45.Pau&Francis(Ch.02)

98 2 0
                                    

Francis' Point Of View

Nakakainis! Nabibwisit ako sa sarili ko,natapos 'yung araw na yun na hindi man lang ako kinausap ni Pau! Bakit ba kasi ang seloso ko? Tama naman kasi sya ea. Nagselos ako dun sa tisoy na yun. E malay ko bang may girlfriend na pala yun.

"Tss. Ikaw kasi,inuuna mo ang selos mo, wala kang mararating dyan."  Panunukso ni Jayron.

"Tsk. Akala mo naman hindi din kayo seloso" sabi ko.

"Syempre ako boyfriend naman ako,ea kayo? Hindi naman e. Itong si Kiezer,nanliligaw parin,ikaw? Wala. Nganga!" Binatukan namin si Jayron.

"Ang yabang mo!,porque hindi ka nahirapan na ligawan si Janna."

"Tssh..mga inggitero!" Sigaw pa nya.

"Lumayas na nga kayo! Gabi na oh! Ayoko namang pakainin ko pa kayo dito! Ang tatakaw nyo kasi e,kaya wala kayong muscles katulad ko!" Isa pang batok ang nakuha ni Jayron saakin,at  pinagbabato naman ni Kiezer si Jay ng unan.

"Mga sadista!" Sabi ni Jay at kinakamot ang ulo nya.

*****

"Anong balak natin sa bakasyon?"

Ilang beses ng tinanong ni Janna yun,pero wala parin kaming matinong sagot. Syempre,hindi pa tapos ang school year na to,kaya walang matinong sagot.

"Hoy! Janna, wala pang pasko tinatanong mo na yan. Ang pasko muna ang isipin mo. Next week na kaya yun" sigaw ni Jayron na parang nagpoprotesta.

"E syempre,may balak na ako sa pasko kaya bakasyon na ang nasa isip ko." Sagot naman ni Janna.

"E ano bang balak nyo sa pasko?" Tanong ni Pau. Parang ngayon lang sya nagsalita. Buti nalang hindi sya naiilang.

"Ako syempre magpapasko kasama sina tatay,nanay pati si ate." Sagot ni Ellie.

"Ako,pupunta ako kina Ellie."
Pinalo ni Ellie si Kiezer.

"Bawal ka dun!"

"Bakit?"

"Syems! Dapat kasama mo ang pamilya mo."

Tumawa si Kiezer,

"Kasama ko naman talaga sila. Pinapakilig lang kita."

"Iws,hindi effective."

"Ea kayo? Anong balak nyo? Jan? Jay?...P-pau?"

"Ako uuwi ako sa Laguna,bibisita kami kina lolo at lola." Sabi ni Jan.

"Sa bahay lang." Cool na sagot ni Jay.

Hinihintay namin ang sagot ni Pau,

"Magpapasko ako kina C-Charles."

Bakit dun sya magpapasko? Banas.

Tumayo ako at umalis sa lugar na yon. Ayoko munang ipakita na nagseselos ako.

Nakakalalaki.

Paulyn's Point Of View

"Tsk,seloso." Bulong ni Janna.

"Ikaw kasi Pau,sinabi mo pang kina Charles ka magpapasko. Seloso yun e." Bintang saakin ni Jayron.

"Ako pa may kasalanan? Nagtatanong kayo. Malamang sasagot ako."

"Hindi naman sa ganun,pero.."

"Bakit ba kasi hindi sabihin ni Francis ang totoong nararamdaman nya? Naduduwag ba s'ya?"

Hindi ko napigil ang sarili ko,at nasabi ko ang mga salitang iyon.

"Bakit? Kung sasabihin ko bang mahal kita,mamahalin mo rin ako?" Nabigla ako ng marinig yun,

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon