Ellie's POV
Nakakaba,nakakatakot,nakakahiya na nalilito na hindi ko alam ang gagawin ko habang patuloy ang mga paa ko sa paglakad patungo sa bahay ni Kiezer.
Hinigpitan ni Steven ang hawak sa kamay ko. Tumingin ako sakanya,halo-halong emosyon ang nakita ko sakanya. Hindi ko mahulaan kung ano ba ang tunay na nararamdaman nya ngayon. Kakabahan ba sya? Matatakot? O baka,ayos lang sya?
Hayst. Kanina pa ako isip ng isip ngayon. Para akong tanga.
"Don't worry. Calm yourself. Walang mangyayaring hindi natin parehong gusto. Pangako." Sabi nya sa'akin at pinisil pa ang ilong ko. -.-
"Pang-iinis mo ba 'yan saakin o talagang nakasanayan mo?" Nakakunot-noong tanong ko at huminto sa paglalakad gan'on din sya.
"Same." Natatawang sagot nya.
Kabwisit din 'to.
"Tara na."
Tumango ako at hinawakan nya ang kamay ko. 'Pag ganito sya,lagi akong nagiging komportable. Kasi alam kong hawak nya ang kamay ko , at alam kong safe ako 'pag sya ang kasama ko. Nakakagaan sa pakiramdam.
Nagdoorbell sya. Nagsimula ng manikip ang pakiramdam ko. Feeling ko putlang-putla na ako.
"Ellie? Ayos ka lang ba? Kung gusto mo 'wag na lang tayong tumuloy,pwede naman sa susunod wala naman sina Dad and Mom e." Nakikita kong nag-aaalala na si Steven,pero ayokong dahil saakin magalit ang parents nya sakanya.
Hinawakan ko ang braso nya at huminga ng malalim. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nagawa ko naman 'yun. Nginitian ko sya.
"Ayos lang. Medyo kabado,pero okay na ako." Sabi ko ng kalmado.
Ngumiti sya ng may bakas na pag-aalala.
Nagdoorbell ulit si Steven at may nagbukas na isang katulong.
Pinaupo nya kami at naglibot ang paningin ko,hanggang sa umabot ang mga mata ko sa family picture nila na nakasabit sa gilid ng hagdan nila. Malaki ito at Andoon si Kiezer ang Mama nya at Papa nya. Tapos ate ata nya 'yun pati kuya? Ah. So tatlo silang magkakapatid?
"Ijo,Ija" narinig kong sabi nung babaeng maganda na may edad ng konti saamin habang bumababa ng hagdan.
"Hi Tita Karol" sabi ni Steven. Tumayo kami at nagmano. Sa ganda nya,parang artista na. Mama ata sya ni Kabayo e.
"Oh? Is she your girlfriend? Well she's pretty"
"Ah,actually,she's my bestfriend. I brought her here cause later we will have a dinner."
Ang galing naman mag-dahilan ni Steven. Patok.
"Oh,akala ko pa naman....By the way where's your parents? Aren't they coming?" Tanong nya.
Mukha syang mataray na masungit. Kaya kinabahan ako. Syempre kanina pa nya ako pinagmamasdan. Naiilang na nga ako e. Baka katulad nya si Kabayo na masungit. Ay nako. Hindi ko kakayanin 'to.
"Ah Hindi po kasi sila makakapunta,may important meeting po sila ni Dad sa General Santos,baka hindi agad makauwi." Sabi ni Steven.
"Oh,c'mon let's have a dinner" sabi ng mama ni Kiezer.
"Ah,no tita, magdidinner pa po kasi kami. Next time nalang po." Pagtanggi ni Steven. Pero alam kong alam nya na kinakabahan ako kaya gumawa na naman sya ng dahilan.
"Ah,i see. Oh? Si Kiezer nga pala kamusta sa Einstein's University? I thought nagkakandarapa na naman sakanya ang mga fangirls nya."
Hala? Bakit biglang hiningal ako bigla? Napagod? Or i might say, KINAKABAHAN NA TALAGA!
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Roman pour AdolescentsWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...