[Note: Annyeong readers! The Escape is nearly at its end. Kaya gagawa ako ng Special Recap.]
____
Si Naomi Akusawa ay ipinanganak bilang assassin. Sinanay sya upang maging isang mahusay na tagapagmana. Simula noong bata pa sya ay wala syang naging kaibigan. Hindi sya marunong makisalamuha sa ibang tao at kahit kelan hindi nya naranasan ang maging masaya at malaya.
"The more alone she is, the stronger she gets. If she had friends, she might hesitate to kill."
'Yun ang pinaniniwalaan ng ama nyang si Zen Akusawa. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon sya ng isang kaibigan, si Ren Ashbell, ang anak ng cook ng mga Akusawa. Lagi syang tumatakas sa mansyon para makipaglaro sa kaibigan. But she didn't know it was just temporary. And she was alone again.
She lived 13 years of her life alone, doing dangerous missions. But then when she turned 14, the truth was unfolded. The woman who raised her wasn't really her mom. Due to her hatred, lumabas ang pagka-scarlet ng mga mata nya, and that was the first time it happened. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napatay nya ang stepmom nya, si Dianne Akusawa. Everyone believed she was provoked. And her dad, Zen, also died on the same day.
Hindi makapaniwala si Naomi sa pangyayaring yun. She didn't really want that to happen.
"It's all my fault! It's all my fault!"
Galit na galit sya sa sarili. Kinulong nya ang sarili sa kanyang kwarto. Hindi sya lumabas ng bahay, hindi sya nakipag-usap sa ibang tao maging sa pamilya nya, naging ganon ang ugali nya sa loob ng dalawang taon. She became a misanthrope. Hanggang sa naisipan nyang tumakas. She escaped.
Pero sa gabing tumakas sya ay may nakilala syang isang tao, ang Blue King ng Demons. The Blue King died on that night. Ang hindi nya alam, may tattoo sa batok nya, isang serpent na may crown. Which means she's the next leader of Demons, the Scarlet Queen.
Dahil nga sa pakikipaglaban sa Blue King, she collapsed on the ground while trying to escape (Prologue). She got kidnapped by men who were illegal drug dealers. Nakilala nya si Monique Sanchez, na naging kaibigan nya rin.
Hindi rin nagtagal at nailigtas silang lahat ng mga agents ng Heaven's Agency. Dinala sila sa ospital at doon ginamot. Magkasamang lumabas ang dalawa sa ospital, pero pinigilan sila ni Yusarin Tomori, isang agent ng Heaven's Agency. Yusarin had a mission to kill Naomi Akusawa, but she didn't. Hanggang sa napagdesisyunan nyang dalhin si Naomi sa kanilang agency, and made Naomi and Monique agents. Pero hindi kinaya ni Monique ang test kaya pinauwi sya sa kanilang bahay. But when Naomi visited her with some unknown guy (Ren Ashbell), nalaman nilang nagsuicide pala ito.
Nawalan man sya ng kaibigan, ay nagkaroon naman sya ng marami pa. There's Akane, Toshi, Marco, Marco's younger sister, Ren, and her former enemy, Yusarin.
Napagdesisyunan ng Order na pagsama-samahin ang tatlong agencies, ang Heaven's Agency, White Fangs, at Night Shadows. At tinawag itong Peace Organization o P.O. They go on missions together, hanggang sa may ibinigay na espesyal na misyon ang Order. Capture the DEMONS.
Nang malaman ito ni Naomi ay agad syang nagquit sa P.O, leaving all her friends behind. Naging leader sya ng isang notorious gang. At doon nya nakilala sina Aira, Shiro, Anne, Dale, V, August, Clark, Miki, Zyner, Jonas, Tobias, King, Izaya, at Ryuu (members ng Demons)
Mas natibay pa ang pagsasamahan nila nang magtulungan sila upang mailigtas si Naomi sa mga kamay ng Dalmari clan.
Then another challenge came into the life of Demons. Kinalaban nila ang Order sa tulong ng White Fangs upang pigilan ang masamang binabalak nito. Nalaman nilang si Akihito Akusawa pala ang may pasimuno ng lahat, ang dating butler ng pamilyang Akusawa. Magtatagumpay na sana sila nang may biglang nagpakita na dalawang human machines. Namatay ang ilang taong gustong pigilan ang dalawang machines na iyon, pero hindi sila nagtagumpay.
Nakarating sina Naomi, Ren, at Kei sa secret laboratory. Nakalaban ni Naomi si Akihito pero masyado syang nanghina dahil sa mga natamo nyang sugat. Habang si Ren naman ay nagawang pindutin ang red and green button, kung saan nashut down ang dalawang human machines.
In the end, nagtagumpay sila sa pagpigil kay Akihito sa binabalak nyang kontrolin ang mundo gamit ang inimbento nyang machines. At bumalik na rin sa dati ang Order at ang P.O. Bumalik sa pagtatrababo ang mga agents at sinigurado ng bagong 12 na leader ng Order na hindi na mauulit ang nangyari.
Makalipas ang dalawang buwan, buwan na ng Disyembre. Kaya napag-isipan ng Demons na magbakasyon. Sa tatlong araw nila sa islang yun ay naging masaya ang lahat.
Pero hindi nila inaasahan na sa pagbalik nila galing sa bakasyon ay isang masamang balita ang sasalubong sa kanila. Magq-quit na si Naomi bilang leader ng Demons. Hindi alam ng Demons ang dahilan, pero sa huli ay wala rin naman silang magawa kundi respetuhin ang desisyon ng kanilang former leader.
YOU ARE READING
The Escape
Action17 year-old Naomi Akusawa faces all the challenges by herself in the outside world as she tries to escape her dark past. But as she continue her long journey she then met friends which she didn't expect to have and joined her as they protect each ot...