But sadly, you need to go back to your family." Sabi ng lalaki. He has a scar that cuts his left eye. Nakasuri ang mga mata nya habang tinitingnan ako.

"We should give her directly to them, Rider." Sabi ng isang babae na nakaupo sa itaas ng lamesa at may hawak na alak. Mukhang syang lasing pero tuwid naman sya magsalita.

"Not so fast. We still want to play with her a little more." May nagpakita na namang isang lalaki. Nakaglasses sya at nakasuot ng puting suit. Mukhang sya ang leader ng grupo na'to.

"Tick,tock. Tick,tock. Your time is up." I remembered this voice. Sya yung babaeng nakapayong at nag-hypnotize sa'kin. Pinailaw nya ang silid at nagulat ako sa mga demonyong kasama ko sa silid na'to. They're all grinning at me.


"Tick, tock. Tick, tock. My name is Selene." Sabi ng babaeng nakapayong.

"Haruka here." Sabi nung babaeng umiinom ng alak.

"Tokiya." Sabi naman nung lalaking nakaglasses, which I think is their leader. Mukha syang may class at elegante, pero bakit sya napunta sa ganitong klase ng grupo?

"Rider. And this is my brother, Hiiro." Sabi ng lalaking may scar. Tiningnan ko naman ang lalaking tinawag nyang Hiiro. Nakaupo sya sa gilid habang may hawak na baril. "We need the reward money. So can do us a favor?" He's straightforward, yung tipo na hindi nagpapaligoy-ligoy pa.

I've been in this kind of situations a lot of times. Pero pakiramdam ko, hindi ako ganun kadaling makakatakas sa kanila.

Ren's PoV

Kanina ko pa hinahanap si Nao pero hindi ko sya matagpuan. Limang oras na syang nawawala, kung lumabas sya ng agency ay malamang nasa malayo na sya, pero kung nandito lang sya sa agency, kanina ko pa dapat sya nakita!

"Ren! Ren!" Sigaw ni Marco habang tumatakbo papalapit sa'kin.

"Ano? Nakita nyo ba sya?" Tanong ko.

"Kaya na'tin syang i-track. Sumunod ka sa'kin."

Sumunod ako sa kanya at pumunta kami sa 3rd floor ng agency. We asked one of our Informants to track Nao. Advanced ang technology nila lalo na sa tracking, dahil yun din ay may malaking bahagi sa trabaho namin.


"Malayo na sya mula rito." Sabi nya. Sa harap ng isang computer screen ay may mapa ng buong lugar. Itinuro nya ang red dot kung nasaan si Nao. "The location is changing from time to time."

"Just tell us where she is!" Napasigaw ako dahil sa galit.

"Ren, kumalma ka."

"Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa kanya, ha!? She might be in danger right now!"

"I said calm down!"

The Escape Where stories live. Discover now