61.Her Decision

90 0 0
                                    

Kiezer's Point Of View

Napansin ko ang kanina pa pag-iwas ng tingin ni Ellie.

Kanina,nung nagsuswimming kami,agad s'yang umahon at may kinausap s'ya. Nakita ko ang pagtulo ng luha n'ya.

May problema talaga s'ya. Ayoko ng ganito. Hindi pwedeng ganito.

"Ells,can we talk?" Tanong ko,tiningnan n'ya ang mga kasama namin na nagkukwentuhan.

Tumango s'ya ng bahagya.

Pumunta kami sa buhanginan at umupo doon.

Walang nagsalita saamin ng ilang minuto,pagkatapos ay nakita ko ang pagtulo ng luha n'ya.

D*mnit! Ano ba talagang problema? Ayokong nakikita syang ganito.

"Ellie please,tell me..anong problema? Ayoko ng ganito!" Sabi ko at hinawakan ang braso nya. She's still staring at me with her wet eyes.

"K-Kiezer...I-I am so-sorry.." sabi n'ya at pinipigilan n'ya ang paghagulgol nya.

Hindi ko alam ang problema n'ya,kung bakit sya nagsosorry,pero nang makita ko s'ya ng ganito..

Iisa lang ang naisip ko,

Niyakap ko s'ya ng mahigpit. With that move,humagulgol na s'ya sa iyak.

"Ellie please,mababaliw ako sa kaiisip kung anong problema! Sabihin mo na.." sabi ko.

She looked at me,and look at the sea.

Yumuko s'ya at bumuntong-hininga.

"I'm going to leave this country."

Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti ng fake.

"Joke 'yan diba?" Sabi ko at pilit na inaalis ang sakit na nararamdaman ko,

She look at me,

"H-hindi ako nagbibiro,"

"At sa tingin mo papayag ako?"

"Kiezer,ang ate ko at ang tita ko ang nagdesisyon nito. Forgive me,pero wala na akong magagawa. It's for the future-"

"Future?! Sheteng future 'yan! Kaya kitang bigyan ng future na masaya,hindi mo kailangang lumayo." Puno ng lakas ng loob na sabi ko,

"That is not the point!" Sigaw n'ya.

Umiling ako,

"So what's it?"

"Ipapakasal ako sa iba."

Alam n'yo 'yung feeling na sinakluban ka ng langit at lupa?
'Yung parang wala ka ng ibang mailuwang salita? And ang worst..'yung s'ya mismo..s'ya mismo ang nagsabi sa'yo..dahil parang pumapayag s'ya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,ayokong makita n'ya na nasasaktan ako. Pero maitatago ko ba?

Alam ko may ibang dahilan,Ellie won't ever agree with this kung walang magandang rason.

Humarap ako sakanya,nakikita ko ang sakit at awa?huh,awa..na nararamdaman n'ya.

Linakasan ko ang loob ko na magsalita.

"Is that your final decision? Pumapayag ka ba?" I asked her,coldly.

Napapikit s'ya..

"Wala akong ibang choice,kaya ko--"

"No,answer me your decision. Wala akong sinabing,explain..just.....just answer me!" May pagkadiin kong sabi.

Tuloy tuloy ang luha nya ng marinig nya saakin 'yun,at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

She sighed.

"Pumapayag ako."

So then,she said it. Pero..hindi maiwasan mga lintek kong luha na bumagsak,napayuko ako.

"So,s-sino ang lucky f-fiancè mo?" Puno ng sarcasm na sabi ko kahit na pumapatak parin ang mga luha ko,

She look at me,

"K-kiezer..p-please d-don't do this! N-nasasaktan ako."

"Ahh...so ako hindi gano'n?! Alam mo ba 'yung sakit ngayon sa puso ko?,'yung parang ilang salita mo nalang..tuluyan ng mabibiyak?! Sh*t lang kasi,..kasi di mo nagawang ibsan! I've waited for you,fight for you,pero..eto?! " pinigilan ko ang sarili ko,dahil ayoko na syang pagsalitaan.

Besides,si Klhea ang nag-utos sa kanya

"Nararamdaman ko Kiezer,at mas sobra pa sa sakit sa puso mo ang nararamdaman ko! Kasi ikaw? Isa lang ang mawawala sa'yo! Samantalang ako?...lahat! Iiwan ko...para lang sa dati kong buhay,iiwan ko kayo ngayon...pero babalikan ko kayo...babalik ako,kapag ka ayos na..kapag ka hindi na ako si Ellie na nakalimot,kundi si Kellie na minahal mo..noon pa man."

"Pero mawawala ang Ellie na naging kaibigan at kapatid namin," liningon namin ni Ellie ang nagsalita.

"J-Jan? P-Pau?" Naiiyak na sabi ni Ellie.

"Ells naman eh! Bakit ganon? Parang gusto mo na kaming iwan,parang ayaw mo na samin. Anong ginawa namin Ells? Bakit ganyan?" Naiiyak na tanong ni Janna.

Nag-iwas ng tingin si Ellie,

"Wala kayong kasalanan,ginagawa ko lang 'to..para sa mga magulang ko."

"Pero kami? Buhay kami Ellie! Buhay na buhay! Kasama mo! Pero...parang mas inintindi mo 'yung yaman mo,-"

Nagshock si Janna ng masampal sya ni Ellie,kahit ako din..maski si Pau,

"So 'yun? Yun ang tingin mo saakin?! Ganoon ang tingin nyo sa desisyon na napilitan ako? Hindi ba kayo makakapaghintay? Or tell me...baka,gusto nyo lang talaga na suwayin ko ang ate ko? Kasi hindi ko 'yun magagawa. Mahal ko kayo,but at the same time..wala akong pinipili. Kung iintindihin n'yo...makikita nyo eh. Kasi babalikan ko naman kayo eh,hindi ko naman kayo iiwan forever. Kaya please,..huwag kayong ganyan,mahal ko kayo..kaya kahit kailan,hindi ko pipiliin ang yaman,sa kaibigan. Pinili ko ang desisyon na kahit matagal kung hintayin,atleast..alam mong may babalikan pa din."

Napaisip ako,

Mali,maling nagalit ako kay Ellie. She have made a right decision.

**

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon