Kiezer's POVTwo days. Two days na magsimula nung mahimatay si Ellie,dalawang araw narin syang nasa ospital. Di ako makapunta sa ospital,kasi baka makita ako ng magulang nya. Baka,akalain nila na totoo akong boyfriend ni Ellie,magalit pa si Ellie sa'kin.
Concern ako sakanya? Oo. Sobra.
May dahilan ako,pero hindi ngayon ang panahon para sabihin sakanya 'yun.
Bakit ko pa kasi nalaman?
Bakit sya napunta sa pamilya nya ngayon?
Hindi dapat sya nabubuhay sa kasinungalingan.Ititigil ko na ang pagpapanggap ko-namin. Ayoko ng masaktan pa sya. Masyado syang importante sakin para mawala nanaman. Ulit.
Hindi ko na ulit kakayanin.
Oo magulo,pero maiintindihan din nyo.
"Kiezer? Bakit malungkot ang anak ko?"
Tiningnan ko si Mama.
Tumabi sya saakin.
"Siguro,nagbreak na kayo ni Ellie ano?"
Umiling ako.
Dapat ko naring sabihin sakanya. Mali ang nagsisinungaling kami.
"Ma,hindi kami nagbreak ni Ellie,dahil wala namang kami"
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin saakin ni mama,kaya tiningnan ko sya,nakakunot noo.
"Huh?"
"Ma,it was all fake." Sabi ko ng nakatingin sa mata nya.
Nakita ko na confuse na confuse si mama.
Alam kong mahirap intindihan para sa iba. Pero kailangan nilang intindihin,kasi baka lumala pa.
"Anong kalokohan ang ginawa mo Kiezer?!" Sigaw ni mama.
"We were in a fake relationship,but...i am going to stop that." Sabi ko pa.
Napatayo na si Mama.
"I like Ellie for you. At nakikita ko na mahal mo sya."
Napatingin ako kay mama.
"Mahal mo sya. Ayaw mo lang sabihin,anak,nanay mo ko. Kaya alam ko ang nararamdaman mo. Pwede kang magsabi,pasasaan pa't naging pamilya tayo? Tsaka,andito kami,ng ate,kuya at papa mo,pati na ang mga kaibigan mo."
Niyakap ako ni mama. Sumikip lang ang dibdib ko.
Bakit parang basa ang pisngi ko? Ano 'to?luha ba 'to? Hindi. Hindi naman ako umiiyak e. Pero...luha nga.
Napansin ata ni mama kaya pinunasan nya.
"Don't cry. Maiintindihan nya."
Tsaka na ako iniwan ni mama.
Masakit na malaman kong,si Ellie,ay si Kellie. Sya si Kelay. Ang babaeng minahal ko,mahal ko. I love her.
Oo.
Four years before,
Nawala ang babaeng mahal na mahal ko.
Ang babaeng inakala kong pakakasalan ko na.
Dahil sa isang trahedyang nagpabago sa lahat. Trahedyang naging dahilan para maghiwalay kami.
Before that. Mahal namin ang isa't isa. We were deadly inlove with each other,we knew na bata pa kami noon,pero alam namin na para na talaga kami sa isa't isa.
We were so happy to each other. Masaya na hindi na namin kayang maghiwalay pa.
But,the day came by.
Nagbakasyon sya kasama ang pamilya nya pa-Cebu. Kasama ang totoong pamilya nya.
Alam kong para sakanya naman ang makasama ang pamilya nya kahit dalawang linggo lang. Pinayagan ko sya kasi di naman namin kayang pigilan ang pamilya nya.
Patungo na sila sa cebu,ng mag-crash ang eroplanong sinasakyan nya. Napakasakit. Sobra. Halos manlumo ako ng mabalitaan ko 'yun. Hindi ko kinaya ang nangyari. Gusto ko syang makita that time,pero ang sabi nila,wala daw sya. Naging maginhawa ang pakiramdam ko ng malaman kong ligtas sya. Pero,may nakakuha daw sakanya,nabalitaan ko ring,nawalan sya ng memorya. Napakasakit. Unang inisip ko,nawala lahat ng memorya nyang magkasama kami lahat na.
Nasagi pa sa utak ko,na,na baka pati ang pagmamahal nya nawala narin,hinanap ko sya,kung saan saan,sa Cebu,sa Visayas kahit saan,halos maikot ko na ang buong Pilipinas,pero walang Kelay.
Simula non. Nagbago ako,masungit na,babaero,at hindi ko na naranasang magmahal ulit.
Dumating naman si Bernise,kaibigan ko lang sya. Ang akala ko mapapalitan na nya si Kellie,pero di pa pala. Naging kami after years,pero hiniwalayan ko sya kasi may balita akong natanggap na,naandito daw si Kelay. Pinalabas ko na may gusto ako sa ibang babae para layuan ako ni Bernise,pero di nya ako tinantanan,kaya napalipat ako sa East Jade.
Kaya lang,ganun parin,bumalik ako,nakilala ko si Ellie,ginamit ko sya bilang fake girlfriend para tigilan na ni Bernise ang mga kalokohan nya,pero fail.
Mga linggo ang nagdaan ng malaman kong si Ellie,ay si Kelay.Dahil sa palatandaan namin,palatandaan namin sa likuran malapit sa batok nya.
Nagpa-tattoo kami dati,yung walang masyadong chemical.
Tattoo na nakasulat na,
K♥K
Hindi ko alam kung nakita na nya yun. Pero ako rin ay may tattoo na ganon sa likuran malapit sa batok ko.
Kami lang dalawa ang may magkaparehong tattoo na ganon.
At baka dahil sa amnesia nya kaya madalas syang mahimatay at sumakit ang ulo,dati normal lang daw,pero bakit ngayon umabot na sya ng dalawang araw sa ospital?
"Kiezer!"
Nilingon ko si Steven.
"O?"
"Hindi mo ba sya bibisitahin?"
Umiwas ako ng tingin.
"Baka ano pang sabihin ng magulang nya"
"Mababait sila,maiintindihan nila yan." Nilingon ko ulit si Steven. Tumango naman sya.
Baka tama sya,puntahan ko na si Ellie,kasi halos mabaliw ako dito.
Para malaman ko narin kung sino ang kinikilalang magulang ni Ellie ngayon.
Agad akong tumayo.
Tinapik si Steven sa likod nya at tumango.
Umakyat ako para magbihis.
No tragedies will end our love for each other,this tattoo,signifies our Love,Kiezer,wherever we are.
Ang pangakong 'yun. Yun ang panghahawakan ko.
Wait for me Ellie.
...............
Short update. Para lang po kasi maintindihan nyo ng maigi ang story.
Tuloy tuloy na update na ako.
Lovelots.♥
![](https://img.wattpad.com/cover/82242164-288-k999938.jpg)
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Fiksi RemajaWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...