3.Her Answer

219 7 0
                                    

---------------Ellie-------------
Pagkatapos kong makipagmeet sa MusicClub Members naalala ko na,
10 am pala akong pinapapunta ni Kiezer sa Rooftop.

Agad akong pumunta,di ko na sinama sina Janna At Pau.

Umakyat na ako at pinihit na ang doorknob sa pintuan papasok sa rooftop.

Tahimik,sa katahimikang 'yon nandoon si Kiezer na pinagmamasdan ang napakamagulong mundo.

Wow? Ha ? May pinagdadaanan?

Nilapitan ko sya. Pero di sya nakaharap.

"Kung pwede lang sanang ibalik sa dati ang lahat." Bulong nya.

"H-ha?" Nagtataka naman ako.

Mukhang gulat syang humarap saakin. So? Di pala nya naramdaman ang paglapit ko?

"Andyan ka na pala. Bakit di ka man lang nagsalita." Sabi nya at tumayo.

"Ano yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko.

"Wala yun. Wag ka nang chismosa." Sabi nya.

"Yung sa....." nagpapabitin pa ako. Syempre nahihiya akong i-open yung topic nung sa sagot ko dun sa tanong nila kung payag na ba ako sa pagpapanggap.

"Ano nga yung sagot mo?" Tanong nya.

"Pinangarap kong magka-romantikong panliligaw ang lalaki saakin nung bata ako,at ang gusto ko noon,yung pagtitiyagaan nya yung panliligaw nya. Pero malas ko at hindi ko naranasan yun." Sabi ko muna at tumingin sa langit.

"Tss. Ang arte mo pa." Napakasutil talaga netong halimaw na 'to

"Anong klaseng ugali ba meron ka?"naiinis na tanong ko.

"Kung masama ako,sa tingin mo kailangan pa kitang kumbinsihin para maging girlfriend para tumigil na si Bernise sa pananakit ng ibang babae?" Seryoso nyang sabi

"May sinabi ba akong masama ka?" Pang-pilosopang sabi ko naman.

"Naging kami dati ni Bernise,pero dahil kaibigan lang ang turing ko sakanya. Hiniwalayan ko sya,at hindi nya natanggap 'yon,kaya bawat maging girlfriend ko o babaeng nakakalapit saakin ay sinasaktan at pinagbabantaan nya." Sabi nya at tumingin din sa langit. Tiningnan ko naman sya

"Hayss~~ *bat ko ba kasi mahal si Steven at pati 'to kailangan kong gawin*" mahinanng sabi ko.

"Ano?" Sabi nya at tiningnan ako..

"Wala." Sabi ko.

----------------Kiezer-----------

*bat ko ba kasi mahal si Steven at pati 'to kailangan kong gawin*

Yun ang mga salitang narinig ko kay Ellie,pero nagpanggap akong di ko narinig.

Mahal nya si Steven?

Kaya pala nagdadalawang isip sya.

Hmmm...ano namang pake ko?

"So ano na yung sagot mo? Papayag ka na bang maging fake girlfriend ko?" Tanong ko at tiningnan sya.

".......................Oo......" sabi ko na ba't oo ang isasagot nya e. Ngayon pang alam kong mahal nya si Steven.

"So,I'm your Fake Boyfriend Now. At walang ibang dapat makaalam non. Dapat alam nila na ako ay tunay mong boyfriend. Clear?"sabi ko.

"Oo na po" sabi nya at parang nainis.

"Kailangan sweet sa harao ng marami,at ituturing kitang isa lang sa mga alipostorang estudyante kapag tayong dalawa lang. Gets?"sabi ko pa.

"Alipostora talaga?napakasama mong halimaw ka!" Sabi pa nya at inirapan ako.

Ang taas talaga ng confidence ng babaeng 'to.

"Sige na umalis ka na." Sabi ko at itinuro pa sakanya ang pintuan.

"Eto na." Naiinis na sabi nya.

Kaso nung may nagbukas ng pinto at pumasok ang tatlong babae,hinila ko si Ellie,at niyakap ko sya.

Para kunyaring sweet.

"Teka?,a-anong g-ginagawa mo?" Nauutal na bulong ni Ellie.

"Sumakay ka nalang." Nakangising sabi ko.

"O my ghad! Bakit sila nagyayakapan?! Sila ba?! NO WAY!!!" Narinig kong sabi nung isang babaeng pumasok.

"Hinde! Napaka-cheap ng babaeng 'yan para maging boyfriend nya ang ating prinsipe!" Sabi ng isang babaeng may maikling palda. -_-

"Ano bang trip nila?!" Sigaw naman nung isa.

Unti-unti silang lumapit.

Binitawan ko na si Ellie.

Akmang sasabunutan nila si Ellie, pero

"Wag na wag mo akong sasaktan!,wala kang karapatan." Naunahan na sya ni Ellie.

"Simula ngayon,wala na akong makikitang mananakit sa GIRLFRIEND ko,ipagkalat nyo 'yan sa iba." Sabi ko at hinila na si Ellie at lumabas.

Naiwang nakakunot ang mukha ang tatlong babae.

"So ganon ang trip mo saakin?" Mataray na sabi ni Ellie.

"Tama ka." Sabi ko ng nakangisi,na kinainis nya.

"Bwisit!," sigaw nya at padabog na umalis.

Hahahaha. Nakakatawa talaga yung mga inaakto nya. Parang timang lang at walang kaalam-alam. Pero isa naman syang scholar student na nasa top. Psh. Pagdating sa pag-ibig talaga e.

Ang swerte ni Steven,at nagkagusto sakanya si Ellie.

P.s.-di ako naiingit. Sinasabi ko lang.

--------

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon