42.TeenBar

117 4 0
                                    

Kiezer's Point Of View

Hindi ko maintindihan si Steven! Bakit ganon? Akala ko ba ayos na? Tapos bigla-bigla nyang liligawan si Ellie? Anak ng!

"Chill bro. Kausapin nalang natin si Steven."

"Ayoko! Ano pa? Para saan? Wala naman diba? Bakit kasi ngayon pang tumigil ako sa panliligaw? At bakit ngayong may problema kami ni Ellie?!"

"Kiezer,'wag ka namang padala sa galit mo. Baka mag-away kayo ni Steve."

Nakayukom na ang mga daliri ko ngayon. Nakakabanas.

Nagring ang laptop ko,sign na may tumatawag sa vc.

Si Steven...

"Hi bro!" Sigaw nya mula sa screen.

"Hi!,"Sabi nina Jay at Francis.

"Oh? Bro! What's with the face?"

Patay malisya pa.

"It's because you betrayed me Steven."

Nagulat sya sa sinabi ko.

"Betrayed you?"

"Huh! P*tang*na,Steven! Hindi mo alam? Wow. Ang lakas ng trip mo!"

"Hey! Ano bang pinagsasabi ni Kiezer?! Wala akong ginagawang masama. Can you please calm him down?!"

"Kiz,chill..."

"No Jayron! Nagpapatay malisya pa kasi yang Steven na yan eh! Alam na man nya na ang dahilan."

"What are you saying Kiezer?!"

Hindi ko kinaya at padabog na sinara ang laptop ko. Nakakabanas!

"Kiezer naman! Ano yon?! Binastos mo si Steve!"sigaw ni Frans.

"Bastos?! Sya yung nauna Francis!"

"L*che! Ano bang nangyayari sainyo!?" Sigaw ni Francis.

"Frans,Kiz. Kumalma muna kayo. Pag-usapan natin 'to ng walang inis,galit at anuman. Tatawagan natin si Steven at pag-uusapan natin ang lahat."

"No! Ayoko! 'Wag na wag nyong tatawagan si Steven sa nakikita ko. Baka ano pang magawa ko. Parang awa nyo na." Sabi ko.

Napasapo sa ulo si Francis at napasuntok nalang sa unan si Jayron.

Hindi ko na gusto ang nangyayari.

"Arghh!" Sigaw ni Jayron at lumabas sa pintuan ng kwarto ko.

"Kumalma ka Kiezer,baka mawala pati ang ilang taon na pagkakaibigan nating apat,na alam mong ayaw ng ni-isa saatin na mawala." Sabi ni Francis bago umalis ng kwarto ko.

***

Sabado na at wala akong balak na tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama ko.

"Hoy! KIEZER! Bumangon ka na nga dyan! Wala ka bang balak na ihatid ako?!"

Narinig kong sigaw ng magaling kong pinsan.

"Hindi mo ako driver!"

Kinalampag nya ang pintuan ng kwarto ko,kaya binuksan ko na dahil naririndi na ako.

Nakita ko syang nakapamewang at may hawak na maleta at hand bag.

"Oh? Saan punta? Boracay? Aga mo naman magsummer." Pagbibiro ko. She just rolled her tiny eyes.

"Sige,last mo na 'yan!" Sabi nya.

Piningot ko ang ilong nya.

"Geh na! Alis ka na. Wala ako sa mood na ihatid ka pa sa airport

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon