Ellie Jaice's Point Of View
Halos mahimatay kami ni Pau sa lakas ng pagsigaw ni Janna.
Parang wala ng bukas!,"Bakit ka ba nagsisisigaw?!"
"Kanina ko pa kasi kayo tinatawag eh!,ayaw nyong humarap."
"Ano bang sasabihin mo?"
Huminga sya ng malalim,
"Pinapatawag tayo sa office ng admin."
"Huh? Bakit daw?"
"Hindi ko alam,basta sabi ni president pinapatawag daw tayo."
"Ah okay. Tara na?" Sabi ni Pau.
Tinanguan namin sya at pumunta na sa office ng admin.
"Hello sir." Bati namin.
Tinanguan nya lang kami at sineyasan na umupo.
"I asked you to come here because,someone would like to say sorry."
"Sino po?" Tanong ko.
Lumabas galing sa isang pinto ng office si Sir Salac.
One week narin mula noong maalis kami sa journalism club.
Nginitian nya kami,ganoon din ang ginawa namin.
"Sorry about last week,Ms.Abueva,Ms.Dela Cruz and Ms.Fuertez,nadala lang ako ng galit."
"I--it's okay sir. We get you." Sabi ni Pau.
"Thank you."
"You're welcome po." Sabi ni Jan.
Tiningnan ako ni Sir Salac.
"Sorry Ms.Abueva sa mga nasabi ko. Sorry talaga,h---hindi ko naman sadya.."
"Ayos na yun Sir. Naiintindihan kita"
"P---pero,dahil saakin umiyak ka--"
Bakit alam nya yun? Nakita nya ba ako?
Tiningnan ko si Pau at Jan pero umiling sila,na ang ibig sabihin ay wala silang kinalaman kung bakit alam ni Sir na umiyak ako noon.
"Someone told me,pero ayaw nyang pasabi kung sino sya."
Nacurios ako bigla sa sinabi ni Sir. Eh sino naman? Tsk.
Pagtapos ng usapan namin,pumasok na kami sa next class namin which is Mathematics.
Isa rin naman ang math sa favourite subject ko,pero..English talaga ang pinakagusto ko. Kaya siguro mas energetic ako sa English.
Habang nagtuturo ang teacher namin sa math,iba parin ang nasa isip ko...
'Yung nagsabi kay Sir Salac na umiyak ako noong nakaraang linggo..
Bakit alam nya yun?
Bakit sinabi nya kay Sir Salac yun?
Bakit ayaw nyang magpakilala?
Sino ba sya?
Kilala nya ako malamang. Pero wala akong ideya kung sino sya.
"MS.ABUEVA!"
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng isigaw ng teacher namin ang apelyido ko. Ako lang naman ang may apelyidong 'Abueva' sa section namin,kaya siguradong ako yung sinigawan nya.
Hindi kasi ako nakikinig e. Banas!
"Y--yes ma'am?"
"Do the problem number 1-10"
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Teen FictionWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...