Kiezer's POV
Pinilit kong hindi umiyak habang sinasabi ang lahat sakanya,pero takte?! Hindi ko mapigilan...nasabi ko narin naman,paninindigan ko na.
"We thought,na..Oo nga't naampon ka ng mag-asawang 'yun,na kinilala mong mga magulang mo,pero..sapat bang dahilan 'yun to prove us na.. na you're still alive?. Pinilit namin, ginawa namin lahat mahanap kalang. Pero.."
"Pero sumuko kayo. Kaya ayan,hindi nyo alam,na yung taong hinahanap nyo,napakalapit lang pala."
Tiningan ko s'ya,may luha narin s'ya. Parang tuloy,nawawasak na ang puso ko. Iyak palang na galing sakanya,hindi ko na kaya,paano pa kaya,kung..sumuko na s'ya?
"Wala ako sa posisyon,pero..paano nalang kung,hindi nyo nakuha ang balita na andito pala ako? Paano nalang? Edi mabubuhay ako na walang alam sa tunay na buhay ko?.." hinawakan ko s'ya para naman mabawasan ang iyak nya.
"No,kasi si Steven,mahal ka nya. Oo siguro nga nagawa nyang magsinungaling sa'yo,pero sa tingin mo,hindi nya sasabihin sayo ang totoo? Pati ang magulang mo,mahal ka nila kahit hindi ka nila tunay na anak. Those people around you,loves you that much kaya nagawa nila 'yung pagsisinungaling na 'yun. Kahit..ako.." napaiwas sya ng tingin.
Ganto ba sya katigas?
"Ellie..sabihin mo lang. Kung wala na talaga,pwede naman akong lumayo na."
Yumuko sya,
Katahimikan ang bumalot sa Lugar. Ilang minuto pa,ay nagsalita na sya.
"Kiezer,.."
Pinutol nya muna ang sasabihin nya at nagbuntong hininga.
"Ayoko."
Isang salita lang ang sinabi nya pero ang lakas ng impact at napatayo pa ako.
"A-yoko na..."
Nagtaas ako ng kilay. Diretsyo nya akong tiningnan,
"Ayoko nang magsinungaling sa puso ko,..mahal kita. Kahit na hindi ko pa alam na 'oo' ang sagot ng utak ko,pero mahal kita e. Ilang beses kong pinilit sa sarili ko na,hindi kita mahal,pero..Ano pa bang magagawa ko? Natatakot lang kasi ako..."
Halos lumukso ang puso ko,pero bakit natatakot sya?
"Natatakot ako na,na baka..."
"Na baka, ano?"tanong ko.
"Nevermind."
Ang gulo naman! Pero ayos narin. Mahal nya ako? Parang mapa- Ellie,Kelay at Kellie man sya,pilit nagdidikit ang puso namin,bakal nga ang sakanya,pero magnet naman ang puso ko,kaya kahit ayaw nya,sa puso ko parin sya nararapat manatili.
Napangiti ako ng malawak at automatic akong napayakap sa kanya.
"Thank you."
"For?"
"Kasi..sinunod mo na ang puso mo,pero..wag mong kalimutan ang isip mo. Kasi dyan ako unang pumasok sayo."
Pinalo nya pa ako atsaka tumawa.
"Siraulo." Natawa narin lang ako sa naging reaksyon nya.
Pero? Ganito nalang ba kami?
Syempre hindi pwede."Liligawan kita."
"Nagtatanong kaba?" Nakataas pa ang kilay nya. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag matawa,kasi baka akalain nya nag-jojoke ako. Masira pa ang plano.
"Hindi. Sinasabi ko lang,para naman mainform ka. Baka kasi ako lang may alam"
"Sarcastic ba 'yun?"
Nakakatawa talaga sya. Kaya mahal ko e.
Hindi ko mapigilang hindi matawa,sya naman panay irap,na mas ikinatatawa ko.
"Anong nakakatawa?"
Natawa na naman ako,nanahimik lang sya at parang hinihintay akong mahimasmasan.
Ilang minuto lang,nagsalita ako.
"Tanong ka kasi ng tanong. Totoo lahat ng sinabi ko 'no! Tsaka...liligawan kita,hindi ko tinatanong kasi iniinform kita,hindi sarcastic 'yung sagot ko kanina,kasi 'yun naman talaga ang totoo. Nakakatawa,kasi ikaw parang wala kang ka-idi-idea."
Nagtaas pa sya ng kilay,at hinihintay mag-sink-in sa utak nya ang mga sinabi ko.
Ilang minuto palang umiwas na sya ng tingin.
"Usually,nagtatanong ang lalaki sa babae kung papayag 'yung nililigawan,na magpaligaw." Napangiti ako sa sinabi nya.
"Ah,so.. kailangan tinatanong pala kita?"
Tiningnan nya ako ng masama.
"Syempre,hindi lang ikaw ang papasok sa ligawang 'to,kaya dapat dalawa tayong magdesisyon."
She never fail to make me smile.
"Hindi na kita tinanong kasi,ayokong sumagot ka ng 'hindi pwede' kasi ayaw kong magsinungaling ka" at dahil don,irap na naman ang natanggap ko.
"Hmm! Sige na,kahit di mo ko tinanong,Oo nalang"
"Oo? Tayo na?"
"Baliw ka! Ligaw palang yung pinag-uusapan kailangan tayo na agad?"
Natawa pa ako sa sinabi nya.
"Pero..maghihintay ka pa ng maraming panahon para sagutin kita" sabi nya.
"Handa akong maghintay. Kung ikaw lang ang hihintayin,why not?"
Napangiti sya. Kaya napangiti narin ako.
Nakakahawa ang mga ngiti nya.
****
Short update. Sorry.
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Ficção AdolescenteWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...