Bumalik kami sa base nang may tumawag kay Shiro. Kanina pa namin sya tinatanong kung anong nangyayari pero hindi sya sumagot. Kaya sumunod nalang kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa base.
"Shiro!" May lumapit sa'ming isang lalaki na hula ko ay nasa 14 years old. Matangkad sya pero medyo payat, may malalaking eyebags rin ang nasa ilalim ng mata nya. Hindi naman masyadong masama ang pagkakadescribe ko noh? -_-
"What happened!?" Diretsong tanong ni Shiro. Nagtipon naman ang lahat ng Demons sa'min, na tila ba gustong makinig sa pag-uusapan nila.
"S-Shiro.. ang Crows! Nanghahamon sila ng laban." Sabi ng lalaki. May kinuha sya sa bulsa nya na isang kapiraso ng papel at ibinigay ito kay Shiro. Tiningnan ko rin ito..
"At the dark alley behind the mountains, before the sunset, stood a flock of birds ready to attack their wild preys."
Naintindihan ko ang pinapahayag ng mensahe. Nagkatinginan ang lahat matapos ito basahin ni Yusa.
"Ang Crows? Bakit naman?"
"Sa pagkakaalam ko hindi naman sila nakikipaglaban sa kung sino-sino lang."
"Wala naman tayong atraso sa kanila."
"O baka meron!?"
Nag-isip ang lahat ng positibong rason kung bakit nanghamon ng laban ang Crows.
"Hindi!" Napatingin kaming lahat sa lalaking nagdala ng mensahe. Nakayuko sya habang kinuyom ang mga kamao. "Kasalanan 'to ni King!" Nagulat naman ang ibang kamiyembro sa sinabi ng lalaki. King? Who the hell is King?
"Ano na namang ginawa ni King?"
"That brat. Hindi na nakuntento."
"Si King na naman!?"
"Ano bang nangyari?" Singit ni A sa kanila.
"Tanungin nyo sya!" Sabi ng lalaki at naglakad palayo.
Nagkatinginan sila at tsaka hinanap si King. Nanatili lang akong nakatayo. Magkakaroon ng laban ang Crows at Demons, at ako ang leader ng Demons.. anong dapat kong gawin? Hindi ko pa kilala ang dalawang grupo..
"You don't need to worry." Sabi ni A. She gave me an encouraging smile. "We can take care of it."
"No.. hindi 'yon. I just want to know... more about Demons."
She sighed. "Fine. I'm going to tell you.. all about Demons."
Yusa's PoV
Nagising ako sa isang hospital bed. Nakita ko si Kelvin sa tabi ko, natutulog habang hawak-hawak ang kamay ko. Hindi ko matandaan ang nangyari, o kung bakit ako napunta dito. Ang huling naalala ko lang ay pinipigilan ko si Dianne sa binabalak nya.
Nagising si Kelvin. "Y-Yusa.." He looked in my eyes. Hanggang sa tumulo ang mga luha nya. "I thought... I would lose you. I thought it was too late!" He burst into tears. I never saw him cried too much, hindi pa naman ako patay.
"You saved me. Nandito ako Kelvin." I said and touched his cheek. He smiled at me habang tumutulo pa rin ang mga luha.
"Yusarin Tomori, you don't know how much you scared the hell out of me. Kaya, gusto kong sabihin sa'yo na..." He looked directly in my eyes. "Mahal kita... mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa'kin." I smiled at him..
YOU ARE READING
The Escape
Action17 year-old Naomi Akusawa faces all the challenges by herself in the outside world as she tries to escape her dark past. But as she continue her long journey she then met friends which she didn't expect to have and joined her as they protect each ot...