Kiezer's Point Of View
Kahit na ilang araw na ang nakalipas nang magbati kami ni Ellie,hindi ko parin maalis sa isip ko ang mabahala,dahil sa sinabi ni Ellie noon na liligawan sya ni Steven.
Pero,hindi ko rin naman magawang tanungin si Ellie,kasi alam ko,papasok 'yung topic na ayoko naman talagang isipin muna.
Hindi pa kami nag-uusap ni Steven,hindi ko alam kung okay na ba kami,o may alitan at hindi pagkakaintindihan parin.
"What's on your mind?"
Nilingon ko si Ellie,
"Diba 'yan 'yung nasa facebook? 'Yung kapag mag-popost ka?"mapanglokong sabi ko,
"Suntok?"
"Joke lang,"
Inirapan nya ako,pero lumapit ako sakanya at umakbay,
"Iniisip lang kita,'wag ka ng magselos."
Pinalo nya ang braso ko at nagkunot-noo,
"I'm not jealous,huh?"
I chuckled,
"Weh? E ba't nag-ienglish ka?"
Binatukan nya ako at inirapan,hayst. Imbis na magalit ako,natutuwa ako sakanya. She's really who she is. And I love her,the way she is.
Corny ko!,
"Nililigawan mo parin ba ako?"
Napangiti ako sa sinabi nya,
"Nasabi ko na 'yan sayo diba?"
"Oo,naninigurado lang..masakit umasa"
"Hindi kita papaasahin,"
Ngumiti sya saakin,
"Thank you."
"Bakit kaya ang daming langgam? Pati asin nilalanggam na oh!"
Inirapan namin ang nagsalita na si Jayron,
"Corny ka rin minsan 'tol!"
"Atleast boyfriend.."
Inirapan ko sya at binatukan.
"Guilt,"
Akmang babatukan ko sya,
"Ells oh! Nambabatok si Kiz!"
Tumawa lang si Ellie,
***
"Bakit daw?,"
"Hindi ko rin alam,basta may nagpapatawag po na lalaki sainyo sa labas."
Tinanguan ko ang second year highschool na babae,
May nagpapatawag? Sino naman?
Pumunta ako sa lugar na sinabi ng babae kanina,
Walang tao,tahimik. May klase pa kasi ang iba,nagshort time kami ngayon,kasi nasa comp. lab si Frans,malamang tulog. Bumili naman ng inumin si Jay,nasa corridor ako kanina at papunta sa comp lab ng sabihin ng babae saakin yun.
"Hell?! Wala namang tao. Bwisit" sigaw ko. Aalis na sana ako kaso,may nagpatong ng kamay sa balikat ko.
"Sino ka?" Tanong ko.
Nakita ko kasi na ibang lalaki sya,hindi naka-uniform na pang-EU,pero bakit sya nakapasok?,may takip pa sya sa mukha nya at nakasumbrero.
"Hindi mo na ako kailangang makilala pa,basta ingatan mo si Ellie,may ibang nagbabalak na ilagay sya sa panganib."
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Fiksi RemajaWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...