20. Jayron & Janna(prt. I)

178 4 0
                                    

Ellie's POV

Three days. 3 days na akong iniiwasan ni Kiezer,nagpapractice kami para sa sayaw,pero hindi man lang kami nag-uusap. Tumanggi din sya na kami ang partner. Kaya naging partner ko si Mathew. Nagdadag sila ng isa pang babae. Pero di pa sya nagpapakilala at hindi pa namin sya nakikita. Kasi si Kiezer lang naman ang nag-suggest nun. Bale, eleven na kami. Sina Ayesha at Kyle kasi ang nasali.

Pati narin sa mga lunch naming magkakaibigan di na sya kasama. At ang idadahilan nya,may gagawin daw sya. Tsaka pag tinatanong sya nina Steven kung sino kasama nya isasagot nya puro 'Si Klhea' sino ba ang Klheang yun? At sabi rin nya yun din daw ang makakasama namin.

Napapansin ko ang pag-iwas nya sakin magmula nung,sabihin nya na itigil na namin yung pagpapanggap,at magmula nung banggitin ko sakanya ang mga batang babae at lalaki na nagfaflashed sa utak ko. Nakakainis man pero di ko talaga alam kung bakit ko nararamdaman 'to. Bakit imbis na masaya ako dahil walang 'Kiezer' ang umaaligid at lagi kong nakikita,ay nalulungkot pa ako. Hindi ko alam kung bakit pag naiisip ko sya minsan,naiiyak na lang ako. Magulo ang sigaw ng puso ko,lalo ng utak ko,feeling ko ang talino kong bobo. Pero wala naman nun e. Ang hirap lang hanapin ng ibanh parte ng utak ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at nagkakaganito ako.

"So ano na? Lunch?" Tanong ni Mathew. Nagpapractice kasi kami ngayon kina Jayron.

"Ah,pass muna ako. Mamaya nalang ulit bye!"

'Yan lang naman ang araw-araw na naririnig namin kay Kiezer.

Laging 'pass' kita mamaya. Pero di naman dadating. Ang nakakapagtaka pa,bawat sabihin nya yun,lagi nya akong tinitingnan. Di ko malaman kung bakit sya ganyan.

"Kay Klhea ka pupunta?" Tanong ni Francis na tinanguan naman ni Kiezer. Saka umalis na sya.

Sanay na ako dyan.

Dapat bang masanay?

Tss.

"Ano? Tara tayo nalang?" Tanong ni ulit ni Mathew.

"Ayesha,sabay tayo?" Sabi ni Jayron.

"Geh ba." Tango ni Ayesha.

Nagtataka narin ako sa dalawang yan,actually tatlo.

"Diba nga tayo? Tayong lahat? Kaya wag muna syang tanungin!" Naiinis na sabi ni Janna.

Ayan. Yang tatlong yan. Kita naman kasi na naiinis si Janna kay Jayron,pero bakit sa tuwing magkasama at nagiging sweet si Jayron kay Ayesha,nagagalit si Janna?,tsaka si Ayesha at Jayron kasi ang magpartner,nakakapagtaka rin kasi laging pinagdidiskatahan ni Janna sina Ayesha at Jayron. Yung truth? May gusto ba 'to kay Jayron kaya sya nagseselos?

Hayst.

"Pake mo?,kami nga lang dalawa e. KAMI LANG!" sigaw ni Jayron,nakita ko si Janna na umirap.

"Edi kayo lang!" Sigaw naman ni Janna.

Lumabas si Janna.

Narinig ko ang pagpasinghot nya nung dinaanan nya ako kaya nacurious ako at sinundan na sya.

Nakita ko syang nakaupo sa may garden. Hawak hawak nya si Jeys,ang puppy nina Jayron.

Nakita ko ang luha nya. Nagtago ako at naglakas loob pakinggan sya.

"Bakit ganon Jeys? Diba di ko sya gusto? Bakit ako nasasaktan 'pag sweet at magkasama sila ng lintik na Ayesha na 'yun? Mali ba ko?*sniff* Tama ba ang nararamdaman ko?*sniff* A-ayoko ng ganto"

So? Nasasaktan nga sya?

Lumapit ako sakanya,

"Ang dahilan ay mahal mo sya."

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon