Ellie's POV
Tapos na ang klase ko at hinihintay na namin sa labas ni Papa si Steven. Kanina pa namin sya hinihintay dito sa parking lot pero ang tagal tagal pa talaga nya.
"Anak,tingnan mo na si Steven,sabihin mo mauna na tayo"
Tinanguan ko si Papa. Pero? Baka kasi makita nila na kinakausap ko si Steven...sabagay wala narin namang students.
Inikot ko ang paningin ko sa campus,naglakad lakad ng makita ko si Steven sa gilid ng court. May kasama sya. Ah? Yung tatlo palang moks ang kasama nya. Sina Jayron,Francis at Kiezer.Nagtago ako at pinagmamasdan lang sila. Pero nagtama ang paningin namin ni Steven.
Ngumiti sya at nabigla ako nung..
"C'mon" sabi nya. Napatingin pa ang tatlo sa direksyon ko.Kinakabahan lang ako ng maisipan kong lumapit na nga.
"A-h,n-nasa l-labas na s-si" nauutal ako kaya di ko natuloy.
"Ah,ok susunod na lang ako sabihin mo." Sabi ni Steven.
"Pre? Kaibigan mo sya?" Tanong ni Jayron.
"Yeah. My girl bestfriend" nagulat ako sa sinabi ni Steven. Sigurado sya? Parang di na nya ako itatanggi bilang kaibigan nya?
"Diba ikaw ang sumagot sagot sakin kanina?" Nilingon ko ang nagsalita na si Kiezer.
Inirapan ko lang sya. Napansin ko ang pagtitig ni Francis saakin.
"Sya nga!"
Napatingin kaming apat sakanya.
"Huh? Anong sya nga?" Tanong ni Kiezer
"Yang kaibigan mo Steve. Warfreak,kayang lumaban. Sya ang magpapanggap na girlfriend ni Kiezer!"
"Hindi!" Sabay kami ni kiezer. Nagkatinginan kami pero inirapan ko sya.
"Bakit sya pa? " tanong ni Steven.
"Kasi nga warfreak sya at kayang lumaban. Kayang kaya nya si Bernise!"
Tingnan ko sila ng masama.
"Kakakilala ko palang sainyo! Kaya wag kayong gaganyan!"
"Ells. Please kailangan namin ng tulong mo. Sinasaktan ni Bernise ang mga babae sa campus dahil sa selos nyang walang kwenta!,at ayaw na naming maragdagan yun kaya tulungan mo kami" sabi ni Steven.
"Huh?"
"Magpapanggap ka bilang girlfriend ko"
Sinamaan ko ng tingin si Kiezer.Ako? No way! Ang sungit at barombadong yan? Kung si Steven pa okay lang! Kaso si Kiezer? Ayoko!
"Pag-iisipan ko"
Hayst. Bakit ko nasabi yun? Bwisit.kundi ko lang kasi gusto si Steven e.
Lumabas nalang ako dun...
.......**********
Nasa Einstein na kami. At kasama ko ngayon ang dalawa kong kaibigan at ang apat na moks.
"So ano na? Dali na kasi bes sabihin mo na yung sagot mo." Excited pa na sabi ni Janna.
Alam na kasi nila. Yes. Wala naman akong malilihim sakanila pagdating kay Kiezer.
"Hayaan muna natin syang mag-isip." Sabi naman ni Steven.
Ang totoo,hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. 'Tong si Kiezer tulala lang.
"Don't worry Ellie, tatanggapin namin kung ano man ang isasagot mo" sabi naman yun ni Francis.
"Oo nga. Pero kung pwede lang pumayag ka na." Ang labo din netong si Jayron, ang sabi tatanggapin ang anumang sagot ko,tas biglang gusto nya na um-oo ako. Tss.
![](https://img.wattpad.com/cover/82242164-288-k999938.jpg)
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Teen FictionWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...