58.Steven&Zandra: Confessions

95 0 1
                                    

Kiezer's Point Of View

Pinagmamasdan ko lang si Ellie ngayon na kasalukuyang nagtatampisaw sa malamig na tubig sa dalampasigan.

Pero,sa mga may anumang isip d'yan,hindi ako na-nanan-tsing or naninilip,nakashorts at t-shirt s'ya,dahil ayoko na mag-bikini s'ya tulad ng mga babae dito.

"Ang sarap titigan ng mahal mo 'no?"  Ani Steven na kadadating palang at nakiupo sa tabi ko.

"Syempre,kahit titigan ko s'ya buong araw,pwede." Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin kay Ellie.

"Bro,sorry nga pala du'n sa dati ha? Akala ko kasi--" pinigil na ni Steven ang sasabihin ko,

"Ayos na 'yun..tapos na." Sabi n'ya at ngumiti.

"Pinopormahan mo ba si Zandy?" Tanong ko ng nakangisi.

Nag-iwas s'ya ng tingin,

"Gusto ko nga sana s'yang ligawan,kaso..baka--"

"Ayan! Natotorpe ka na naman p're,'wag kang mag-alala,tutulungan kita." Sabi ko.

Lumawak ang ngiti nya sa labi.

"T-talaga?!"

"Oo."

Saktong dumaan si Zandra sa harapan namin,

"Zandy!" Tawag ko sakanya.

Humarap naman s'ya at ngumiti.
Ang ganda nga naman ng babaeng 'to,kaya walang alinlangan na magkakagusto si Steven sakanya,bukod sa maganda,mabait pa.

"Halika,kwentuhan muna tayo." Sabi ko.

"Ah..okay." sabi n'ya at umupo sa tabi namin.

Nakita ko ang kaba sa mukha ni Steven,gusto ko s'yang pagtawanan sa itsura n'ya.

"Ah,saglit lang guys. Puntahan ko lang si Ellie."

Steven's Point Of View

Alam ko namang sinadya ni Kiezer 'yun.

Gusto ko s'yang sapakin,pero some part of me wanted to thank him from leaving me here with Zandra.

"So..." nakangising sabi n'ya.

Please don't mention the kiss Zandra! Kung hindi talagang uulitin ko 'yun!

"Why did you kiss me?"

Sh*t. Kasasabi ko palang eh. Bakit ba kasi ang lakasss ng confidence ng babaeng 'to? Bakit parang wala s'ya n'ung katuad nu'ng ibang babae na..pakipot?

Shete. Mas gusto ko kasi ang ugali n'yang ganito eh.

Lumalalim kasi 'yung pagtingin ko.

"Ah-h...t-tara? Maglunch na tayo..t-tawag na tayo ng mga kaibigan natin eh." Pagpapalusot ko.

Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa kanya.

Inabot n'ya 'yun at inalalayan ko s'yang tumayo. Nakita ko ang pagblanko ng mukha n'ya.

Teka? Galit ba s'ya?

Wrong move,Steven.

Lumakad na kami patungo sa hotel ng resort at hinanap ang mga kaibigan namin na nakapulong na sa isang table.

"Oi! Steve! Zandreeng! Tara kain na!" Sigaw ni Janna pagkakita palang n'ya saamin. Tinanguan ko s'ya. Inaya ko na si Zandra na kumuha ng pagkain sa buffet table. Tumango s'ya pero andun parin ang blankong expression nya.

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon