48. B's Strike

103 2 0
                                    

Ellie Jaice's Point Of View

Pagabi narin naman kaya naisipan namin na umuwi na,kanina pa kasi kami nasa bahay nila Jan. Hindi naman kasi ako papayagan na magpagabi nina mama kung sa bahay nila Jay or Frans kami nagtambay. At Oo,tambay lang,ewan ko ba sa limang 'to! Naisipan magtambay. Tutal naman daw,hindi kami magkakasama sa pasko. Ilang linggo nalang pasko na e.

"Oh sige na Jan,uwi na kami." Pagpapaalam ko.

"Ah,sige mag-iingat kayo."

"Ells,una na kayo,punta daw kasi si Charles dito e,sunduin ako. Si papa kasi,nasabi kay Charles na andito tayo." Sabi ni Pau. Gusto kong mag'ayie',pero syempre..kahiya naman kay Francis.

"Ah,okay."

"Oh pa'no? Sabay ka na sakin Ells." Sabi ni Kiezer.

Tutal malapit lang naman ang bahay nila saamin kaya tumango ako.

"Sige guys. Una na me!" Sabi ni Frans. Tinanguan namin sya.

"Jan,dito nalang ako matulog. Tinatamad akong umuwi." Pa-cute pang sabi ng hokage na si Jay.

Isang malakas na hampas sa braso ang nakuha nya dahil sa kalokohan nya.

"ARAY NAMAN!"

"Utot mo kasi! Akala mo ba papayagan ako nina Papa?!"

"Joke lang naman kasi."

"Joke mo mukha mo"

At ayun! Naglambingan na ang napaka-corning mais sa mundo!

"Tsk! Tara na Ells,mauna na tayo,baka maging mais na 'yung mga mata natin dito. Geh na! Una na kami Pau" sabi ni Kiezer.

"Leche naman Kiz! Iiwan nyo pa ako!" Sigaw ni Jayron.

"Lul. Asa ka pang sasamahan ka namin."

Napailing nalang ako sa kalokohan ng mga 'to.

Lumabas na kami ni Kiezer at sumakay sa kotse nya.

6pm na kaya nagtext na ako kina mama na pauwi na ako. Saktong ilalagay ko na ang cellphone ko sa bag ko nang magring 'yon at makita ang unregistered na number sa screen ng cellphone ko.

"Hello?"

(Ells!)

Boses ni Steven 'yon,pero bakit iba ata ang number nya na pinantawag ngayon at nung nakaraan,baka nagpalit..pero..

"Steve?"

(Oh? Bakit ganyan boses mo?)

Nakita ko na tumingin saakin si Kiezer at agad na tumingin sa kalsada.

"W--wala."

(Bakit parang iba 'yung sinabi saakin ni Kiezer noong pinaka-huling nag-usap kami? Ano bang nangyari?)

"Anong tungkol don?"

(Oh,I see hindi mo pa alam 'yun.)

"Wait..what? Anong h--"

(Bukas nalang ulit,sige na..basta i-save mo 'to ha. Ikaw ha,ang tagal ko ng number 'to bakit hindi mo pa na-se-save?,tapos minsan hindi mo sinasagot.)


"Anong hinde? Palagi kaya."

(Ha? Eh ngayon palang kita nakausap mula nung sa vc natin ah..)

"W--what?"

Bakit parang hindi nya alam na tinawagan nya ako sa luma nyang number?. Hindi ko sinasagot ang tawag kasi minsan ng unregistered,ngayon ko lang naisipan kasi ang tagal ng tumatawag ng number na 'to. Pero bakit ang sabi ni Steve matagal na nyang number to? So sino yung tumawag noon saakin?



"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon