12. True BestFriends

195 4 3
                                    

Ellie's POV

"Anong totoo?" Biglang tanong ni tita karol.

Nagulat kami.

"Ah. Y-yung t-totoo na. Na girlfriend ni Kiezer si Ellie. Oo. Tama." Sabi ni ate ni Kiezer.

Ha? Bakit yun? Sa dinami dami ng dahilan ang pagiging girlfriend ko pa sa kabayong yun ang sinabi nya? Hayst.

Nagtinginan kami ni Steven at humarap sa nanay ni Kiezer,na malapad na nakangiti.

"Totoo ba yan?! Kaya pala. Ikaw naman ija. 'Wag ka ng mahiya. Tutal girlfriend ka pala ng bunso ko. Naku. Masaya ako kasi,ang totoo ikaw ang gusto ko para sa anak ko. Mabait,maganda at matalino. Yun lang sapat na." Sabi pa na nagigiliwan sa paghawi ng buhok ko ang mama ng kabayong yun.

Paano na 'to?

"Ehehe. Napangunahan lang po ng takot" sabi ko nalang. Dahil tiningan ako ni ate kaycee at parang sinasabing makisakay ka nalang . Hay bwisit. Bakit ko pinasok 'to?

"Ah,ma. Bukas nalang 'yan. May pasok pa ang mga bata. Baka mapuyat sila. Sige na Steven,Ellie. Uwi na kayo" pagtataboy ni Ate kaycee.

Umalis na kami.

Nakahinga ako ng maluwag. Agad kaming tumakbo ni Steven sa bahay.

"Ellie."

"Hmm?"

"Thank you"

"For what?"

"For everything."

"Tsk. Diba dapat ako nagsasabi nyan?"

Hindi sya sumagot. Inalis nya ang sapatos nya at umupo sa gilid ng swimming pool.

Ganon din ang ginawa ko.

"Sorry." Mahinang sabi nya.

Nagtataka na talaga ako dito kay Steven.

"Sorry kasi nadamay ka. Nadamay ka sa mga plano ni Kiezer dahil pinilit kita. Alam kong ikaw ang taong ayaw magsinungaling. Pero dahil saakin nagawa mo. Sorry. Dapat di na lang ikaw." Sabi nya at diretso ang tingin nya saakin.

Napangiti ako..

"Ayos lang....gagawin ko kasi lahat....para sa'yo" sabi ko. Pero syempre mahina lang ang mga huli kong salita.

"Huh? Ano 'yon?" Nagtatakang tanong nya.

"Ang sabi ko ayos lang kasi kaibigan naman kita. Pati si Kiezer,ngayon,kaibigan ko na rin" sabi ko.

Pero ang totoo. Kahit nahihirapan ako. Ginagawa ko,para kay Steven. Only for him.

I Love him that I'm willing to sucrifice.

I love him that i will do everything that makes him happy. I love him that kahit nakapagsinungaling ako ginagawa ko parin,para sakanya.

Si Steven,mahal ko sya. Pero sa tingin ko,hanggang sa ako nalang ang magmamahal,at hindi nya magagawang masuklian 'yun.

"Thank you talaga. Basta kung ayaw mo na,just tell it to me,sasabihin ko na kay Kiezer na itigil 'to,at kahit pa sabihin ko lahat ng totoo sakanila,pati ng pagiging magkababata nating dalawa."sabi nya ng seryoso.

Lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko pero,bawat magbibitaw ng sweet na salita saakin si Steven,bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Pangako." Sabi ko. Niyakap nya ako kaya niyakap ko rin sya.

"I'm comfortable when I'm with you" sabi ko.

Lalo nyang hinigpitan ang yakap nya.

***

"Totoo? Nagpunta kayo sa bahay nila Kiezer ? So? Hindi natuloy ang date nyo?" Biglang sigaw ni Janna.

Haysss. Isisigaw pa talaga?

"Manahimik ka." Sabi ko.

"Okay." Sabi nya at tumahimik.

Kaibigan ko sila. Mahal ko sila. Kaya sasabihin ko lahat ng katotohanan sa kanila. Kahit ano pang isipin nila,o maging reaksyon. Sasabihin ko na.

"Pau,Janna" tawag ko sa atensyon nila.

Napatingin naman sila saakin.

"May sasabihin ako,tara sa garden."

Sumunod naman sila.

"Anong sasabihin mo?" Sabay pa silang nagtanong.

"About my life"

"Ellie,nasabi mo na ang lahat saamin tungkol sa buhay m--"

"Not all,sorry. Sorry kung ngayon ko lang sasabihin 'to,napangunahan ako ng takot." Sabi ko

Nagkunot-noo sila.

"Ano? Sabihin mo na nga" pagpipilit ni Janna.

"Janna,pwede patapusin mo sya" sabi naman ni Pau.

Tumingin sila saakin.

Huminga ako ng malalim.

"Si Steven,kaibigan ko,simula bata. Nakatira kami sakanila,ang nanay ko katulong sakanila,ang tatay ko driver slash hardinero din nila. Ako minsan ang personal na nag-aayos sa kailangan ni Steven,pero hindi kami nakatira sa iisang bubong,may maliit na bahay silang pinagawa sa likod ng mansyon nila para dun kami tumira ng pamilya ko. Ayokong sabihin 'to kasi baka maturn-off kayo kay Steven,at baka malaman nila na kaibigan ko sya. Cheap ako at sikat sya. Mahirap ako at mayaman sya. Yan ang iisipin ng iba kaya napili kong manahimik. " sabi ko .

Pero tulala sila. Ilang minuto lang nagsimula ng dumaldal si Janna

"Ellie,tanggap ka namin,kaibigan ka namin,don't say sorry kasi ayos lang" sabi nya.

"Mas nagtiwala kami ngayon sayo kasi iniintindi mo ang magiging reaksyon namin,at sigurado akong sinabi mo 'yan kahit mahirap para lang mapatunayan mong kaibigan mo kami. Ellie,kahit ano pa 'yan,andito lang kami ni janna para sayo. Pangako" sabi ni Pau.

Napaiyak ako na dahilan ng pagyakap nila saakin. Laking salamat ko at naintindihan nila ako. Tunay sila. Mahal ko sila,at hindi ako nagsisi doon.

Sinabi ko narin sakanila ang mga totoong nangyari kagabi. Lahat na. And simula ngayon,sasabihin ko na sakanila,para naman di ko maramdaman na ako lang ang nagsosolo sa mga problema...

Mga kaibigan,sila lagi silang andyan.....

......

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon