34.Cute Little Girl

128 2 0
                                    

Kiezer's POV

Hindi ko na alam ang isasagot ko kay Klhea,panay ang tanong saakin tungkol d'un sa nalaman ni Ellie.

"E bakit kasi hindi mo puntahan? Para masagot 'yang mga tanong mo. Hindi naman ako si Ellie para sagutin ang mga tanong na hindi para saakin." Diretsyong sabi ko.

Ibinagsak nya ang balikat nya at sumandal sa sofa.

"Paano na 'to? Sasabihin ko na ba? Hindi ko pa nababawi ang kumpanya."

I just mentally rolled my eyes,seriously? Yun lang ang hinihintay nya?

"Klhei,mag-isip ka. Mababawi mo ba ang kumpanya nyo mula sa mga tita nyo kung ganyang mag-isa ka lang?" Tanong ko.

Tiningnan nya ako,but her looks was very serious. Itinaas nya pa ang isa nyang kilay.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Just tell the truth to your sister,"
Sabi ko at umakyat sa taas.

"Kiz! Paano?! Tutulungan mo ba ako?!" Sigaw nya nang nasa gitnang part na ako ng staircase.
Hindi ako tumango o lumingon.

Pero,nag-okay sign ako.

"Thank you! You're the best!" Sigaw pa nya.

"Tsk," lang ang response ko.

"Sus! PALAKAS KA LANG! ATE KASI AKO NI ELLIEEEEE!" Sigaw nya at sinundan ako.

"Umalis ka dyan,ihuhulog kita" pabiro kong sabi.

"Hindi ka na sasagutin ni Ellie,"

Napairap nalang ako. Ang laki ng pagkakaiba nila ni Ellie...

***

"Class dismissed," sabi ng nakakabagot na prof namin,nakakaantok lang ang history. Pero bakit si Ellie,favourite pa ang subject na 'to? Bilib ako dun.

"Kiz,sa'n punta mo?" Rinig kong sabi ni Jayron.

Nauso talaga sakanila ang 'kiz' parang gustong magpakiss e. Kung si Ellie 'yun,di ako magrereklamo. Dejoke.

"Sa puso ni Ellie,"

"Yow!" Sabay nilang dalawa ni Francis.

"Tss. Tara na. Kina Ellie.." sabi ko.

"Kayo nalang," sabi ni Francis.

"Huh? Ayaw mo bang makita si Pau?" Tanong ni Jay.

"No,"

Nagulat kami syempre. Pero.. kailangan namin malaman ang problema nila.

"What happen?," tanong ko.

"Wala. J-just..ugh! Sige na mauna na kayo. Punta lang akong comp lab,tulog muna" sabi nya.

Nagkatinginan kami ni Jay at nagkibit-balikat.

"K fine," sabi ni Jay at kinaladkad na ako.

Nakita namin na parehong nakabusangot ang mukha ng dalawa--Ellie and Janna.

So where's Pau?

"Anong mukha 'yan? Plantsahin muna natin tong mga 'to Kiz" biro ni Jay paglapit namin sa dalawa.

"Are you two okay?" Tanong ko.

Umiling sila.

Hinawakan ko sa kamay si Ellie at kinaladkad papuntang garden,ganon din ang ginawa ni Jay kay Jan.

"So? What's the prob? Where's Pau?" Tanong ko.

"S-si P-Pau. May,may bf na!" Sigaw ni Janna.

Huh? Kaya pala sobrang umiwas si Francis.

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon