Steven's POV
"Steve! Anak tara na! Paki-tulungan sina Manong Elgardo dun sa baba!" Sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
Lilipat na kami ngayon ng bahay,sa Rusita Sub. Malapit kina Kiezer,pero di pa ako sigurado ang eksaktong address.
"Opo. Susunod na" sigaw ko at kinuha na ang mga gamit ko saka bumaba.
"Oh? Ellie? Bakit mo binubuhat yan? Ako nalang" sabi ko pagkakita ko kay Ellie na buhat ang malaking bag ni Dad.
"Ija,ikaw ah. Wala naman akong sinabi na buhatin mo ang gamit ko. Ikaw talaga. Ako na dyan. Kunin mo na ang gamit mo" sabi ni Dad at binuhat na ang gamit nya.
"Tss. Ikaw kase e" sabi ko at pailing-iling pang kinuha ang buhat na bag ni Ellie.
"Steven,kaya ko naman dalhin yan" sabi pa nya.
"Ellie,shut up" sabi ko ng nakangisi. Tumigil nalang sya.
"Hays. Mahal na mahal ka talaga ng best friend mo anak. " sabi ni Manang Josie kay Ellie.
Talagang mahal na mahal.
"Tara na nga ma." Sabi ni Ellie at lumabas na.
Nagbyahe na kami.
Pagkadating namin,bumulaga sa akin ang napakalaking bahay,maganda at comfortable sa paningin. 3 floors. Pagpasok mo,kitang kita agad ang maaliwalas na swimming area. At ang mga mesa at upuan na nakaarrange. Pagkapasok ng mga gamit namin sa kwarto namin,agad kong tiningnan ang likod bahay,sinadya nina Mom and Dad na may sariling bahay sa likod ng mansyon sina Ellie,minsan kasi nahihiya na sina Mang Elgardo at Manang Josie saamin, kahit na anong sabihin ni mama na huwag mahiya,syempre tao rin sila at isang pamilya kaya gusto nila na kahit umuwi sila sa upahan,pero dahil ayaw ng parents ko na umalis sina Ellie,kaya palaging may maliit silang bahay sa likod ng mansyon. Maganda ang bahay na titirhan nina Ellie,hindi na sya gano'ng masikip at maliit. Komportable sa paningin at maaliwalas ang paligid. May garden pa sa tabi ng bahay nila.
Pumasok ako dun sa garden at kumpleto lahat ng bulaklak at halaman na andoon,pati ang paborito ni Ellie na orchids. Napangiti ako at umupo sa may bench at tinitigan ang mga orchids
"Seems like nakikipagkaibigan ka sa mga bulaklak."
"Huh? Sira ka talaga Ellie,natutuwa lang ako dahil ang sisigla nilang tingnan. Tsaka tingnan mo 'yun" sabay turo ko sa orchids
"Hmmm. Ang ganda nila." Sabi nya at nilapitan ang mga orchids.
"Parang ikaw" mahinang sabi ko.
"Huh? Anong sabi mo?" Nagtatakang tanong nya.
"Kasing ganda mo ang mga orchids" sabi ko habang nangiti.
"Tsk. Niloloko mo ko. Alam mo namang cheap at pangi--" tinakpan ko ang bibig nya.
"Sssh. Ayokong naririnig sayo 'yan,Clear?" Sabi ko.
Nakita ko ang pag-irap nya
Binitawan ko sya at piningot at ilong nya.
"Ang Cuteeeeee moooo" sabi ko.
Namula naman sya.
"Ang sakit lang ah. Ano bang problema mo sa ilong ko? Lagi mo nalang inaano. Kainis ka!" Pagtataray nya.
"Tss. Maganda kasi ang ilong mo" sabi ko
"Teka? STEVEN JAMES? ano ba ang kailangan mo at maganda ang lagi mong sinasabi saakin.?" Nakapamewang na tanong nya.
Napangiti ako.
"Wala. Nagsasabi lang ako ng totoo" sabi ko
"Oh? Ellie? Steven,andito lang pala kayo,kanina pa namin kayo hinahanap,kumain na raw " sabi ni Tita Josie
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Teen FictionWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...