Janna's POV
Naguguluhan na ako,anong sabi nya kanina? Mahal kita.
Pero baka,nagkamali lang ako. Assume lang ata yun. Hindi ko kasama si Charles ngayon kasi sinabi nya na sa susunod nalang daw dahil biglang may tumawag sakanya. Pumayag ako. Nasa Bahay na ako nung muling tumawag si Jayron at nasabi ang mga salitang yun.Iyak lang ako ng iyak ng dumating dito sina Ellie at Pau.
"Kaya mo yan."
"Sabihin mo na kasi ang totoo,para di ka na nasasaktan"
"Nandito lang kami para sayo e."
Kanina pa sila comfort ng comfort sakin,buti na nga lang at nandito sila e. May makakasama ako sa pag-iyak ko.
"Masakit kasi. Ngayon ko lang naramdaman 'to,ang dating palaban na warfreak,nawala dahil sa kanya. Pero ganto lang pala ang kinalabasan. Kung bakit ko pa kasi sya minahal"
"There's no wrong falling in love. Kaya lang,masakit kapag walang sumalo sa'yo. Masakit yun e,kasi malalim pa ang pinaghulugan mo."
"Pero kapag umiyak at umiwas ka lang kasi,walang mangyayari. Kailangan ipakita mo na nagawa mo ang parte mo sa nararamdaman mo,ang umamin. Hindi kasi porque sya ang lalaki,sya ang aamin,may karapatan din tayong babae para umamin."
"Alam ko naman 'yun. Pero...."
Pinutol ni Ellie anv sasabihin ko..
"Natatakot ka?"
Tumango ako.
"Ganyan naman talaga Jan,pero kailangan. Kailangan mong gawin kahit natatakot ka. Face your Fears"
Nabuhayan ako sa sinabi ni Ellie.
Niyakap lang nila ako.
***
Nagkakailangan kami ni Jayron ngayon. Magkasama man kami,parang nawala bigla ang barahan,bangayan at sakitan. Nandito kasi si Ayesha.
"Hi."
Napalingon kami sa lalaking nag-hi
Nanlaki ang mata naming tatlo ni Ellie at Pau.
"CHARLES?!" sabay sabay na sigaw namin.
Nagsmile ng pagkalawak lawak si Charles.
Napayakap ako sakanya. Ang tagal ko na syang di na kita.
"Hey." Sabi nya habang nakayakap ako. Naramdaman ko ang pagyakap din nya saakin.
"Ehem" bumitaw na ako sa narinig kong yun kay Jayron.
Tiningan ko sya at nakatingin sya ng masama kay Charles.
"Ah,sya nga pala si Charles...."
"Manliligaw mo?" Tanong ni Jayron.
Natahimik ako. Anong sinasabi nya?
"Tsk. Manliligaw mo pala,pero kung makayakap ka kala mo naman boyfriend mo na."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Anong problema mo?!" Sigaw ko.
"Ikaw"
"Huh?"
Hinila nya ako.
Nakita ko nalang na sa likod ng building II nya ako dinala.
"Ikaw. Oo ikaw ang problema ko!,kasi ang manhid mo!"
Parang nabaon sa lupa ang mga paa ko at nastapler ang bibig ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/82242164-288-k999938.jpg)
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Teen FictionWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...