50. Feeling close

94 2 0
                                    

Ellie's Point Of View

Matatapos na ang third sem namin,sana naman ay gumaling na si Kiezer. Hindi na s'ya nakakapasok dahil sa sitwasyon.

"Ms. Abueva,kindly get the answer sheets of your classmates." Utos ng adviser namin. Sinunod ko s'ya at isa-'sa kong kinolekta ang mga answer sheets.

"'Akin na 'yung sa'yo Jayson." Sabi ko at tumapat kay Jayson na busy parin sa pagcecellphone. Minsan talaga wala 'tong modo,andito 'yung adviser namin pero walang pakundangan kung magcellphone.

"Ehem! Nasaan na 'yung answer sheet mo? Mr. Tolentino?!" Pinilit kong sumigaw. Naka-earphones pa talaga. Nanggigigil ako sa bwisit na 'to.

Inalis ko ang isang earphone na nakasaksak sa tainga nya. Halata na nagulat pa talaga.

"Ellie naman! Bakit ka kusang nagtatanggal ng earphone?! Ano bang pro-"

Itinutok ko sa mukha nya ang mga answer sheets at nagpoker-face ako.

"Ah,bakit naman 'di mo sinabing papakopyahin mo ako?"

Aba! Loko 'to ah.

Pinalo ko sa ulo nya ang mga answer sheets.

"Asaan na ba ang bwisit mong answer sheet ha? Kanina pa kita tinatawag dito! Pinapa-collect na ang mga answer sheets,Mr.Tolentino!" Sigaw ko,pero ngumisi ang loko. Sarap igudgod sa pader.

Inabot naman nya ang papel saakin. Inirapan ko s'ya para malaman n'yang inis ako sakanya.

"Naku,nagsusungit pa." Narinig kong bulong nya.

"Batukan kaya kita,one time? Para malaman mong 'di ka na nakakatuwa." Sabi ko ng may panunudyo.

Napaurong naman ang ulo n'ya.

"Joke lang naman,ano bang nakain mo at galit ang genius ng campus?"

"That's none of you're business." Sabi ko sabay irap at inabot sa adviser ko ang mga answer sheets.

Banas na nga ako,lalo pang madagdagan sa Jayson na 'yan. Ano bang nakain niya at kinakausap ako? Inaasar pa.

Natapos ang apat na subject namin,

Maglulunch na kami nina Jan at Pau. Wala kasi sina Jayron. Walang classes ng umaga ang fourth year.

"Ui Ells,napansin ko kanina si Jayson ah,mukhang kinausap ka? Close ba kayo nu'n?"

Inirapan ko si Janna.

"Kailan pa ako nagkaroon ng ka-close sa mga classmate natin?" Sarkastikong sagot ko.

"Ay naku..mukhang sumungit ka? Meron ka ba?" Mapang-asar na tanong ni Pau.

"Pau,shut up. Ayoko munang mainis ngayon,kasi inis na inis na ako."

"Huh? Dinaldal mo,Ells?" Sabay batok saakin ni Janna.

"Aysht!" Reklamo ko.

"Tara na nga!" Sigaw ni Pau at kinaladkad na kami sa canteen.

Marami-rami ang mga tao,pero wala namang pasok ang mga fourth year. Tss. Ang opposite talaga.

"Ako nalang pipila." Prisinta ni Pau.

"Samahan na kita. Baka matapon 'yung pagkain sa'yo." Sabi naman ni Janna.

"Grabe ka! Gano'n ba ako katanga?!" Sigaw naman ni Pau. Inirapan lang s'ya ng isa at kinaladkad.

Alam naman nila ang order ko eh. Sandwich at softdrinks. 'Yun lang ang lagi kong kinakain dito eh.

Habang nakaupo ako,inilabas ko muna ang cellphone ko at earphones,isinaksak ko 'yun sa tainga ko at nag-music. Medyo maingay kasi dito,para naman 'di ako marindi.

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon