27. Mr&Ms Intrams

161 4 0
                                    

Ellie's POV

Nakakalungkot,aamin ko. Pero,paano na lang kung ito talaga ang buhay na para saakin? Na.. hindi ako ang tunay na anak ng mga kinilala kong magulang. Naguguilty ako,kasi di ko magawang kausapin o tingnan man lang ang mga magulang ko,mga kinilala kong magulang.

Ano bang kinagagalit ko?
Yung hindi nila pagsabi ng totoo? O yung.. katotohanan na,hindi nila ako anak? Pareho.

Tsk. Bakit ba kasi ganito ang nangyari saakin? Lalo pa ngayong umalis si Steven,lalong humirap ang sitwasyon. Tapos,ang sabi pa ni Kiezer,kilala ko sya noon,kaya ba..

"Ms.Abueva? Are you listening?"

Napalingon ako sa teacher ko na kanina pa pala nagsasalita.

"Y-yes M-ma'am."

Nagbuntong hininga sya.

"Okay. Then focus and listen carefully,after this. We will have a quiz"

Ilang sandali palang,kinalabit na ako ni Janna.

Napalingon ako sakanya.

"Ano,ay mali, sino bang iniisip mo?"

Inirapan ko sya at humarap sa teacher namin.

"Wala,makinig ka nalang"

"Pwes! Ayun oh!,yung isa dun!" Tiningnan ko ang tinuturo nya. Nagtama ang paningin namin ni Matt nang tingnan ko sya.

Umiwas din ako agad ng tingin at sinamaan ng tingin si Janna.

"Kung kaso lang ang pagnakaw ng tingin,malamang matagal ng nakakulong 'yan."

"Sira. Makinig ka nalang!."

**

Lunchbreak. Nakatulala lang ako dito sa may rooftop habang yung mga kasama ko nasa canteen.

Nakaupo at pilit inaalis sa isip ko ang mga nangyari nung mga nakaraang araw.

Umamin sina mama at papa na hindi ako ang tunay nilang anak,pati narin ang nakaraan ko. Si Steven na umamin na may nararamdaman daw sakin. Tapos ang biglang pagdating ni Kiezer sa bahay nina Steven,at nalaman na magkasama kami sa bahay ni Steven,kasabay ng pagsabi nya ng totoo na sya ang past love ko. Tapos ang kahapon na pag-alis ni Steven papuntang New York.

Ano pa kayang problema?
Sawang-sawa na ako.

Napapikit at napayuko nalang ako,pero walang anumang luha ang lumabas o tumulo galing sa mga mata ko. Naubusan na ata ako ng suply ng tubig sa katawan,kaya wala na akong luha na mailabas. Mas ayos na yun.

Napalingon ako sa may likuran ko ng may marinig akong umubo.

Umiwas lang ako ng tingin ng makita ko sya. Bakit ko ba sya sisisihin,e sya na mismo nagsabi na ang dating Ellie at Kiezer mahilig sa rooftop pumunta.

Umupo sya sa tabi ko pero di ko sya nililingunan. Nagbuntong hininga sya.

"Galit ka?"

Natahimik na uli ang lugar pagkatapos ng pagsasalita nyang yun.

Nabasag ang katahimikan ng sumagot ako,"May karapatan ba ako?" I sarcastically said.

"Yes," diretso nyang sagot.

Natahimik na naman kami ulit.
Ang dami kong tanong sakanya,pero parang ayaw kong itanong,kasi baka akalain nya,na gusto kong buksan ang nangyari dati.

"Itanong mo na." Napalingon ako sa sinabi nya.

"Psychology ba kinuha mo?" Natawa sya sa tanong ko. I raised my one eyebrow,that made him stop.

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon