Chapter 42: Plan

12 0 0
                                    

I called him.

Tinawagan ko si Ren at sinabing makikipag-usap ako sa kanya mamayang 8 am sa Mac's Cafe. Akala ko ay hindi siya papayag pero buti naman at nakumbinsi ko siya.

"Are you sure about this Naomi?" Tanong ni Shiro sa'kin.

"If I'm not going to help, then who will?" Sabi ko. Ngumiti siya. This is the first time that i saw him smile.

"Magkakaroon na naman ng gang fight ang Demons laban sa isang gang. Lahat sila mga estudyante at mayayamang kabataan na walang magawa sa buhay kundi magloko." Sabi nya.

"Hindi ba't 'yan ang ginagawa na'tin ngayon?"

"Iba tayo Naomi. Sanay na tayo sa ganitong buhay. Ikaw, ipinanganak kang assassin. Ako, ipinanganak akong anak ng isang mafia boss." Pag-amin nya. At hindi na ako nagulat. Halata naman sa bawat kilos at pananalita nya.

"Mga bata pa ang miyembro ng gang na'to. Especially Izaya and King. They should focus on studies than this." Sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na naglalaro ng video games.

"You sounded like their mother." Sabi niya na parang natatawa.

"Oh really? Well I'm actually trying to be a mother to these bunch of delinquents." Sabi ko. Hindi na rin naman siya dumagdag pa at tumingin lang sa papalapit na si Kei.

"Let's go now milady." Sabi niya. Tumango ako at nagpaalam kay Shiro.

[Mac's Cafe]

Nakita ko si Ren na nakaupo sa pinakamalayong table. Wala masyadong tao ang nakaupo malapit doon.

"Stay here." Sabi ko kay Kei at nilapitan si Ren.

Umiinom siya ng kape habang nagbabasa ng newspaper. Napatingin siya sa'kin pero ibinalik din ang tingin sa binabasa.

"Take a seat." Sabi niya kaya umupo ako sa harapan niya. "What do you want to talk about?" Tanong niya.

"I'm sorry-" Sabi ko at ibinaba nya ang tasa. Natapon pa ng konti ang laman nito.

"What for?" Tanong nya. It's been 2 days since he begged and asked help from me. Why did he changed a lot now? Nagbago na ang itsura niya, mas mukhang matured.

"I thought about it since that day. I'm sorry for being insensitive. I know I have no right to ask this but... can you tell me about the Order?" Tanong ko. He looked serious.

"Are you sure you want to know?" He asked. Nakatingin siya ng diretso sa'kin.

"Yes."

He sighed. "Fine." Ininom muna niya ang kape nya bago nagsalita at ipinagliwanag sa'kin ang nangyayari.

~~

"On midnight, there'll be a war. Pinamumunuan ni Jin Young ang panig namin. Perhaps the Order knows about this, and they'll fight back." Sabi nya.

"We're going to help." Sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"What?"

"The Demons. Tutulungan namin kayo."

"Wait. You don't know what you're talking about. This war, is not like those you experience on gang fights."

"Alam ko. But we fought even the deadliest wars, Ren. Sanay na kami sa mga ganyang laban."

"No, I'm not talking about experiences Naomi." He said na parang nambabanta. He just called me Naomi, at minsan lang niya ako tawagin ng ganun.

"You're underestimating the Order. They are too powerful to handle, Ren. That's why we'll help. Let's join forces together."

"Why are you doing this?" Tanong niya. Bakit nga ba? Dahil gusto kong pigilan ang binabalak ng Order? Dahil gusto kong ipaghiganti ang mga kaibigan ko? O dahil...

He sighed heavily. "Okay. Mas marami, mas malakas tayo. Mamayang midnight kami kikilos. Bring your group to this place." May ipinatong siyang papel sa lamesa at pinadulas ito papunta sa'kin. "We'll discuss our plan to all of you. Sigurado ka bang payag ang lahat sa desisyon mo?"

"Yeah."

"Good." Tumingin siya sa relo niya. "I have to go. We don't have time to slack off. Every minute counts Nao." He tapped my shoulder. He wore his cap and went off. Lumapit naman sa'kin si Kei.

"How was it?"

"He agreed." Sabi ko.

[White Fangs Underground Group Base: 9:30 am]

Nandito na kaming lahat sa loob ng base ng White Fangs. Masikip ang base nila pero kahit papano'y nagkasya naman kami.

Ako, si Jin Young, si Gen, at 'yung babaeng nagngangalang Kiri ang mas malapit sa lamesa dahil kami ang magsisilbing leader sa mga kasamahan namin. Jin Young explained the plan, all of us were quiet and serious. Mamayang gabi, makikipaglaban na naman kami kay kamatayan. If we'll not stop the Order before it's too late, then who will?

Third Person's PoV

[ORDER]

Sa isang malaki at malapad na lamesa nagtipon ang labindalawang taong na may malalaking antas. Pero sa harapan nila ay isang taong kinokontrol sila at pinapaniwala sa mga plano niya. Ang mga taong nasa loob ng kwartong 'yun ay walang kaalam-alam sa nangyayari sa labas. Tulala, walang buhay, at mukhang kinokontrol ang mga itsura at galaw nila. Maya-maya lang ay mas lalong naging seryoso ang paligid nang magsimula ng magsalita ang lalaking nasa harapan nila.

"In midnight, there will be a war." Imbis na matakot ang taong 'yun ay mukha pa siyang natutuwa at nasasabik sa mga pangyayari. Hindi niya inakalang may kakalaban sa kaniya.

"What's your plan?" Tanong ni Takahiro Akusawa, ang isa sa 12 na taong namumuno sa Order. Siya lang ang tanging taong nakakakilala sa taong 'yun, siya lang ang nakakaalam sa kahinaan nito. Ibig sabihin ay siya lang ang makakatalo sa makakapagpabagsak sa taong 'yun. Pero naging baliktad ang resulta.

"Well, it's obvious. We will attack them.. we will use our own army." Sabi ng lalaki. His smirk never fades away. Ang natitirang sampung tao sa loob ng kwarto ay hindi na nagsalita pa. Nakatingin lang ito sa kawalan na parang may sariling mundo. Pero kahit nandoon sila ay parang sina Takhiro at 'yung lalaki lang ang nag-uusap.

"What about those agents? What're you going to do with them?" Tanong ni Takahiro.

"Well... only a few were successful, some of them are dead, and more of them are still in the cage. Acting like wild animals." Tumawa siya ng malakas. "I've been dreaming of this to happen Akusawa! I have so much power and I can control everything at my will!"

"Tell me, why are you doing this?" Tanong ni Takahiro kaya sumeryoso naman ang lalaki.

"Why!? Well... because it's fun! Isn't this fun Akusawa!? All of them are dying for me! I AM THEIR GOD! AND I WILL ONLY BE THEIR GOD!" Umalis ang lalaki sa kwartong 'yun at pumunta sa laboratory ng P.O.

Dito nagaganap ang experimento. Dito unang nagsimula ang lahat. At dito rin ba kaya ito magtatapos?

The Escape Where stories live. Discover now