Lumabas ako sa base para magpahangin. Pero napagdesisyunan ko rin na magpunta sa isang tindahan. Maingay ang paligid dahil sa mga sasakyang dumadaan. May mga tao ring naglalakad habang nagkukwentuhan na malalakas ang boses. Pumasok ako sa 7Eleven. Nang makapasok ako ay nakuha agad ang atensyon ko ng isang babaeng nakatingin sa chips. Nakikita kasi ang underwear nya dahil nakapalda lang siya. But I ignored her and bought my own food.
Nang nasa cashier na ako ay nakarinig ako ng kaguluhan galing sa labas. Yung babae kanina, may gustong humablot sa bag niya. Pero wala man lang gustong tumulong kaya iniwan ko muna ang pinamili ko at lumabas mula sa tindahan.
"Bitawan mo ang bag ko!!!" Sigaw ng babae pero masyadong malakas ang lalaking nakaitim kaya nahablot nito ang bag nya. Tumakbo ang lalaki at nagmadali naman ako para sundan siya.
Yung babae naman kanina ay nakasunod din sa akin habang tumatakbo ng mabagal. =_=
Again, I ignored her and run towards the thief. I dodged all the people blocking my way. At nang makakita ako ng batang naglalaro ng basketball ay kinuha ko ito mula sa kanya at binato ang magnanakaw.
"Ibabalik ko yun sa'yo bata." Sabi ko at tumakbo ulit para mahabol ang magnanakaw na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Nang makita nya ako ay agad na naman siyang tumakbo papunta sa isang madilim na eskinita. I followed him. But a wooden gate blocked his way.
Ngayon ay nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa'kin.
"Wag kang lalapit sa'kin!!!"
My eye color didn't change into scarlet. But he looks so scared. Nandidilim ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at sinipa ang nasa likod niya. Nasira ang kahoy na harang at nagkalat ito sa lupa. I stared at the thief.
"Give me back that bag." Sabi ko. Pero nanlalaki ang mga mata niya at niyakap ang bag. Takot na takot siya habang nakatingin sa'kin.
"I-Ikaw.. H-Hindi.."
""I-Ikaw.. H-Hindi.." That was what you just said. Are you an alien? Speak from the 12 languages I know." Sabi ko pero hindi siya sumagot. Imbis ay itinulak niya ako. Pero nahuli ko ang kamay niya at ibinagsak siya sa lupa. I grabbed the bag.
"Waaaah!!!" May sumigaw na babae sa likuran ko kaya nilingon ko ito. Siya yung babaeng nanakawan ng bag. Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang bag.
"Thank you." Sabi nya at halos mangiyak-ngiyak nang matanggap ang bag. Napakaimportante siguro ng laman nun. "Salamat. Kung hindi mo siguro ako tinulungan... wala na sana ang bag ko ngayon." Sabi niya.
"Next time, don't show off pretty bags like that. Yan ang target ng mga magnanakaw ngayon." Sabi ko. Ngumiti naman siya sakin at tumango. "I gotta go. Ikaw na ang bahalang magsumbong dyan sa pulis." Sabi ko at tinuro ang lalaking nakahandusay sa sahig. Nanlaki naman ang mga mata niya. I just shrug and walked away.
Habang naglalakad ay may nadaanan akong shop na ang pangalan ay "Fashionista". The clothes are really beautiful. Tiningnan ko ang paligid ko. Wala namang nakakapansin sakin, kaya pumasok ako sa loob. Nang makapasok ako ay hindi na ako namangha sa dami ng mga damit. Hindi na bago sa'kin ang makakita ng mga ganun kadaming damit.
Tiningnan ko ang mga damit nila. Pero may isang damit na kumuha sa atensyon ko. Isang kulay itim na tracksuit. Lumapit ako at hinawakan ito. Even the quality of the cloth is good. I can't get wet in the underwater if I wear this. But I don't think this is bulletproof, but it will be a good disguise to hide my guns.
"Are you going to buy that ma'am?" Tanong ng isang lalaking mukhang kasing edad ko lang.
"Yeah." Sagot ko.
"Well, since you're the only one buying that I will give you 10% discount." Nakangiting sabi niya.
"Okay. How much?"
"10,000 pesos ma'am." Sabi niya kaya halos malaglag ang panga ko dahil sa sobrang mahal. But I bought it anyway.
Lalabas na sana ako nang may magsalitang babae.
"Wow. You bought that tracksuit? Sobrang mahal kaya nyan!" Sabi ng babaeng mukhang namimili rin dito. "Grabe. Sino ba namang mag-aakalang may bibili pala sa limang libong tracksuit na yan?" Sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya at napatingin sa lalaking nagbigay sa'kin ng discount. What the heck!? Ang sabi niya..
Oh well. I ignored the lady and the guy and went out of the shop. Money is not a problem in our family. The only thing that matters to us is..
I looked at the guy who deceived me with the price of the tracksuit. When our eyes met I saw him shiver. Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa'kin at takot na takot.
..assassination.
YOU ARE READING
The Escape
Action17 year-old Naomi Akusawa faces all the challenges by herself in the outside world as she tries to escape her dark past. But as she continue her long journey she then met friends which she didn't expect to have and joined her as they protect each ot...